[54] Approval

545 33 3
                                    

                                                                                  Chapter [54] Approval


"Happy Birthday, Jessica." 

Parehas kaming napa ngiti ng sabihin niya 'yon. Tanging Birthday candles lang ang nag-silbing liwanag upang makita ko siya. Papalapit siya sa akin. At itinapat sa akin ang Chocolate heart shaped cake. Hindi ko naman narin pinag-antay pa siya at hihipan ko na dapat.. "Wait." Ika niya kung kaya't napa tigil naman ako at tumingin sa kanya. 

Mayroon siyang dinukot sa bulsa niya at inilabas niya ang Cellphone niya. Sumenyas naman siyang i-blow ko na ang kandila. Sumunod naman narin agad ako at narinig ko ang 10 shots na tunog ng camera niya. Maya maya pa, binuksan niya na rin ang ilaw at napa takip naman ako sa bibig ko dahil sa sumalubong sa akin. 

"Oh My God.." Nasabi ko na lamang. At tumingin sa kanya. Pero hindi siya sumagot ngumiti na lamang siya sa akin. Inilapag niya ang cake sa isang lamesa doon at pumasok sa isang kwarto dito at meron siyang kinuha at pagkatapos bumalik narin siya. Nangunot ang noo ko ng meron siyang dalang sando at short. "I prepared this." Sabi siya at inabot sa akin. Matagal kong tinitigan ang nasa kamay niya. 

Ganito pala siya ka conservative hindi niya titigilan yung damit ng tao kapag hindi niya gusto. Ganito rin kaya siya kay Sandy? Ugh. Ipinilig ko na lamang ang ulo at kinuha na ang nasa kamay niya. Nag tungo naman na ako ng banyo at nag-palit narin. 

Lumabas din ako at nakita ko naman siyang naka upo sa mini sofa. Tumabi naman ako sa kanya pero lumayo ako ng kaunti. "Conservative ka pala." Natatawang sabi ko. Maski siya natawa din kung kaya't nagulat ako. 

"Yes, Ayoko kaseng nababastos yung mga babae eh." Sagot naman niya. "G-ganun ka rin ba kay Sandy?" Nauutal kong tanong. 

Matagal siya bago sumagot, ganito parin ba kalaki ang epekto sa kanya ni Sandy? Siyempre, Natural. Mahal mo eh tapos ganon ang mangyayari. "No.. " Sagot niya. 

Kumunot ang noo ko dahil doon. "Hindi naman kasi siya nag-susuot ng ganon eh." Ngumiti pa siya ng mapakla matapos siyang sumagot. Tumango tango na lamang ako. 


Naigtad ako ng tumingin bigla siya sa akin. Pero bakit ganito? Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya. "B-bakit?" Takang tanong ko. 

"Si Morgan ba.. pinag-babawalan ka niya?" Tanong naman niya. Hindi ko naman inaasahan na tatanungin niya 'yon sa akin. "H-hindi, mas masaya siya kapag nagagawa niya ang gusto ko." Sagot ko. 

Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pag-uusap naming dalawa. Hindi ko alam pero ngayong pag uusap namin na ito. Parang nawala na ang mabigat na nararamdaman ko sa tuwing makikita at makakasama ko siya. Hindi ko akalain na mabuting tao pala siya. Hindi ko lang 'non nakikita dahil inis na inis ako sa kanya. 

Ngayon kasi namin napag kwentuhan noong parati niya akong inililigtas sa mga humahabol sa kanya. Yung una naming pagkikita sa park. Napapatawa nalang tuloy kaming dalawa kapag inaalala namin 'yon. 

Sa pag open-up niya sa akin tungkol kay Sandy. Ngayon ko nalaman na seryoso at tapat pala siya kung mag-mahal. Pero nasaktan lang siya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya. Parang gusto ko na ngang pumayag sa gusto niyang mangyari. 

Na kung pwede totohanin na namin ang kasal na 'to. Pero paano naman? Mahal niya pa si Sandy tapos ako naman...Ewan. 


Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Morgan..


"Kris..." Pag tawag ko sa pangalan niya. Dahan dahan naman siyang tumingin sa akin at meron sumilay na ngiti sa labi niya. "Pumapayag na ko.. Gusto kitang tulungan at gusto ko rin tulungan ang sarili ko." Dagdag ko. 


"Pumapayag na akong totohanin na nati---"


Napa pikit na lamang ako ng dumampi ang malambot at mainit niyang labi sa labi ko. 




**

Short update. Hehehehheheheh!! Vomment Vomment Thank you po!!!!


Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon