[30] Maybe

481 21 0
                                    

                                                  🌟Chapter [30] Maybe🌟

"Here we are." Sabi ni Nicole habang nag-iinat inat pa, Ang babaeng si Krystal naman naka yakap ang mga kamay sa braso ng kapatid niyang si Jessica. Naka yuko lamang ito habang papasok sila ng kotse. Oo, ngayon na kasi ang uwi nila papuntang Manila. May mga itim na kotse ang susundo sa mga kasamahan nila. "Bitin." Sabi naman ni Krystal kay Nicole.

Tumawa na lamang ang dalawa ng makasakay na silang tatlo sa sasakyan. Pero si Jessica, tahimik lang. Walang imik. Hindi naman napapansin 'yon ng dalawa dahil kanina pa sila nagkwekwentuhan sa nangyari noong nasa Resort sila. Nasa shotgun seat Jessica, at yung dalawa naman nasa Passenger seat.

Hanggang sa makarating na si Jessica sa bahay nila ni Kris. Oo, siya nanaman ang mag-isa. Dapat ay sasamahan siya ng dalawa pero sinabi niyang gusto niya munang mapag-isa. Dumiretso siya sa likod ng bahay na kung saan naroroon ang swimming pool at mga upuan. Pumunta siya sa wooden swing at umupo doon.

Dahan dahan niya na lamang itong inuugoy, habang naka pikit. Hindi parin niya kasi makalimutan, kung ano nangyari bago sila umuwi dito sa Manila. Yung galit na tingin sa kanya ni Morgan, ramdam na ramdam niya 'yon. Sa isip isip niya. Oo nga, Mahal talaga ni Morgan si Micah dahil sa pag-tingin at pag-kausap palang nito. Kapag nakikita niya ang dalawang nag-tatawanan at sweet sa isa't isa. Hindi niya mapigilan ang manghinayang. Kumbaga.. Naiinis, nag-sisi at naiingit siya.

Huminga siya ng malalim at tumingala. Tahimik lang ang buong bahay, dahil siya lang naman mag-isa doon. Sa pag tingala niyang 'yon naramdaman niya ang pag-agos ng mainit na likido na nag-mula sa mga mata niya.

Hindi ba siya nag-sasawang umiyak? Tanong niya sa isipan niya lagi yon. Pinunasan niya na lamang 'yon at tumingin muli sa langit.

I love her, only her.

Paulit ulit yon sa isipan niya. Kapag naiisip niya nga parang may tunog 'yon na paulit ulit niyang naririnig.

I moved on, Sana ikaw din

Ngumiti siya ng mapakla ng maalala niya din 'yon siguro nga. Naka move on na talaga si Morgan, pero ano naman ang pinakita ni Morgan na 'yon noong gabi na nasa Gazebo sila? Sa isip isip niya tuloy parang second option lang siya ni Morgan kapag wala si Micah. Gaano kasakit 'yon? Pampalipas oras kumbaga.

Hindi siya magising sa katotohanan na wala na talaga sila ni Morgan, na wala na siyang halaga kay Morgan. Sa tingin niya, kaibigan nalang talaga ang tingin sa kanya. Pero paano naman? Kung sa kilos at salita ni Morgan noong nasa gazebo sila. Ano yon? Gaguhan lang?

Tama nga siguro ang sinabi ni Cherry. Wala siya kung ikukumpara kay Micah, Madaming alam si Micah talentado, pero siya? Kumanta lang. Dadalawa lang ang sports at kapag sa mukha naman. Mukha talagang anghel si Micah pero siya? Tingin agad sa kanya ng mga tao ay suplada at masama ang ugali. Pero wala naman na siyang magagawa doon, dahil yon ang tingin ng mga tao sa kanya eh. Hindi maman niya ugali ang mamilit ng isang tao.

"I'm a Loser." Tanging mahinang salita ang lumabas sa bibig niya. Dumilim ang langit at halatang bubuhos ang malakas na ulan. Ipinikit niya na lamang ang mga mata niya at hinihintay na pumatak sa kanya ang mga butil ng ulan.

Naririnig niya na ang malakas na pag buhos nito pero hindi siya nababasa, kung kaya't nag-tataka siya. Iminulat naman niya ang mga mata niya at mayroon siyang nakitang itim na payong na kumukubli sa kanya sa ulan na bumubuhos ngayon. Pero mas naka kuha ng pansin niya ang lalaking naka tayo ngayon na may hawak ng payong na hindi naman siya tinatapunan ng tingin. Naka tingin lamang ito sa kawalan.

"What are you doing?" Tanong niya bigla. Humugot ng malalim na hininga ang binata. "Someone's want to talk to you," Sagot naman nito. Nangunot ang noo niya. Unti unti tumila ang ulan. Pumunta naman agad siya sa harapan ng bahay at nakita niya nga doon ang isang binata na nag-hihintay na naka upo sa wooden swing din.

Hindi niya alam kung mayroon pa siyang mukhang ihaharap sa taong nasa gilid niya ngayon na naka upo sa wooden swing nga. Baka kasi, sumabog na siya ng tuluyan at hindi niya na mapigilan ang sarili niya. Tama na, siguro yung nangyari sa kanya sa Resort para magising na siya sa katotohanan.

"Morgan.." Lakas loob niyang sabi. Tumayo naman agad ang binata at hinarap siya. Hinihintay niya pa kung ano ang sasabihin nito pero nagitla siya ng yakapin siya nito bigla, wala naman siyang nagawa kundi hayaan nalang 'yon. "I'm sorry. I'm sorry for what I've said." Sabi nito. Hindi naman siya umimik tahimik lang siya habang yakap yakap siya ng binata. "I didn't mean to hurt you." Sabi muli ni Morgan.

"You already did." Malungkot na sabi ni Jessica. "Ang sakit." Tanging muli niyang nasabi. Mas hinigpitan naman niya ang yakap niya kay Jessica. Hindi naman niya ito pinapaasa sa kung ano. Pero kaibigan nalang talaga ang tingin niya dito at wala ng iba pa. Mahalaga parin naman sa kanya si Jessica dahil naging bahagi ito ng buhay niya pero iba na ngayon. Meron ng iba. At hindi na si Jessica 'yon. "I'm sorry, i just can't bare to see her hurt." Sabi ni Morgan.

Tahimik lang na patak ng patak ang luha ni Jessica. Pero paano naman siya? Okay lang kapag nasasaktan? Selfish tho. "She's so fragile." Muling sabi ni Morgan.

"Pero kapag sa akin okay lang? Okay lang na masaktan?" Sabi ni Jessica. "Hindi na--" "It's okay, i'm used to every kind of pain." Putol ni Jessica sa dapat ay sasabihin ni Morgan.

Humiwalay naman sa yakap si Morgan at ikinulong ang magkabila niyang pisngi sa mga palad nito, ngunit hindi naman niya ito tiningnan sa mga mata. Naramdaman niya ang pag-punas ni Morgan sa basa niyang pisngi. Bumaba naman ang mga kamay ni Morgan sa dalawang niyang kamay.

Doon na lamang siya napa tingin. Signs of goodbye? Sabi niya sa isipan niya. Tiningnan nila ang isa't isa. "Maybe love was just never meant for us." Lumungkot ang mukha ni Jessica, hindi. Mas lalong lumungkot.

"Sometimes, it's difficult to accept the fact that maybe we just weren't meant for each other." Napa ngiti sila ng dalawang mapakla. "Pinilit ko naman na maging tayo hanggang huli. Pero wala, pinilit ko naman eh." Malungkot na sabi ni Morgan.

"But i pushed you away. Right." Malungkot na sabi ni Jessica. Wala nalang ibang nagawa si Morgan kundi ang tumango nalang. "Sorry.." Sinabi ni Jessica.  "Maybe, someone will fix your broken heart. Ako nga lang ang naunang maayos." Sabi ni Morgan

"Shhh.." Sabi ni Morgan. Bahagya niyang kinurot sa pisngi si Jessica na ngayo'y nagpupunas ng basang pisngi niya. "You will find someone better than me. I'm not worth it for your precious tears Lady," Sabi ni Morgan.

Sa wakas, siguro ay matatanggap na ni Jessica na hanggang dito nalang talaga si Morgan. "So? Let's start a new one." Sabi ni Morgan. Bahagya siyang lumayo kay Jessica at nilahad ang kamay niya. "I'm Morgan Williams." Naka ngiting pagpapakilala niya.

Napa tawa na lamang ng mahina si Jessica, "I'm Jessica Jung." Ngiti niyang pagpapakilala. Ngumiti na lamang sa kanya si Morgan at niyakap na lamang siya. Tinugon naman niya narin 'yon. Ang mabigat na nararamdaman niya kanina ay parang nawala na 'yon. "Thank you for the Five years of Happiness." Sabi ni Morgan. Tumango tango na lamang siya.

Hindi kilalaunan ay umalis narin si Morgan sa bahay na 'yon sinundan na lamang niya ang sasakyan na papaalis. Hindi niya namamalayan nasa likod niya na pala si Kris. "Maybe.. Or there's still time someday." Sabi ni Jessica habang humugot ng malalim na hininga.

"Don't say that." Napa lingon siya sa likod niya. "Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Jessica.

"Don't always say, 'There's still time'. Or 'maybe next time' because there's also a concept of it's too late." Sabi ni Kris at iniwan siyang mag-isa sa labas ng bahay.

**

Hugot si Kris, Hugot! Hahahaha! <3

Okay guys. Thank you po, Vote and Comment po. Thank you!!! God bless us always.

Mrs-Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon