[24] Sweet Lies

471 16 0
                                    

                                                🌟Chapter [24] Sweet Lies🌟

Days passed

"Madam, Yes naman." Rinig kong sabi ng isang fashion designer. Tinitingnan ko naman ang mga design ng mga ibang gowns. Oo, nandito kami sa isang patahian. Kasama ko ang Lola ko, Lola niya at ang Mommy niya. "Ibibigay ko ang lahat ng powers ko, Magawa lang ang pinaka magandang gown para kay Miss Jessica." Sabi pa ng bakla.

Hindi ko sila nililingon, naririnig ko lamang ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa susuotin kong gown at sa kanila.

Ang gaganda ng mga designs, Halatang mamahalin. But we can afford it. Kaso.. Kahit naman suotin ko 'yon parang wala lang naman eh.

For me, It's just a Wedding dress. A wedding dress only. Kung pwede lang kasing mag back out. Gagawin ko, Kaso.. Hindi pwede. "Jess, nakapili na kami ng isusuot mo." Napa lingon ako sa Mommy niya. Si Mrs. Wu

Ngumiti na lamang ako sa kanya sumenyas naman ito sa akin na lumapit ako kung kaya't ginawa ko nalang. "At dahil napaka pretty at sexy ng bride! Ipupush ko ang powers ko." Sabi ng bakla habang sinasayaw sayaw pa ang push push.

Napa tawa naman niya agad si Lola saka ang kasama niyang dalawa. Tipid na lamang akong ngumiti. Oo nga pala, sa isang araw na pala yung kasal ko. Paano kong masisikmurang magpakasal ako sa kanya eh hindi ko nga siya mahal diba? At paano kong masisikmurang may masasaktan sa mangyayaring ito. Si Sandy.. Pano naman si Sandy?

"Okay, Thanks miranda." Sinabi ng Lola ko sa bakla. Ngumiti na lamang ito sa kanya. Pagkatapos namin dito, Lumabas na agad kami. Pinag buksan naman agad kami ng Driver at minaneho ang sasakyan papunta sa isang coffee shop na pag mamay ari nila.

"Good Morning, Ma'am." Bati ng isang crew sa Lola ni Kris. Ngumiti na lamang ito at nag tuloy tuloy kaming pumasok. Sa pinaka dulo kami umupo. "Nasaan ba ang mapapangasawa ng apo ko? Bat hindi natin siya kasama?" Tanong ng Lola ko.

Hindi ko nga rin alam kung nasaan si Kris. Pagka gising ko kasi kanina. Wala na siya sa kama. Pati sasakyan niya sa garahe ay wala. Siguro maaga siyang umalis ng bahay. Hindi ko naman alam kung saan siya pumunta dahil hindi naman kami nag uusap. Apaka dalang lang.

"Jessica, Hija. Nasaan ba si Kris? Diba dapat tayo tayo ang magkakasama ngayon." Sabi ng Lola niya. May iba naman sa mga tingin at ngiti niya. Para bang hinihintay niya kung magsisinungalin ako o kung ano. Nasaan ba kasi yung lalaking 'yon?!

Sasagot na dapat ako pero tumunog ang iPhone ko kung kaya't kinuha ko iyon mula sa pouch na dala ko. Tiningnan ko ang screen, pero unregistered number ang lumabas. Binasa ko naman ang text.

Please don't tell grandma, and mom. That i'm with Sandy right now. Thanks.

"Jess?" Tiningnan ko agad ang Lola niya. Ano ba ang sasabihin ko? Ano ang isasagot ko?

Tumunog muli ang iPhone ko.

Tell them that i'll buy our wedding ring, Do something!

"Bibili daw po ng wedding ring." Kabang kaba kong sagot. Napa tawa naman agad silang tatlo. "He's so sweet talaga." Naka ngiting sabi ng Mommy niya.

Hindi na lamang ako nag-salita pa, Kinain ko na lamang ang blueberry cheesecake na inorder ko at humigop ng Lemonade juice. Hanggang sa matapos na kaming kumain dito, naisipan namin na pumunta sa isang sikat na spa.

Naka tingin ako sa salamin habang inaayos kong mabuti ang white towel na naka balot sa akin pati narin sa mahaba kong buhok. Pumasok naman narin ako sa Sauna at nakita ko naman ang Mommy niya na naghihintay doon.

Ang dalawang Lola kasi nasa massage pa. Tumabi ako sa kanya pero hindi naman tabing tabi dalawang. Tatlong dangkal ng kamay ang layo namin sa isa't isa.

"Hindi totoo 'yon diba?" Napa tingin ako sa kanya bigla. "Hindi totoo yung bibili siya ng singsing para sa kasal niyo diba?" Ngumiti siya ng mapakla.

Paano naman niyang nalaman? Oo, tama siya. Hindi naman talaga bibili ng singsing eh. Palusot lang 'yon pero ang ipinagtataka ko paano niyang nalaman na hindi totoo?

"He's with Sandy right now? Am i right?" Ngumiti siya ng mapakla. Hindi ako sumasagot malay ko ba kung hinuhuli niya lang ako.

"I know my son, Jess. He's with Sandy, sinabi sa akin kanina ni Sandy na aalis silang dalawa ni Kris." Kumunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon. Nakita ko kung paanong bumuntong hininga siya. "Bat mo siya hinahayaan?" Tanong niya.

Bakit? Wala naman akong karapatang pigilan ang anak niya dahil wala naman akong koneksyon sa kanya. Oo, mapapangasawa ko lang siya pero sa papel lang naman 'yon at para sa kompanya namin at nila.

"Eh.. Fixed marriage lang naman po kami diba?" Sagot at tanong ko.

"Kahit na, Magiging asawa mo na siya diba?" Sabi niya at bahagyang ngumiti.

Hindi na lamang ako nag-salita pa. "I lost him, we lost him." Tumingin ako sa kanya. Bakit parang maiiyak siya ng sinabi niya 'yon? Ano ba ang nangyari kay Kris?

"We lost the Happy, Cheerful, Energetic. Kris, We turned him into Cold, Unhappy, Hot headed, Kris." Malungkot na turan niya.

"We missed him so much, I really miss my baby wuwu." Sabi niya pa at bahagyang pinahid ang namamasa niyang mga mata.

Hindi ko napansin pero napa ngiti na lamang ako bigla ng sabihin niya yung tawag niya kay Kris na. Baby wuwu ang cute cute lang pakinggan. Hindi na ako nag-salita, baka kasi kung ano pa ang masabi niya eh wala naman akong alam tungkol sa pamilya niya at sa anak niyang si Kris. Hindi ko nga alam kung mayroong kapatid 'yon eh.

Hanggang sa matapos na kami sa Sauna, at massage yung dalawang Lola. Napag pasyahan na naming umuwi. Sinabi ko sa kanilang, uuwi na lang akong mag-isa noong una ayaw pa nilang pumayag baka mapano daw ako. At dahil sa mapilit ako, wala na silang nagawa kundi ang pumayag na lamang.

"Stop." Sabi ko sa Taxi Driver. Huminto naman agad ito at ibinigay ko na ang bayad ko sa kanya. Pumasok naman agad ako sa pinagpatahian ng gown kanina. Sinalubong naman agad ako ni Miranda na siya nalang mag-isa dito.

"Bat ka napapunta dito?" Tanong niya habang ginagawa ang gown ko. Tinitingnan ko siya habang nilalagyan pa ng design ang magiging wedding gown ko, nagkibit balikat na lamang ako. Umupo naman ako sa bakanteng upuan na naka tapat sa kanya.

Kinuha ko ang isang bond paper, isang black tuxedo ito. Simple ang design pero eleganteng tignan. "Sa future husband mo yan, Bagay na bagay sa kanya. Napaka pogi pala ng mapapangasawa mo eh." Sabi niya habang nagpapatuloy sa pag guhit.

"Ang tanggal niyo na sigurong mag jowa kaya--" "No, Fixed Marriage." Sabat ko agad.

Umangat naman agad ang tingin niya sa akin at halatang nagulat ito sa sinabi ko. Tipid na lamang akong tumingin sa kanya. "Pero may sparks naman kayo ah?" Sabi niya.

"Hindi mo namamalayan, siya na pala True Love mo." Natatawa niyang sabi. Umuling iling na lamang ako.

**

Boringggg

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon