[47] This is my World

561 25 0
                                    


Binuksan ko ang pinto nitong kwarto namin ang nakita ko siyang naka bangon na at naka upo sa gilid ng kama. Habang pinag-mamasdan ang kurtinang puti na nag-mimistulang mukhang tubig dagat dahil sa alon nito. Bukas kasi ang pinto sa terrace at pumapasok ang hangin sa loob ng kwarto.

"Breakfast is ready.." Sabi ko pagka-lapit ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa akin at pagka tapos hinawakan niya ang wrist ko kung kaya't napa tingin naman agad ako doon. "B-bak--" Naputol ang sasabihin ko ng hilahin niya ako papaupo sa kandungan niya.

"Kris!" Sita ko sa kanya pero parang wala lang siyang naririnig. Sa halip ay umunan siya sa dalawang hita ko. Idinukdok niya doon ang ulo niya habang naka yakap ang dalawang braso niya sa beywang ko. Itutulak ko dapat siya pero hindi ko 'yon nagawa ng mag-salita siya. "I really want to die, Jessica." Mahinang sabi niya pero sapat na 'yon para marinig ko.

Bumigat agad ang damdamin ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Pakiramdam ko kailangan ko ng sabihin sa kanya nag totoo. Dahil alam kong namamatay na siya sa kakaisip kung bakit nagawa sa kanya 'yon ni Sandy.

"K-Kris.." Tanging lumabas nalang sa bibig ko. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko naman magawa. Naiinis na ako sa sarili ko. Dapat hindi ko siya pinag lilihiman dahil asawa ko siya diba? "Halika ng kumain, kahapon ka pa di kumakain." Sabi ko habang dahan dahan inaalis ang dalawang braso niya na naka yakap sa beywang ko.

Pero iling lang ang ibinalik niya sa akin. Wala rin naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya mapipilit. Tinignan ko nalang ang kulay blonde o gray na buhok niya. Mga naka baba ito. Kusang mga kamay ko ang humaplos ng buhok niya. Hindi naman siya nag protesta naka dukdok lamang siya sa lap ko habang naka kandong ako sa kanya. "I really want to know who is the father of her baby.. But.. I'm scared." Malungkot na saad niya.

"Natatakot akong mas masaktan pa lalo." Dagdag niya.

Dahil sa sinabi niyang 'yon mas lalo akong pinang hinanaan na sabihin sa kanya ang totoo. Lumunok na lamang ako at palihim na humugot ng malalim na hininga. "Sorry." Iyon lang ang sinabi ko.

"Kung hindi tayo kinasal hindi naman mangyayari 'to diba." Sabi ko. Totoo naman eh, Sabi nila maayos ang relasyon nila noon. Gumulo lang noong dumating kaming mga Jung sa buhay nila. Kaya nga tama lang na tulungan ko siya diba? Dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganito. Kung bakit unti unti silang nagkaka-layo ni Sandy.

"Don't say that." Sabat niya. At dahan dahan bumangon ang ulong nakadukdok niya sa lap ko. Bumitaw siya kung kaya't tumayo na agad ako. "In the first place. Ako na ang nanggulo ng buhay mo." Sabi niya.

Natawa ako ng mahina at napa iling iling. "Natatandaan mo pa pala 'yon." Saad ko habang inaayos ang nagusot kong damit. Tumango tango nalang siya. Tumayo naman narin siya at nag-inat inat pa.

Napag-pasyahan naman na naming dalawa na bumaba na upang makapag almusal na. Pero hindi naman namin inaasahan ang sasalubong sa amin.

"D-dad." Tipid na bati ni Kris sa Ama niya na naka upo ngayon sa L-shaped na sofa namin. Paano siyang nakapasok dito? Itinaasan naman niya ang kanang kamay niya sa ere na hawak hawak ang susi habang pinapa ikot ito.

Iniwas ko ang tingin ko ng dumako ang tingin niya sa akin. Bakit parang dinadaga ang dibdib ko ngayon. Dahil nandito siya? Pakiramdam ko alam niya na alam ko rin ang totoo. Dahan dahan akong napa tingin kay Kris na naka tingin parin sa Ama niya.

"G-gusto niyo po ba ng maiinom? Kukuhanan ko po kay--"

"No need, Sweetie. I just want to check the both of you." Malamig na turan niya. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tono ng boses niya habang naka tingin siya kay Kris.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon