[5] Unending Fights

759 33 0
                                    

                                           🌟Chapter [5] Unending Fights🌟

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman kong naka tama ang sinag ng araw sa mukha ko. Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang alarm clock ko na nasa side table nitong kama ko.

Kaagad akong napa bangon ng makita ko kung anong oras na. Tumakbo kaagad ako papunta sa Bathroom para maka ligo na. Sobrang bilis ng pag ligo ko at pag toothbrush ko, Dahil malalate na ako sa school. Ang pangit naman sigurong tingnan non diba? President ka sa Student Council tapos late ka.

Mabilis akong nag bihis ng uniform ko at nag patuyo kaagad ako ng buhok ko. Mabilis akong lumabas nitong kwarto ko at tumakbo na kaagad papunta sa Driver namin. Hindi ko na alintana kung nakakain man lang ako ng umagahan.

"Sa University." Sabi ko kaagad. Sumakay naman kaagad si Manong Driver at pinaandar na ito papunta sa Hilton Univerisy. Tumingin ako sa Wrist Watch ko. Oh my god. Ten minutes nalang malalate na ako.

"Wala na bang ibibilis pa to?" Inis na tanong ko sa Driver. Hindi naman ito sumagot. Inis na lamang akong napa sandal rito sa kinauupuan ko.

Bakit kasi hindi nawala sa isip ko ang pangyayaring iyon kahapon? Bakit ba kasi ganito ang pag uugali ko? Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nagagantihan ang bumastos sa akin kahapon. Kung hindi lang naman dahil sa lalaking iyon hindi sa akin mangyayari iyon eh.

Nadamay pa ako sa mga kaaway niyang iyon. Pakiramdam ko kahapon ay katapusan na ng buhay ko dahil sa nakikita kong pag aaway nila. May mga panaksak pa at ang mga salita nila.

"Ma'am nandito na po ta-" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Bumaba na kaagad ako at pumasok na sa gate nitong Hilton University. Kahit kami pa naman ang may ari nito ay nag aaral ako ng mabuti.

Ako mismo ang mag lilinis ng aplido at pangalan ko ng dinumihan ng sarili kong ama. Mali! Simula ng mawala na ang Mommy ko. Wala na akong kinikilalang ama.

Tumakbo na kaagad ako papunta sa Room namin. Tumingin muli ako sa Wrist Watch ko. Three Minutes left. Sht. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Ilang sandali pa naka rating na kaagad ako sa tapat ng room namin.

Tumingin muli ako sa Wrist Watch ko. One Minute left, Pumasok na kaagad ako. Napa lingon naman kaagad ang lahat sa akin at tumayo silang lahat at nag bow pa. Kumunot naman kaagad ang noo ko dahil sa ginawa nila.

"Good Morning Miss President." Sabi nilang lahat ng sabay sabay. Naka kunot ang noo ko habang papasok nitong room namin. "G-good Morning." Napipilitan kong pag bati sa kanila.

Lumakad na kaagad ako papunta sa Armchair ko. Kumaway naman kaagad sa akin si Nicole. Umupo na kaagad ako sa armchair ko. "Nga pala Jessica. Maagang nag dismiss si Sir Ian, And Wala na tayong klase mamayang hapon." Pagpapaalam sa akin ni Joshua.

Wala na kaming klase mamaya? Maagang nag dismiss ang teacher namin. Maya maya ay uwian narin ng mga students. Oh God!

Pakiramdam ko ay para akong pinag sakluban ng langit at lupa. Halos hindi ko na nasabon yung mga kuko ko dahil sa kakamadali ko para makapasok lang ng maaga at hindi ma-late. Halos hindi na ako kumain ng Breakfast para makapasok lang ng maaga.

Tumayo kaagad ako at sumigaw.. "BAKIT HINDI NIYO SINABI KAAGAD?!" Sigaw ko. Napa tingin naman kaagad silang lahat sa akin. Hindi sila nag salitang lahat mga naka yuko lamang ito.

Inis ko namang kinuha ang bag ko at kaagad lumabas nitong room na ito. Bat ba ganon sila? May isip naman rin sila diba? Manong Nag text o tumawag lang naman sa akin. "Huy. Babs Easy lang." Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon