[44] I'm Lost

534 21 4
                                    

🌟Chapter [44] I'm Lost🌟

"Are you done?" Tumingin ako sa salamin at nakita ko siyang naka pamulsa habang naka suot ng itim na tuxedo. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pagkatapos nag-lagay ako ng kaunting pampapula sa labi ko. Ibaba ko na dapat ang lipstick pero nagulat ako ng kumuha siya ng tissue at inalis yung red lipstick sa labi ko.

"What the fck!?" Inis na sabi ko. "Don't use red lipstick on Graduation Ball, you'll look like a whore." Mas kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yon. Bat ba siya ganito? Deretsahan kung mag-salita!

Meron siyang kinuha sa bulsa niya at inilabas yon. "Here." Binigay niya sa akin at lumabas na ng kwarto namin. Naiwan naman akong naka tingin lang sa pinag-labasan niya. Tiningnan ko naman ang hawak hawak kong lipstick. Umirap na lamang ako habang pinahid ko 'to sa bibig ko.

Tiningnan ko naman ang sarili ko. At.. Oo nga, mas maganda yung light lang na lipstick. Hindi masyadong mapula. Pink kasi ang binili niya at bagay naman ito sa akin, para nga lang ako hindi naka lipstick dahil sa kakulay din ng labi ko yung binigay niya.

Bumaba nadin ako sa First floor at nakita ko naman siyang naka tayo sa may bintana. Naka talikod siya at naka pamulsa ang dalawa niyang kamay. Pero ano nanaman yung buhok niyang yon? White or Gray? Tsk. But.. It's perfectly suits him.

Humarap siya bigla kaya umiwas agad ako ng tingin. Naramdaman ko naman ang pag-lapit niya sa akin at meron siyang inabot sa akin. Mascara? Ano gagawin ko dito? Pagkabigay niya non sa akin nilagpasan niya na ako at lumabas na ng bahay.

Sus. Ano bang bago. Inis na lamang ako sa kanyang sumunod at nakita ko naman siyang kanina pa naka sakay sa sasakyan niya. Sumakay naman narin ako doon at nag seat belt narin. Tahimik lang naman ang byahe namin papunta sa Venue ng Graduation Ball. Mabuti nga yung mga pasa kong maliliit natago ng make up. Ewan ko lang kung nandodoon yung mga gumawa neto sa akin.

Tiningnan ko siya at iniwas ko rin agad. Mariin akong pumikit at palihim na huminga ng malalim. Bat ba ganito ang buhok niya ngayon? Di ko akalain na babagay sa kanya. Tsk! Ano ba tong pinag-sasabi ko. Ang panget niya!!

Nakarating din naman kami agad at nag-park na siya. Pagka park niya bumaba na agad ako dahil alam ko naman na hindi niya ako pag-bubuksan. Nakita ko naman ang pag-baba niya. Sabay nalang kaming pumasok sa loob at nakita ko naman agad ang mga kaibigan niya. Napansin naman din nila agad kami.

"Woah.. Look at the Lovely Couple!" Si Kai? I think. Lumapit agad siya sa amin at kabod na hinapit ako sa beywang papunta sa kanya, Ikinagulat ko yon kung kaya't hindi ako nakagalaw o palag agad. Pero mabilis rin naman akong hinila ni Kris papunta sa kanya. "Chill.." Natatawang sabi niya habang naka tingin lang sa amin.

"So.. You're Jessica right?" Tumingin ako sa lalaking nasa harapan namin ngayon na kasing tangkad lang ni Kai o kaunting taas lang si Kai. Mukha siyang babae. "Y-yes." Sagot ko. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos nilahad ang kamay niya.

"Luhan." Sabi niya. Tinugon ko rin naman ang pagkakalahad ng kamay niya. At di kilalaunan nag-bitaw rin kami agad.

Hindi kilalaunan, umupo rin kami sa isang round table pero kami lang dalawa na naroroon ni Kris. Di ko nga alam kung bakit siya nakasama sa akin eh samantalang nag-sasaya yung mga kaibigan niya sa kabilang table. Dalawang silya ang layo namin sa isa't isa. Lahat kami ay naka suot ng mascara.

Lumingon na lamang ako sa stage at pinag-masdan ang mga nag-sasayaw. "Thank you so much guys! Wala parin kupas, Ang gagaling niyo parin! But it's a bitter sweet right?" Sabi ng Emcee sa mga kakatapos lang sumayaw kanina.

Lahat naman ng tao ay 'aww' ang mga sinabi nila. "Graduated na ang iba sa inyo. But.. Hindi naman magkakalimutan diba." Natatawa niyang sabi.

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi niya maliban sa akin. "So okay, Hahaha." Bahagya pa siyang tumawa. "May i call our President? Mr. Wu, pleace come here in the stage and give your message to your co-students." Tiningnan ko naman ang katabi ko at wala na siya. Hinanap ko naman siya pero naroon na pala siya sa tapat ng stage.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon