[1] Jessica Jung

1.9K 46 0
                                    

                                          🌟Chapter [1] Jessica Jung🌟

"Jessica Wake up!" Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. I bit my lower lips, Padabog ko naman ibinalot sa akin ang kumot na nasa tabi ko lang.

Bakit kasi kailangan pang pumasok diba? Bakit kailangan laging may pinag dadaanan muna bago makuha lahat lahat ng gusto mo. Bakit kailangan mo munang mag hirap para makuha ang mga bagay na gusto mo?

Bakit kaya nga ganon? Hindi ba pweding kuhanin mo nalang sila at hindi mo na kailangan pang mahirapan?

"Ayokong pumasok." Inis na sabi ko sa nag salita. Ewan ko ba kung sino siya.

Lahat naman ng nagiging yaya ko mga umaalis eh. Well I don't care sino ba sila? I'm not born to please them. Di ko sila kailangan sila na nga ang nangangailangan ng pera tapos ganon pa yung mga ginagawa nila?

Minsan may mga taong mapag samantala at mapanggamit rin. Kapag nakuha na sayo yung gusto iiwan ka nalang na batang iniwan sa ampunan at nag hihintay na balikan.

Parang tanga lang diba? Tsk. Ano ba itong pinag sasabi ko. "I said wake up! Malalate na tayo. Hindi ka pweding umabsent." Padabog naman akong bumangon.

Pumeywang naman kaagad siya sa harapan ko, I rolled my eyes. "What?" Inis na tanong ko. Tumingin na lamang ako sa kabuuan ng kwarto ko ayokong makita ang mukha niya.

I'm a bitch. The hell I care atleast totoo ako sa sarili ko hindi katulad ng iba dyan. Mga peke at hindi nagpapakatotoo, May iniinda na pala pilit parin ngumiti. Duh, People now a days.

"I don't care kung i-expel nila ako. Guess what? Kaya ko rin silang tanggalin sa school. We own Hilton University so bakit pa ako magpapakahirap pumasok sa school na yon. Kahit anong oras o araw pwedi akong maka graduate doon. Stop so being stuborn." Sabi ko at nahiga muli.

Akala ko makakatulog na ako muli pero hindi pa pala, Masaya niya akong niyugyog at tumalon talon sa kama ko. "Jessi Wake up! Wake up! Sleeping beauty!" Pakanta niyang sabi.

Pinipilit kong takpan ang dalawa kong tenga pero ugh, useless dahil sa sobrang lakas at tinis ng boses niya. Nakakainis marinig padabog akong bumangon at itinulak siya pababa.

"Papasok ka na?" Tanong nito habang naka ngiti ng nakakaloko. I rolled my eyes. Hindi naman niya ako titigilan kaya bumangon narin ako at pumasok na sa bathroom ko. Nag salita pa siya pero hindi ko na siya pinansin pa.

Pagkatapos kong maligo nag bihis narin kaagad ako ng uniform. Tamad na tamad talaga akong pumasok ngayon pero ugh. Napilitan lang naman ako. Lumabas narin ako ng bathroom at nakita ko siyang naka upo sa dulo ng kama ko.

I'm Jessica Jung, Yes. Jessica ang pangalan ko. They say ang sama sama daw ng ugali ko, Well. Haters gonna hate, Hindi ko naman sila kailangan sa buhay ko. Ano naman kung ayaw nila sa akin? Di ko sila pipilitin na gustuhin ako.

17 years of existing. Wala na kong Mommy pero ang Daddy ko? Andoon sa mistress niya. The reason kung bakit nawala kaagad ang mommy ko. Nakakatawang isipin diba? Hindi siya makuntento sa isa bakit kailangan niya pang gawing dalawa?

Tumingin na lamang ako sa kanya at iniwas narin ang tingin ko. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto ko. "Good Morning Ma'am Jessi." Bati sa akin ng mga katulong dito sa bahay.

Wala ako sa mood kaya hindi ko sila pinapansin, Dumiresto ako sa Dining Area para makapag breakfast na pero natigilan ako ng makita ko siyang naka upo at kumakain.

"Andito ka pala." Sarcastic kong pag pukaw sa kanya. Napa tigil naman kaagad siya sa pagkain niya at tumingin sa akin. "Oh, There you are. Come on sabayan mo na ako Jessica." Pag aaya niya sa akin.

Nginitian ko lang siya ng pang inis. "No Thanks, Nawalan ako ng gana ng makita kita." Giit ko at pumihit na para makaalis sa bahay na ito.

Hindi ko na sila nilingon pa ng mag salita sila muli lumabas na kaagad ako ng bahay at sumakay na sa kotse. "Ma'am Jessi Saan po?" Tanong ng Driver.

Napa irap kaagad ako pagkasakay ko. "Obviously sa University." Pabalang na sagot ko.

Hindi naman narin pa ito sumagot. Nakakainis ba yung mga taong ganon? Alam naman nila kung saan pupunta tapos itatanong pa? Bakit gusto nila laging nag mumukha silang tanga? O pinag mumukhang tanga yung sarili nila. Nakakainis.

Ilang oras pa nakarating na ako sa Hilton University. Bumaba kaagad ako ng sasakyan at pumasok na kaagad ako sa gate ng school. Nag Bow naman kaagad sa akin ang Guard pero hindi ko siya pinansin.

Sabihan na nila akong suplada. Hindi ko naman sila pinilit na mag bow o batiin nila ako sa tuwing dadaan o madadaanan ko sila. Then, ako nanaman ang magmumukang masama.

I know. Maraming nagagalit at na iinsecure sakin, di ko naman sila masisi ganito yung naging buhay ko. Di ko sila papakielamanan kung ano ang gusto nilang isipin sakin. Mag sawa sila di naman ako yung mapapagod eh.

"You're Late." Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Huminto naman ako sa paglalakad at nilingon siya. "Excuse me. Di pa start ng klase." Sabi ko.

Tumawa lang naman kaagad ito at lumapit na sa akin para sabayan akong mag lakad. "Ang sungit mo ah." Sabi ni Nicole. "Di ka pa nasanay." Pitpit ko.

Hindi nalang siya nag salita pa tumawa nalang ito ng tumawa. Hanggang sa makarating na kami sa classroom namin. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang nag lingunan na lahat sila sa akin.

"Si Miss President! Si Miss President." Rinig kong pagkagulat nila. "Good Morning po." Sabi nila at mga nag bow pa. Mag tutuloy tuloy  nalang sana ako sa pag pasok pero kinalabit ako ng nasa likod ko. "Sumagot ka naman Jess." Bulong nito sa akin.

I rolled my eyes. Pumasok na ako at sapilitang ginawa ang gusto niya. "Good Morning." Simpleng sabi ko at pumunta na sa armchair ko. Halata naman silang nagulat dahil sa pagbati ko rin sa kanila. Eh sa hindi nga ako marunong bumati kapag may babati sa akin eh. "Oh kita mo na, Ang saya nila nung binati mo sila." Sabi ni Nicole na katabi ko lang sa likod.

"Whatever." Walang gana kong sabi. Hindi na lamang ito nag salita pa, Yes. Nicole Song She's my bestfriend. Siya lang ang kasama at kinakausap ko sa Hilton University.

Isa pa itong dahilan kaya mas maraming naiinis sa akin. Yes, Ako yung president ng buong High school Level. Pinilit lang naman ako ng isang prof ko na mag president. Ade ayos Nag try ako. Guess what? Ako naman yung nanalo eh.

Ilang sandali pa pumasok narin ang Prof namin. Tumingin lang ako sa kanya. Ilang oras rin siyang dakdak ng dakdak dito sa room na wala naman ni isang estudyante na nakikinig sa kanya. Napa iling iling nalang ako.

"Okay class. Tomorrow we are having a long quiz be prepared. Mag review kayo." Sabi nito habang inaayos ang mga gamit niya. Ilang sandali pa lumabas narin ito kaagad. Siyempre kanya kanya nanaman ng mundo yung mga students dito sa room. Tumayo na kaagad ako at kinuha na ang gamit ko sumunod naman kaagad sa akin si Nicole. Wala naman narin kaming klase dahil vacant.

Pumunta naman kaagad kami sa cafeteria ng school na ito. Nilapag ko kaagad ang bag ko sa desk umupo naman kaagad ako sa bakanting silya. Kaharap ko naman ang kaibigan kong si Nicole na kumakain ng ice cream.

Kumalumbaba na lamang ako rito. Mas gusto ko nalang sa tahimik na lugar kesa sa maingay, magulo. Mas tahimik pa kapag sa cafeteria ng mga ganitong oras.

"Iniisip mo nanaman ba siya Jess?" Napa tingin kaagad ako kay Nicole na kumakain ng ice cream. "Wag mo na siyang isipin Jess." Sabi pa nito.

I rolled my eyes. Hindi ko nga alam kung ano yung sinasabi niyang, Iniisip ko daw ba at wag ko na raw isipin. Tsk. "Tanga ka ba? Hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi mo eh. Sino ba iisipin ko?" Tanong ko naman kaagad sa kanya. Napa tawa na lamang kaagad ito sa akin. "Si Morgan." Sagot nito.

Napa tigil kaagad ako, pakiramdam ko bumagal ang lahat ng marinig ko muli ang pangalan na iyon.

Bakit ba hanggang ngayon ganito parin? Bakit hindi pweding maalis ng basta basta?

Bakit kasi Morgan.. bakit siya pa?

---

That's enough. HAHAHA! Chapter 1. Sino naman kaya si Morgan? ^_______^ Please. Vote and Comment.

Thanks! :*

Lovelots.

Mrs-Lee.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon