~ NICA ~
Si crush... Tignan mo nga naman, ang cute. Matangkad, pogi, makinis, at higit sa lahat mabait... Yata.
"Hoy Bestie!" sigaw ng bestfriend kong si Ayra na sumira sa moment kong pagtitig kay crush. "Nica, ano ka ba, malapit ng magsimula ang susunod na subject, bat andito ka pa?" sabi niya. "Excuse me, according sa schedule ko, ang oras na toh ay para sa pagtitig ko kay Dustin." sagot ko. "Ano? Pati pagtitig, may certain time? Baliw ka na talaga kay Dustin." reklamo ni Ayra. "Eh ano ngayon ha? Mahal ko kaya siya. Plus imaginin mo, tinititigan ko ang future husband ko, may masama ba nun?" tanong ko. "Hoy ugok! Anong future husband? Eh kahapon mo nga lang yan nakita dito sa campus, tas ngayon, mahal mo na siya? Ano toh? Lokohan? Alam mo, softdrinks lang katumbas nyan. Kaya tara, libre kita bago magsimula ang next period." dagdag pa ng bestfriend kong napaka-ingay, napaka-mareklamo, pero napakasweet naman. Kaya ayon, sumama ako sa kanya sa canteen.
By the way, I'm Nicatrix Dimanakawan, Nica for short. Isa akong first year college student taking BS in Nursing, pero alam niyo? Ayoooooko talaga maging isang nurse o di kaya'y anything related to medicine. Ayaw na ayaw ko sa dugo, sa mga laman loob at kung anu-ano pang mga kadiring nakikita ko sa mga laboratory dito. To be honest, gusto ko talaga maging isang pulis, bakit? Gusto ko kasi maging katulad ng Papa ko. Matapang, mabait at handang ipagtanggol ang ibang tao alang alang sa katarungan.
"Nica, pano kung may girlfriend na si Dustin?" tanong sa'kin ni Ayra. "Ano ka ba, confident ako na single siya and he's ready to mingle... with me." sabi ko sabay wink. "Hay, ewan ko nga ba sa 'yo at kung ano ang nakita mo sa kanya. Oo, gwapo siya, maputi, makinis ang mukha, maganda ang mga mata, pero alam mo ba kung matalino siya? Eh alam mo ba kung mabait siya?" tanong na naman ni Ayra. "Bakit, kailangan ba matalino crush ko? Eh haa?" tanong ko naman. "Hindi naman sa ganun na kasing talino na ni Einstein, eh paano kung, alam mo na, may pagkabobo? Gusto mo bang magkajowa ka ng tanga? Paano kung sa date niyo ikaw yung pagastusin niya? Ano, may palamunin ka pa?" tanong niya na naman. "Grabe ka naman Bestie! Alam mo nakaka-inis ka na ha, tara na nga sa klase." anyaya ko, pantahimik sa malaki niyang bigbig.
Nang natapos ang klase, inanyayahan ako ni Ayra na kumain muna bago umuwi. "Sige, san tayo?" tanong ko. "Ikaw, san mo ba gusto?" tanong niya. "Ikaw na bahala, kahit saan." sagot ko. "Sige, sa Food Court ng mall nalang tayo kumain." sabi ni Ayra. "Huwag na, sa tapat ng school nalang." sabi ko. "Ewan ko talaga sayo, ikaw mismo ang nagsabing 'kahit saan'." reklamo niya, pero di ko na siya pinansin nang parang may nakita ako...
SI CRUUUUUUSH!!! "Ayyyyy!" tili ko. Nagsitinginan ang mga tao pero wala akong pake. Hinila, binitbit, at kinarga ko si Ayra para makalapit kami kay Dustin. "Ano baaaaa Nica!? Bat ang overly-attached mo sa kanya? Di ka nga nun kilala eh." reklamo na naman ni Ayra. "Huwag ka ng umano diyan, halika, samahan mo nalang akong mangstalk sa kanya." sabi ko, at sa ayaw at sa hindi ni Ayra, dapat siyang sumama.
Ayun, pumayag nga, napilit ko kahit daldal ng daldal sa daan. "Oy tignan mo Bestie, parang tatawid siya ng daan." sabi ko. "Eh obvious ba? Nakaharap siya sa kabila, nakahinto at tinitignan ang traffic lights, DIBA SIYEMPRE TATAWID SIYA? Anong gagawin niya diyan, magstastatue dance?" daldal na naman ni Ayra. At ayun nga, tumawid si babe, sinundan namin ng sinundan hanggang sa pumasok siya sa napakadilim na iskinita. Ang daming nag-iinuman. May mga high pa yatang naglalaro ng basketball kahit gabi na. Grabe ang usok ng mga naninigarilio. Ang daming tao. Ano toh? Haunted iskinita?
"Parang ayaw ko na Nica." sabi ni Ayra. "Ako din, nakakatakot, bukas nalang nating ipagpatuloy." sabi ko. "IPAGPATULOY? ANO TOH MAY NEXT CHAPTER?" reklamo ni Ayra. "Siyempre, eh alangang istalk ko siya pero wala akong nalaman sa kanya, useless. So, bukas, gawin natin toh ulit." aya ko. "Pasampal nga!" sabi niya. "Pero sa tingin mo, bat kaya siya pumasok dito sa isang nakakahindikhindik at parang delikadong iskinita?" tanong ko.
"Baka miyembro ng gang." sabi ni Ayra.
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...