[66] I'm into You

862 19 3
                                    

                 

Chapter [66] I'm into You

WARNING: BS.

Lumunok ako bago bumaba ng sasakyan niya pagka parada niya sa garahe namin dito sa bahay. Hindi ko na siya inantay pa at mabilis na akong lumakad papasok sa malaking bahay dito.

Magang maga na ang mata ko sa kakaiyak. Ang sikip sikip na ng dibdib ko. Alam kong bawal sa akin mangyari ito pero hindi naman maiiwasan eh.

Hahakbang na dapat ako pero natigil ako dahil sa hinawakan niya agad ang braso ko. Hindi ko siya nilingon, Ayoko siyang lingunin. Naiinis ako sa sarili ko o sa kanya. Basta! Naiinis ako sa lahat.

"Let's Talk."Simpleng sabi niya. Hindi pa ba siya tapos? Lumingon naman ako sa kanya pero yumuko ako. Hinayaan kong hilahin niya ako papunta sa L-shaped sofa dito. Inupo niya ako at umupo rin siya. Hinubad niya muna ang itim niyang coat at inilupi ang pulang long sleeves na hanggang siko.

Tahimik lamang ako dito at nag-hihintay ng kung anong sasabihin niya, Hindi pa ba siya napapagod? I mean. Ayaw niya ba munang mag-pahinga at bukas nalang naming ipag-patuloy ang usapang ito? "Gusto kong magka-intindihan tayo ngayon Jessica. Now you know everything." Malalim niyang sabi.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tanguan ang mga sinabi niya. Hindi ko siya matingnan dahil nahihiya ako sa kanya. Oo, tama. Nahihiya ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Narinig ko nanaman kasi ang pangalan ni Sandy, Sa tuwing naririnig ko 'yon hindi ko maiwasang maramdaman ang inggit, galit at hiya sa sarili ko. Totoo naman eh, Nung bumalik muli ako sa buhay niya. Sinabi naman niya 'yon kanina eh. Naging magulo muli dahil ipinagkasundo ako sa kanya. "Sorry.. Kris." 'Yon nalang ang tanging nasabi ko.

Yumuko  ako at inihilamos ko ang sarili kong palad sa mukha ko. Gusto ko ng ikawala ang mga hikbi kong pinipigilan ko kanina. "Alam kong mahal mo si Sandy, Nakita ko 'yon sa mga mata mo. Narinig ko sa mga salita mo, Naramdaman ko sa mga galaw mo. Pakiramdam ko wala na akong ginawang tama sa mundong 'to." Umiyak ako ng lubos habang sinasabi ko 'yon.

Hindi ako umalma ng isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at hinapit niya ang beywang ko. "Alam ko lahat Jess.. Hindi ko lang maintindihan bakit hindi mo na maalala yung nakaraan mo? Pati kami lahat. Tanging si Morgan lang yung naalala mo. Hindi ko alam kung sadyang kinakalimutan mo lang talaga yung mga taong nang-iiwan sa'yo. Ayokong isiping ganoon ka pero 'yon eh.." Mahina niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko.

"Oo, aaminin ko. Nanligaw ako kay Red 'non just to forget you." Dahan dahan akong lumayo sa kanya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "So it means.. You had sex?" Tumingin agad siya sa akin matapos ko 'yong tanungin. Tumingala siya at pumikit. Kitang kita ko ang pag galaw ng Addams apple niya dahil sa pag-lunok niya. "Believe me or not. You're my first." Sagot niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil uminit ang pisngi ko. "P-pero.. bakit ganoon ang sinabi mo sa kanya noong nasa Maldives tayo?" Hindi ko parin mapigilan ang mag-tanong. Bumuntong hininga siya kung kaya't tinignan ko naman agad siya. "Nakwento lang kasi sa akin ni Kai na.. ganoon na ang ginawa niya simula 'nong pumunta akong New York." Walang alinlangan niyang sagot.

"Elementary tayo 'non, Transferee siya. Palagi kaming tinutukso 'non dahil kami lagi ang Partner tuwing may sayaw at p.e Then, You and Morgan are always the partner." Muling sabi niya.

Tumango ako habang patuloy na nakikinig sa kwento niya. "P-paano mong nakilala si Sandy?" Tanong ko habang nag-aalis ng sapatos. Matagal siya bago sumagot.

Para akong isang tanga. Kailangan ko pa bang tanungin 'yon? Alam kong masasaktan ako sa pwe-pwedi niyang maging sagot eh. Oo, hindi naman masamang mag-selos diba? Pero ano naman ang ikaka-selos ko? Hindi naman nangugulo si Sandy katulad ng ginagawa ni Red ngayon sa amin.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon