[70] Can you wait for me?

525 29 6
                                    

Chapter [70] Can you wait for me?

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng opisina niya. Nakita ko siyang kasalukuyang iniinom ang kape niya habang pinapatay ang upos ng sigarilyo niya. "Oh, Daughter in law. Why are you here?" Tanong niya.

Tinignan ko lang siya na ang lakas ng loob niya. Di niya ba alam na nabuntis niya si Sandy? At halos ikamatay 'yon ng anak niya?! Anong klasing ama siya. Parehas lang pala sila ni William, akala ko naiiba siya. Pero hindi pala.

"Alam niya." Panimula ko.

Nangunot agad ang kanyang noo. "Alam niya na ikaw ang tatay ng ipinag-bubuntis ni Sandy!" Buong puso kong sigaw sa kanya. Halos mapaos na ako ng isigaw 'yon sa harap niya.

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Hindi nag-bago ang reaksyon sa mukha niya ng sabihin ko 'yon sa kanya. Tingin ko nga ay parang wala lang sa kanya e. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko pati sa kanya!

"Sir, wala ka 'man lang bang sasabihin? Hindi ka 'man lang ba nagulat?" Nanlisik ang mga mata ko habang tinatanong ko siya.

Dahan dahan siyang tumayo at humarap sa malaking bintanang nasa likuran niya. Nakita ko ang pag-bulsa ng mga kamay niya sa bulsa niya. "He deserves it."

Natulala ako dahil sa lumabas sa sarili niyang bibig. So ibig sabihin? Gusto niya ang nangyayaring 'to sa anak niya? Bat ganito ba kalaki ang galit nito sa anak niya?! "Why are you so mean to him? Anak mo siya!" Bulyaw ko.

Humalakhak siya at humarap sa akin. "Of course he's my son, Jess." Ika nito habang natatawa tawa pa.

"Oh eh alam niya na pala e, Atleast ako. Hindi ko tinago sa kanya kahit alam ko na." Sabi nito at parang piniga ang puso ko.

Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya, para bang sa sinabi niyang 'yon ay pinatatamaan niya ako.

Masakit.

"You're a amazing woman, I can't believe you. Tagal mong tinago sa kanya 'yon ah." Ika pa nito. Tumitig ako sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga. "Paano si Sandy? Hahayaan mo nalang ba siyang ganoon? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?! Girlfriend ng anak mo yung binuntis mo!" Gigil kong turan sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa, at umastang wala siyang kasama dito sa loob ng opisina niya. Pinipiga anh puso ko dahil sa nararamdaman ko ngayon, hindi niya ako kinakausap o kahit na ano.

Ayoko ng ganito, hindi ako sanay. Ilang linggo na ang lumipas simula ng malaman niya ang totoo. Pakiramdma ko. Muli kaming bumalik sa dati noong unang kakasal palang namin. Walang imikan at hindi niya ako pinapansin kahit na masakit sa akin na mag-papansin sa kanya ay hindi niya ginagawang pansinin ako.

Ginagawa niya nalang liguan at tulugan ang bahay. Pagka gising ko kasi ay wala na siya sa tabi ko. Maaga siya kung pumasok sa opisina niya, at sa tuwing dadalaw naman ako doon, hindi ko siya naabutan at hindi ko alam kung saan siya pumupunta.

Ayokong isipin pero 'yon lagi ang pumapasok sa isip ko.

Pinupuntahan niya ba si Sandy? Ayokong isipin, pero baka 'yon ang totoo. Noong tinanong ko siya kung mahal niya pa si Sandy, ang sagot niya hindi niya alam. Yon ang nakapag padurog sa buong sistema ko ng araw na 'yon.

Padabog akong lumabas ng opisina niya. Ginamit ko ang Elevator para makababa ako sa ground floor, nag-hintay lang ako ng isang minuto saka bumukas na ang elevator. Lumabas agad ako at tinungo ang sasakyan, meron akong kasamang driver.

Sumakay rin agad siya. At sinabi kong umuwi na kami na agad naman niyang sinunod. Isang oras, matapos ang byahe bumaba na ako sasakyan at pumasok na sa loob.

Dumiretso agad ako papanik sa kwarto. Binuksan ko ang pinto at sakto, nakita ko siyang lalabas sana pero pumasok ako.

Nagka-tinginan kaming dalawa. Gusto ko na siyang yakapin at kausapin. Nasasaktan ako sa nangyayari sa aming dalawa pero wala akong magawa dahil kasalanan ko to lahat. Oo, kasalanan ko. Ako lang.

Napansin kong nakalabas ang isang maleta na ginamit namin noong pumunta kami sa Maldives. Pagkatapos ko 'yong tignan. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Aalis ka?" Yon na lamang ang nasabi ko.

Naramdaman ko ang pag buga niya sa hangin at ang pag hawak niya sa dalawa kong kamay, para tuluyan ng pumasok sa kwarto namin.

Tinignan ko ang mga mata niya at wala akong mabasang kasagutan doon sa mga tanong na nasa isipan ko. Naguguluhan na ako, di niya ba ako mahal? Babalik na ba siya kay Sandy? Paano naman na ako? Iiwan niya nalang?

"I need to do this." Sagot niya.

Nanginig ang labi ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Bakit kailangan niya pang umalis?

"W-why?" Nanginginig na tanong ko sa kanya. Di ko alam ngunit, niyakap ko na lamang siya.

Tuluyan ng pumatak ang mga pinipigilan kong mga luha sa mata ko. Sunod sunod ang pag-bagsak nito ng yakapin ko siya, Namiss ko to. Namiss kong yakapin siya at maamoy ang mabango niyang amoy.

Pero Huli na ba to?

"I want to find the man you marry." Mas lalo akong napa iyak sa sinagot niya. "Gusto kong itama ang mga maling ginawa ng ama ko." Ika niya.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya, yakap na ayaw na siyang pakawalan at dito na lang siya kung pwede lang. Ayoko.

Ayokong lumayo siya sa akin, umalis siya sa tabi ko. Ayoko. "Di mo naman kailangan gawin 'yon e. At kung gusto mo naman, di mo naman kailangan umalis dito dahil hindi naman kita pipi--"

Isang halik ang ginawad niya sa labi ko. Halik na puno ng pag-mamahal, puno ng lungkot. The Sweetest and the most painful kiss.

"Kris.." Mahinang tawag ko sa pangalan niya at yumakap muli sa kanya. Tinugon naman niya rin ang yakap ko sa wakas at mas lalo akong umiyak dahil doon, pinipigilan ko ang pag hikbi ko pero tinatraydor nila ako.

Bahagya siyang lumayo sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Dahan dahan ko siyang tinitigan sa mga mata niya pero naka yuko siya at namumula ang ilong at bibig niya. Kitang kita ko rin ang pag kunot ng noo niya.

"Ang sakit." Ika niya na nakapag padurog sa buo kong pagkatao.

Ganito nalang ba ako lagi parati? Ako lagi ang nanakit?

Pero ako naman yung iniiwan.

"Give me assurance." Iyon na lamang ang nasabi ko habang hawak hawak ko ang mga kamay niya. Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin.

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko sa kanya bagay na mas lalong nakapag paiyak sa akin. "Kris.. Please don't leave me, wag mo kong iwan." Muli ko siyang niyakap matapos kong sabihin 'yon.

Ibinanaon niya ang mukha niya sa balikat ko, damang dama ko ang mainit na hininga niya doon.

"Can you wait for me?"

Mas lalo akong napa iyak dahil sa tanong niyang 'yon. Ayoko.. Ayoko siyang umalis.

"I want you stay with me, Kris. Stay with me."

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon