[60] Give a Chance

581 34 4
                                    

                                                                            Chapter [60] Give a Chance


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad kaagad sa akin ang payapa niyang pag-tulog. Mas nakita ko ang malalantik niyang pilit mata ang makapal at ayos niyang kilay. Ang matangos niyang ilong, mapulang labi, makinis na pisngi. At magagandang mata niya. Kahit pala natutulog siya hindi parin nag-babago ang itsura niya kung tutuusin mas pogi siyang tignan kapag natutulog siya. Ugh! Ano ba 'tong pinag-sasabi ko? Tsk. 

Kahit na naka puting tshirt v neck siya. Bagay na bagay sa kanya. Napaka presko at ang bango bango niyang tignan. 

Bahagya siyang gumalaw kung kaya't umayos agad ako ng higa. Dumiretso ako at itinuon ko ang atensyon ko sa puting kisame nitong kwarto namin. Balak ko pa sanang mag tulug-tulugan pero wag na, Ako naman lagi unang nagigising saming dalawa eh. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. 

Umasog siya patungo sa akin at iniyakap niya ang buong braso niya sa katawan ko at dumantay sa akin. Yung ulo naman niya bahagyang naka unan sa balikat ko. Kung gising lang siya? Hindi ako makakawala kapag aalis ako. Ang bigat niya kaya. Pero bakit nag-iinit ang pisngi ko? Kahit natutulog siya ang bango bango niya parin. 

Aalis na dapat ako pero mas lalong humigpit ang yakap niya. Teka gising na ba 'to? 

Bahagya ko siyang sinilip pero naka pikit parin ang mga mata niya. "G-gising ka na ba?" Pikit mata kong tanong pero hindi siya sumagot. Sumiksik lang siya sa akin. Napa buntong hininga ako at naramdaman ko ang pag tingala niya sa akin at tinignan ko naman siya. Gising na nga siya at pagkatapos niya akong tignan. Muli siyang umunan sa balikat ko. "H-hindi ka pa ba nagugutom?" Naiilang kong tanong. 

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Bahagya lang siyang gumalaw pero naka-yakap parin siya sa akin. Ano ba 'tong ginagawa niya? Gusto ko ng maniwala sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya pero bakit nangangamba ako? Bakit ba ganito naman ako? Ang unfair ko naman. 

Humugot ako ng malalim na hiningan. "I'm sorry Kris," Sabi ko. Naging tahimik ang buong paligid ng sabihin ko 'yon sinilip ko siya pero ganoon parin ang pwesto niya. 

"Gaano ba ako kahirap mahalin? Kaya siguro nagawa sa akin ni Sandy 'yon. Dahil masama ang ugali ko? Pangit ang ugali--" 

Bumaba agad ako ng lebel sa kanya at ikinulong ko ang magkabila niyang pisngi sa dalawa kong palad. "Shh... Please Kris." Pakiusap ko. Sa tuwing naririnig ko ang pangalang Sandy hindi ko maiwasan ang hindi palagi kabahan. Paano nalang pag nalaman niya na matagal ko ng alam kung sino ang totoong Ama ng dinadala ni Sandy? Iyon ang mas ikinatatakot kong mangyari eh. 

"Then why are you doing this to me?" Seryosong tanong niya na tingin ko hindi ko makakayang sagutin. "Are you still inlove.. with him?" Tinutukoy niya ba si Morgan?


Ewan.. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano pa ang nararamdaman ko kay Morgan. Hindi na katulad noon na bawat araw na lumilipas walang oras o segundo na hindi ko siya iniisip o ano. Hindi ko narin palagi tinitignan ang mga pictures namin noon sa Laptop o sa Ipad ko. 

"Answer me." Giit niya kung kaya't napa tingin ako sa mga mata niyang punong puno ng emosyon. "H-hindi ko alam.. Hindi ko na alam." Sagot ko. At mabilis na tumayo papunta sa labas ng kwarto namin at huminga ako ng malalim. 

Pero naramdaman ko agad ang yakap niya sa likod ko. Napa hikbi na lamang ako dahil hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta, kung ano pa yung sasabihin ko, kung ano pa yung isasagot ko. Hindi ko na alam.. Gulong gulo na ko. 


"Kris.. Wag mo na kong pahirapan pa.." Humihikbi kong pakiusap sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Nahihirapan din ako.." Malumanay na sagot niya.

Parehas kami ng nararamdaman pero ugh!! Hindi ko alam. Hindi ko na alam!! 


Dahan dahan niya akong iniharap sa kanya. Hinawakan niya ang mag-kabila kong pisngi. 


Gusto ko ng aminin sa sarili ko. Gustong gusto ko na! Pero bakit pinapangunahan na agad ako ng pangamba at takot?! "Jess.. If you give me a chance.. I can love you right." Nakita kong pumatak ang isang butil ng luha niya sa pisngi niya. 

Napa pikit ako upang pigilan ang panggilid ng luha ko. "I'm scared... Natatakot na ako." Sabi ko. "Please... I'm begging you. Can't you see? Pinapahirapan lang natin ang isa't isa." Sabi niya habang naka kulong parin ang magkabila kong pisngi sa palad niya. 

"Bakit kasi hindi mo nalang aminin? Amin---" 


"Oo na! Oo na! Gusto na kita! Gustong gusto!" Umiiyak na sabi ko habang sinusuntok ko siya sa dibdib niya. "Pa fall ka! Pa fal----"


Hindi na ako nakapag salita ng diinan niya ang halik niya sa labi ko at hinigit ako papunta sa kanya at hinigpitan ang yakap niya. 


**

OMG!!! Umamin na siya!! How 'bout Kris?! :D


Okay po. T.T Sorry po, Late na late update! Naging busy po sa school dami requirements eh exam pa. Hihihi. Bakasyon na!! Tuloy tuloy na update!! THANK YOU SO MUCH 6.4k reads. Padami ng padami tayo. Lovelots!! :* 


VOMMENT VOMMENT THANK YOU PO!!! :* :) 


Mrs-Lee 

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon