[59] Falling?

612 35 2
                                    

                                                                   Chapter [59] Falling?


"Good Morning Sir.." Napa tingala ako sa babaeng pumasok sa opisina niya. Papalapit siya kung saan naroroon si Kris. Hindi niya siguro namalayan na nandito ako. Habang papunta siya kay Kris winagayway niya pa yung mahaba niyang kulot na buhok. "What?" Kunot noong tanong ng asawa ko habang pirmis paring merong ginagawa sa Laptop niya. 

"Sir.. Si Mr. Sarmiento po, Available na po siya bukas at ngayon." Kumunot ang noo ko na parang ang arte ng pananalita niya sa asawa ko. Bakit nandito ako sa opisina niya? Simple lang. Kaninang ginigising ko siya ayaw niya pang bumangon. At sinabi niya pa sakin na papasok lang siya pag kasama niya ako sa Opisina. Siyempre pumayag naman nadin ako, kabago bago niya palang bilang CEO tapos meron na siyang absent kaagad. Ang arte niya! 

"Meron din po kayong meeting kila---" Nag-angat siya ng tingin at inayos ang Neck Tie niya. Tumayo naman siya at isinara niya na ang Laptop niya at kinuha niya ang Iphone niya. "Cancel all my meetings." Malamig na turan niya habang papunta siya sa gawi ko. Hinawakan niya ang kamay ko kung kaya't  tumayo ako at kinuha ko ang blue kong shoulder bag. "Sir hindi po---" 

"I'm the CEO. Cancel all my meetings." Sabat niya at kinuha sa akin ang shoulder bag ko at inilagay niya 'yon sa kabila niyang kamay. 

"Sir.. bakit po?" Habol ng babae sa kanya. Huminto naman kami sa pag-lalakad at lumingon siya sa babae. "Me and My Wife will go to Maldives." Sagot niya at tuluyan na kaming lumabas ng kwarto niya. 

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-tawa ko dahil sa gamit gamit niya ang bag ko. Sino ba naman hindi matutuwa? CEO siya ng kumpanya tapos sukbit sukbit ang blue kong bag. Pinag-titinginan na kami pero parang wala lang sa kanya. "Bye Sir." Paalam sa kanya ng Security Guard. Tumango na lamang siya at ako naman. "Bye Maam." Sabi ng Security Guard. "Good Bye.." Naka ngiting sabi ko. 

Habang patuloy kami papunta sa parking lot hindi ko parin matigilan ang sarili kong hindi matawa. "Tawa ka ng tawa?" Kunot noo niyang tanong habang kinukuha ang susi ng kotse sa bulsa ng pantalon niyang itim. Umiling iling na lamang ako at sumakay na matapos niya akong pag buksan ng pinto. Sumakay naman narin siya at nag-simula ng mag maneho papauwi sa bahay natin. "Saan nga tayo ulit pupunta?" Tanong ko habang nag-susuklay ako ng buhok ko. "Maldives, Babe." Lumingon agad ako sa kanya matapos niya akong tawaging 'Babe' 

Pero agad ko rin 'yong iniwas. Bakit meron akong pakiramdam na.. Gawa gawa niya lang lahat ng ito? Yung pinapaasa niya lang ako? Pero ramdam na ramdam ko naman ang sincere niya habang sinasabi niya sa akin noong isang araw. "T-tayo lang? Hindi kasama sila Lola?" Tanong ko at sinauli ang suklay sa bag ko. 

"Maldives is just for couples." Simpleng sagot niya. "We're Married." Umiiling iling niya pang dagdag. Hanggang sa makauwi na kami, mas nauna na akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Umupo muna ako sa L-shaped sofa namin dito at huminga ng malalim. "Sir, Ayos na po." Tumango siya sa katulong namin habang ibinaba ang dalawang maleta at isang bag. Kumunot ang noo ko kung kaya't tumayo ako at tumingin sa kanya. 

Nakita ko naman na tinulungan ni Manong Driver si Manang sa pagdadala ng maleta namin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "What for?" Tanong ko sa kanya at nag crossed arms. "Anong what for?" Kunot noo niyang tanong. 

"Bakit kailangan pa natin pumunta sa Maldives?" Tanong ko. Humugot siya ng malalim na hininga. "Relax, Chill." Sagot niya habang meron kinakalikot sa iPhone niya. "Kris, Hindi mo ako naiintindihan eh!" Dahil sa nararamdaman ko hindi ko napigilan ang mapagtaasan siya ng boses kung kaya't tumingin agad siya sa akin. 

"Ano ba dapat kong intindihin?" Sumeryoso siya. "Itong ginagawa mo na 'to! Bakit kailangan mo pang gawin 'to? Kung ginagago mo lang ako. Pwede ba? Itigil mo na." Hindi ko na napigilan ang sumabog halata sa mga mata niya ang pagka gulat dahil sa sinabi ko. 

"Fck. Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa akin? Jessica. Listen Carefully." Sabi niya at humarap sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. 

"I. WILL. DO. EVERYTHING. TO. MAKE THIS MARRIAGE. WORK!" Gigil na gigil niyang sagot sa akin habang hawak hawak pa rin ako. Para kong nalunok ang dila ko dahil sa sinabi niya. "Bakit 'yon? Hindi mo maintindihan?! Hindi mo pa ba nararamdaman yung nararamdaman ko?!" Muling giit niya.

Sabi niya at binitawan ako at umalis sa harap ko. Narinig ko na lamang ang pag sara ng pinto ng bahay. Naiwan na lamang ako dito na parang nanakawan. Dahan dahan akong napa upo habang hawak hawak ko ang noo ko. Hindi ko alam pero nag iinit ang sulok ng mga mata ko. Napa tingala ako upang hindi ito pumatak. Mas naguluhan ako dahil sa sinabi niya. 

Ano yung nararamdaman niyang hindi ko nararamdaman? "Maa---" "Shut up!" Mas lalo akong napa pikit ng mariin ng masigawan ko si Manang. Tumayo naman agad ako at humingi ng despensa sa kanya. Tumango na lamang siya sa akin at sinabing nasa sasakyan na daw si Kris. Wala naman na din akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya. Sumakay na ako at nakita ko naman siyang naka headphone at habang nag-babasa ng pocket book. "Tara na po Maam." Sabi ni Manong at nag-simula ng mag-maneho, Papunta sa Airport. 

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi niya ako nililingon oh kinakausap 'man lang. 


Why are you doing this to me Kris? Am i afraid to fall in love with you? Or I already fall inlove with you? 


** 

VOTE AND COMMENT THANK YOU!! HAHAHAHA AYUNEH NAG DADALAGA NA MULI SI JESHKA AROT! 




Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon