[33] What if

525 24 0
                                    

🌟Chapter [33] What if🌟

Sinilip ko ang bintana pero wala parin ang sasakyan niya. Mag-eeleven na kasi ng gabi wala pa siya dito sa bahay, hindi pa siya umuuwi. Hindi naman ako nag-aalala sa kanya.. Natatakot lang akong mag-isa dito sa bahay dahil ako lang mag-isa wala akong kasama na iba. Kung sana'y nandito ang kaibigan ko o ang kapatid ko. Okay lang... Pero wala eh.

Inis na lamang akong bumalik sa L shaped na sofa at binuksan ko ang TV. Wala naman rin akong makitang magandang palabas, pana'y lang ang lipat ko sa iba't ibang channel. Bat ko ba kasi hinihintay yung kumag na yon? At saka. Kaya naman niya ang sarili niya diba? Naiinis na talaga ko sa sarili ko! Hindi ko gawain ang mag-hintay sa isang tao, Mas sanay akong ako ang hinihintay. Di ako nagpa pabebe i'm just stating the fact. Hindi ko rin naman ma text ang kaibigan kong si Nicole dahil nga sa hindi ko pa mahanap ang Cellphone ko.

Balak balak ko na ngang bumili ng Cellphone sa Mega Mall kahapon kaso, nanghinayang ako sa mga files na nadodoon. At saka... Bigay sakin ni Mommy yon. "Ang tagal naman!" Inis na nasigaw ko at sinilip ang pintuan.

Muli kong tiningnan ang orasan at Twelve na ng madaling araw. Sa sobrang inis ko ay napa tayo na ako at inis na binato sa sofa yung remote pagka patay ko ng TV.

Bahala siya! Kanina pa ako antok na antok eh. Pero.. Kahit anong gawin kong pag pumilit sa sarili ko na pumanik na sa taas at matulog na dahil mayroon ng pasok bukas, Ayaw naman ng mga paa ko. Inis na lamang akong napa balik muli at nanood nalang ulet.

Bumibigat narin ang talukap ng mga mata ko pero hinihintay ko parin siya. Naiinis na talaga ako sa kanya pati narin sa sarili ko! Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Iidlip lang muna ako ipinatong ko naman ang mga paa ko sa lamesa para maayos ang pagkaka-idlip ko.

**

"Dude, umuwi ka na sa bahay niyo baka hinahanap ka na ng asawa mo." Sabi sa akin ni Kai. Binato ko lang siya ng unan. Nasa condo niya kasi ako ngayon, ayoko lang munang umuwi sa bahay. "Nasasaktan na talaga si Sandy.." Bulong ko pero sapat lang yon para marinig niya.

Tumingin naman siya sa akin habang umiinom ng Tequila. Pagkatapos naman niyang lununin yon. Sumipsip siya ng sliced lemon. "Natural, kayo ang una eh diba?" Sabi niya at itinapon sa katabi niyang basurahan ang wala ng katas na lemon. "Bat kasi kailangan dumating pa si Jessica sa buhay ko, sa buhay namin. Sinira niya lang lahat eh." Sabi ko at napa hilamos na lamang ng mukha.

"Tatanggapin na dapat ni Mommy si Sandy eh, kung hindi lang dumating yung Jung Family na yon. Ugh, i hate them. I really really hate them.." Muling sabi ko. Tinapik tapik niya na lamang ako sa balikat. "Bat hindi mo kasi itanan si Sandy? Apaka tanga mo rin eh." Sabi nito.

Tiningnan ko naman agad siya. "Na-try ko na 'yon. Nahuli kami." Sabat ko.

Narinig ko ang pag-tawa niya. Pero huminto lang non ng tignan ko siya ng masama. "What if.. Na fall siya sayo?" Kumunot ang noo ko sa tinanong niya.

"What if.. Kung.. Hindi ka na niya hiwalayan? Dude, remember. Walang divorce dito sa pilipinas." Sabi niya pa. "I don't care, basta kapag natapos na ang kontrata. Mawawala na siya sa buhay ko at mag-sasama na kami ni Sandy ulet." Sabi ko.

Nakita ko ang pag hugot niya ng malalim. Lumagok naman ako ng Inumin. At tiningan ko siya ulet. "What if.. Hindi talaga kayo para sa isa't isa ni Sandy?" Hindi ko naman inaasahan na itatanong niya sa akin yon.

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. "What if.. Kung kayo pala talaga ni Jessica sa huli?" He asked.

Hindi ko na rin sinagot pa 'yon, wala akong balak sagutin. Dahil unang una kapag impormasyon tungkol kay Jessica hindi ko pinapakielamanan. I'll do what i want at ganoon rin naman siya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon