[39] Kiss

591 25 4
                                    

                                          🌟Chapter [39] Kiss🌟
(Day 21)

[JESSICA]

Pumasok na ako sa loob ng LSM University kaagad pagka baba ko ng taxi. Yes, kahit kelan naman siguro hindi ako magagawang ihatid ng kumag na yon dito. Teka. Bat ko nanaman ba siya iniisip? Tsk! Pero ang hindi ko nakakalimutan na sinabi niya kahapon at nalaman ko. Totoo bang dati niyang Girlfriend si Micah? Yoon ba yung tinutukoy ni Sandy noong kasama ko siya noong isang araw? Bakit ba parang ang liit liit lang ng mundo naming lima?!

"Look there she is." Napa lingon ako sa mga nag-uusap pero agad ko rin yon iniwas. Dahil hindi naman ako siguro ang pinag-uusapan nilang lima. Papanik na dapat ako pero mayroong humawak sa kamay ko. Tiningala ko naman kung sino yon. Kumunot ang noo ko dahil balot na balot ang mukha niya. Naka school uniform rin siya kagaya ko at pero bat pa siya naka jacket? Sino ba siya?

Tatanungin ko dapat kung ano ang pangalan niya pero hindi ko na naituloy yon ng habluhin niya nalang ako bigla papanik. Grabe ang lakas niya! Takbo lang kami ng takbong dalawa hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. "S-sino ka ba?!" Tanong ko habang tumatakbo kaming dalawa.

Inalis niya ang tabing sa mukha niya pero hindi ko parin siya makilala. Sino ba itong lalaking to?! "Who are you.." Mahinang sambit ko pero sapat na yon para marinig niya. Pumasok kami sa isang... Bodega i think? Sinara niya agad ang pinto at nag-lock. Binitawan niya naman narin ang kamay ko. Inis naman akong napa hagod sa buhok ko. "Bat mo ba ako hinila dito?!" Inis na tanong ko.

Tahimik lang siyang lumingon sa akin habang hinihingal. Sino ba naman kasi hindi hihingalin na akyatin mo yung 4th floor na walang pahinga?! Tsk. "Gusto ka nilang gantihan mag-ingat ka." Sagot niya.

Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinagot niya. "Sino?! At saka bat mo ko dinala dito? Hindi mo ba alam na late na ako sa first sub--" Pinutol niya ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay.

"Saan siya nag-punta?"

"I don't know."

"Ugh, Kailangan natin siyang magantihan. She hurted our Queen."

"Yes, we will hurt her. But as of now. Can we drink? God. I'm so thirsty."

Narinig ko ang mga nag-uusap na yon. Habang takip takip niya ang bibig ko pinapakiramdaman ko lang ang mga pababa nilang mga paa. Pagkatapos non. Inalis niya narin ang kamay niya.

"Sino ka kako?!" Inis na tanong ko. Humugot siya ng malalim na hininga at tumaas ang sulok ng labi niya. Bat ba ganito silang mga lalaki? Ang hilig hilig mag taas ng sulok ng labi nila. Tsk!

"Ethan." Sagot niya.

I rolled my eyes. "Okay, Ethan. Maiwan na kita dito." Paalam ko at inis na tumalikod pero hinawakan niya ang kamay ko kung kaya't napa lingon ako sa kanya. He looks familiar pero hindi ko na talaga maalala. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita o nakasama. "Bakit ba?!" Galit na tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi ako naiinis.

Umiling iling naman siya inis ko na lamang binawi ang kamay ko at tuloy tuloy ng lumabas ng pinto kung nasaan ako kanina. Ugh! That guy! Tsk.

Nilingon ko naman kung saan ako nanggaling habang nag-lalakad. Paharap na dapat ako pero mayroon akong naka-bunggo. Tutumba na dapat ako pero kaagad niya naman akong nasalo.

"Wow! Angel has almost fall." Kumunot ang noo ko ng umayos ako ng tayo. Tiningnan ko naman kung sino ang naka-salo sa akin. Si Kris?!

"So.. Ikaw si Jessica?" Lumingon ako sa isang lalaking katamtaman ang kulay at mas matangkad si Kris sa kanya. Dahan dahan na lamang akong tumango. Tumawa naman agad sila ng mga kasama niya pero tumigil rin sila. "By the way. I'm Kai." Sabi niya habang nilalahad ang kamay niya kukuhanin ko na dapat yon pero kaagad na mayroong pumigil na kamay sa kamay ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon