[69] Go away

572 29 11
                                    

Chapter [69] Go Away

"Sandali lang." Hirap na tumayo si Sandy habang naka hawak sa tyan niya. Medyo malaki laki na kasi ito kung kaya't hirap na siya.

Bahagya niya pang sinuklay ang buhok niya bago niya buksan ang pinto.

"Sino---" Natigilan siya sa pag-sasalita ng makita niya si Kris sa harap niya. Pulang pula na ang mga mata nito, ilong at bibig.

"Kris.." Mahinang tawag niya sa pangalan nito. Wala siyang narinig na kahit anong salita mula rito. Imbis ay lumapit ito sa kanya at niyakap na lamang siya.

Naramdaman niya ang pag-hinga ng malalim ng binata. Saka ito napa hikbi. Hindi siya nag-sasalita. Naka tayo lamang siya habang yakap yakap siya ni Kris.

Nag-tataas baba ang balikat nito habang naka-yakap ito sa kanya.

Nag-simula narin mag-tubig ang mga mata niya dahil kay Kris. Pakiramdam niya ba ay merong nangyari dito. Gusto niya itong tanungin pero natatakot siya.

Ang huling usap nalang kasi nila ay ang kinamusta siya ni Kris.

Lumunok siya at dahan dahang inilayo ang binata sa kanya. "A-anong gusto mo? Kape, Juice?" Pilit niyang pinapagaan ang tensyon na nagaganap sa kanila.

Masakit sa kanyang sarili na hanggang dito nalang silang dalawa, tinanggap niya narin ang naging tadhana nilang dalawa. Masakit para sa kanya na tanggapin nalang kung ano nalang ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nabuntis siya, at ikinasal naman sa iba ang lalaking unang minahal niya. Tinanggap niya na alam niya na, ramdam niya na. Mahal na ni Kris si Jessica.

Wala naman narin siyang magagawa e. Saka para ano pa? Ika niya sa sarili niya. Papakawalan niya nalang ang taong mahal niya para sa ikasasaya nito. Masakit sakanyang makitang meron ng ibang nginingitian, tinatawanan, pinapasaya ang taong minahal niya.

Tumalikod siya at huminga ng malalim. Ayaw niyang nakikitang ganito si Kris. "Pag-titimpla lang kita. Manuod ka muna dyan." Kahit hirap na siya ay pumunta siya ng kusina para maka hinga ng maluwag.

Napa-hawak siya sa tyan niya. Kahit hindi si Kris ang ama nito. Sobrang mahal niya na ang bata. Kahit galit na galit siya sa Ama nito, mahal na mahal niya ang anak niya. Ang ama niya ay naka kulong. Tanging sila lang ng Ina niya ang mag-kasama sa maliit na bahay na ito.

Wala siyang trabaho. Dahil buntis siya at pinag-bawalan siya ng OB niya na mag-trabaho muna.

Lumabas siya ng meron dala dalang tray na merong laman na Juice. Inilapag niya yon sa maliit na lamesa doon.

Dahan dahan siyang lumingon kay Kris na ngayo'y nandoon parin kung saan niya iniwan.

"B-bakit ka ba pumunta dito?" Tanong niya at lumapit agad siya dito.

Wala itong naging sagot kahit ano. Dahan dahan itong lumapit sa kanya at dahan dahan hinawakan ang tyan niya. Nagulat siya doon kung kaya't gumalaw ang bata sa tyan niya.

Nanunuyo na ang lalamunan niya dahil sa ginagawa ni Kris. Gusto niya ng umiyak dahil sa pakiramdam niya na isa silang buong pamilya ngayon. Pero hindi, mali 'yon.

Humugot ng malalim si Kris at nag-simula nanamang mamuo ang luha sa mga mata niya.

"Bakit hindi mo sinabi? Sandy.." Ika ni Kris at bumagsak na ang mga luha nito.

"Si Daddy pala ang ama ng batang dinadala mo.." Dagdag pa nito.

Lumunok si Sandy at hindi narin napigilan ang pag-iyak. "Bakit hindi mo sa akin sinabi? Na ginawa niya sa'yo 'yon. Bakit?" Napapaos niyang tanong kay Sandy.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon