[68] Broke

505 25 7
                                    


"You broke my heart into pieces." Halos pumiyok na siya ng sabihin  niya ang mga katagang 'yon.

Ako rin. Halos magunaw na ang mundo ko ng makita ko siyang nasasaktan dahil sa akin. Dahil sa kagagawan ko. Ang tanga ko!

"Hindi ko pinilit ang sarili ko sayo, hindi ko pinilit ang sarili ko sayo para mahalin mo.. Walang pumilit sayo!" Umiiyak niyang sabi sa akin.

Wala akong magawa kundi ang tignan na lamang siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Kung ano pang dahilan para wag lang siyang mawala sa akin.

"Bakit kailangan mo pa akong gaguhin ng ganto?!" Galit niyang sigaw sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Bakit Jessica? Bakit?!" Niyugyog niya ako.

"Natakot ako.." Mahinang sabi ko habang umiiyak.

Narinig ko ang pag tawa niya na parang naasar. Padabog niya akong binitawan at narinig ko ang tumumbang lamesa kasunod non ang nabasag na flower vase dahil sinipa niya.

"I trusted you! But... ugh!" Frustrated siyang napa sabunot sa sarili niya. Tumalikod siya kung kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para yakapin siya mula sa likod niya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit niyang inaalis 'yon.

"I'm sorry... I'm sorry.." Pilit kong hinihigpit ang yakap ko. Habang siya naman pilit na kumakawala.

"Get off me.. get off me!" Paulit ulit niyang sinasabi pero hindi ako bumibitaw.

Hindi ako bibitaw

"I trusted you.. I loved you with all my heart and soul. Then what did you do?!" Umiiyak na sabi niya ng napa bitaw na ako sa kanya.

Dahan dahan siyang humarap sa akin habang patuloy parin sa pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi niya gamit ang kamay ko. Mas lalo akong napa iyak ng makita kong sunod sunod ang pag patak ng luha niya sa pisngi niya.

"After all you did.. I still want you, I still love you..." Mas lalo kaming napa iyak na dalawa.

"Kris.. I'm Sorry." Umiiyak kong sumamo sa kanya.

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Dahan dahan niya lang inalis ang mga kamay kong nasa pisngi niya.

Mas lalo akong napa iyak na makita ko siyang humikbi. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang ganito.

Dapat pala noon pang sinabi ko na sa kanya kung ano ang nalaman ko. Mali ba ako? Mali bang inilihim ko sa kanya?

Ayoko na kasi dagdagan pa ang problema niya noon. "Alam mo.. na halos mamatay na ako sa kakaisip kung sino ang ama ng batang dinadala niya." Napapaos niyang sabi sa akin.

Napa takip ako sa bibig ko upang pigilan ang pag-hikbi ko.

Kitang kita kong napa sabunot siya sa sarili niyang buhok at hinawi ang lamp shade dito sa kwarto namin. Nahulog ito at nabasag agad!

Napa igtad ako doon at gusto ko siyang lapitan. "Kris.. natakot ako.." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Gusto kong lumapit at muli siyang yakapin pero alam kong lalayo lang siya.

"Gustong gusto ko ng sabihin sayo noon, pero natatakot ako.." Pumikit ako ng mariin matapos kong sabihin 'yon.

"Ayokong sabihin sayo.. dahil ayokong mag-away muli kayo ng Daddy mo." Dagdag ko pa.

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang marahas at mahigpit niyang hawak sa magkabila kong braso. Napa ngiwi ako sa higpit ng hawak niya.

Hindi ko magawang tignan ang mga mata niya ngayon. Nakakatakot siya.. galit na galit siya.

"Bakit hindi mo sinabi.. Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Gigil niyang sigaw at padabog akong binitawan.

Napa hagulgol na lamang ako dito. Muli ko nanaman narinig ang mga babasagin na nabasag dahil sa binabato niya ito.

Ang tanga ko kasi e. Dapat una palang hindi ko na tinago sa kanya, dahil meron siyang karapatan malaman 'yon. Dapat una palang.. sinabi ko na agad sa kanya. Pero bakit hindi ko nagawa?

Dahil ba natatakot ako na mas lalong mapa-lapit siya kay Sandy ng mga panahong 'yon?

Ngayon palang.. natatakot na ako. Baka dahil sa nangyaring 'to bumalik siya kay Sandy at iwan niya na ako.

Iwan niya na ako at hindi na balikan.

Naka talikod siya kung kaya't lumapit ako sa kanya at muli siyang niyakap.

Inaalis niya yon pero hinigpitan ko. "Kris.. Sorry, natakot lang ako. Sobra akong natakot.. Gusto ko ng sabihin sayo yon 'non. Pero ayoko ng dagdagan pa yung iniisip mo.." Napapaos kong sabi sa kanya.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Dahil.. dahil.." Hindi ko na matuloy ang sinasabi ko dahil pinapangunahan ako ng mga luha ko.

Pakiramdam ko pigang piga na ang puso ko dahil sa nangyayaring 'to.

Bakit kung kelan? Masaya na kami. At tanggap na namin na kami na. Bakit biglang naging ganito?

"Dahil halos.. nakikita kong ikinamamatay mo na ang pag-iisip kung sino ang ama ng anak ni Sandy.." Sabi ko.

Habang patuloy sa pag-iyak. "Ayokong kamuhian mo ang Ama mo, katulad ng pagka muhi ko kay William.." Umiiyak na dagdag ko.

Ayoko.. ayoko siyang mawala sa akin. Mahal ko na siya e. Ano ba? Iiwan nanaman ba ako? Maiiwan nanaman ba ako? Mabibigo nanaman ako?

Sawang sawa na ako. Pero sa kanya? Hindi! Ipaglalaban ko siya hanggang sa maubos ako.

Ako na yung mahal niya. Ako na, kaya hindi na ako papayag na mapunta o makuha siya ng iba.

"Alam kong hindi 'yon sapat na dahilan.. pero 'yon ang totoo.." patuloy parin ako sa pag-iyak habang sinasabi ko 'yon.

Ang sakit. Bakit ganito? Bakit naiisip ko na anytime. Iiwan niya nalang ako bigla.

"Ginagago mo ako e!" Sigaw niya at kumawala sa yakap ko.

Inis niyang napa sabunot sa buhok niya. "Ginago niyo ko! Ginago niyo kong lahat!" Napapaos niyang sabi.

Napa takip na lamang ako sa bibig ko. Dahan dahan siyang napa upo habang sapo sapo ang noo niya 

Kitang kita ko ang pamumula ng ilong niya at bibig niya dahil sa pag-iyak.

Tumapat ako sa kanya at umupo din sa harap niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya pero pinalis niya lang 'yon.

Ayokong tanungin siya.. pero ito ang nararamdaman ko. Ayokong sagutin niya dahil malamang.. alam ko na ang sagot niya. Ramdam ko na.

"Do.. you still love her.. kung bakit ganyan ang galit mo sa akin n-ngayon.." Napapaos kong tanong sa kanya saka muling nag-bagsakan ang mga luha ko sa pisngi ko.

Naging tahimik ang buong paligid. Hindi siya sumagot.

Napa pikit ako ng mariin. Sobrang sakit. Akala ko akin na siya.. akin na siyang buo pero hindi parin pala. Hindi pa siya sa akin ng buong buo. Pero samantalang ako ibinigay ko na ang lahat sa kanya. Dahil buo na ako ng minahal ko siya.

"Tell me.." Umiiyak kong paki-usap sa kanya.

Humugot ako ng malalim na hiningi at dahan dahan sinalubong ang tingin niya.

Kitang kita ko sa mga mata niya. Ang galit, sakit, poot. Lahat! Lahat lahat. Yung pag-titiis niya, lahat!

"Kris.. please. Answer me.." patuloy ako sa pag-iyak.

Tumingala siya at nakita ko ang pag-galaw ng adams apple niya.

"I don't know..."

Fck.

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon