~ NICA ~
Pagkatapos nung nakita naming gulo ni Ayra, umuwi kaagad ako sa bahay, wala din naman kasi akong klase sa hapon nun. Kaya dumiretso ako sa kusina, kumain ng tanghalian at dun ipinagpatuloy ang pag-iisip: paano kaya yun nagawa ni Dustin? May tamang dahilan naman yata siya kung bakit niya sinuntok ang lalaki. Baka may iniligtas lang siya. O baka nga ay tama si Ayra, mamamatay tao nga yung crush ko. Pero imposible. Ang inosente niyang tignan sa school. Napakamaamo ng mukha, ganda ng kutis, tas pogi pa. Ewan ko, di ako maka get over na yung future husband ko, tinakbuhan ang ginawang kaguluhan. At papa ko pa ang nandun.
"Trix, okay ka lang ba? Parang nakatunganga ka yata diyan. May problema ba?" tanong ni Mama. "Wala Ma, nagmememorize lang ako ng notes para sa exams bukas." sabi ko. "Ah okay, para ka kasing nakakita ng ano diyan." sabi ni Mama. "Nga pala, may jowa ka na ba?" tanong ni Mama. "Naku Ma, wala ako niyan. Wala nga akong kahilig hilig sa crush crush na yan. Alam mo, ako, study first." sagot ko. "Sure ka?" tanong ni Mama. "Oo, nako wala kaya akong crush na pogi na maganda ang kutis na maganda ang katawan na kriminal." sagot ko. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ulit ni Mama. "Wala, in short, I'm single and not yet ready to mingle." sagot ko. "Ah okay, akala ko kasi may crush kang kriminal, nako patay ka sa papa mo, makukulong niya ang asawa ng anak niya. How ironic." sabi ni Mama. "Wow, may pa ironic ironic kapang nalalaman diyan Ma ha." sabi ko. "Huwag ka ng mambasag ng trip, sige pagkatapos mong kumain, ako na magliligpit at maglilinis ng kalat mo diyan. Pumunta ka na sa kwarto mo at dun mo tapusin yung minememorize mo. Mas makakamemorize ka, dahil tahimik dun." sabi ni Mama. "Sige Ma, salamat." sabi ko. Nakakaguilty. Ano ka ba Nicatrix!!!
Pero dahil masunurin akong bata, pumasok nga ako sa kwarto, nakalaptop. Sinusulat ko sa blog ko ang mga tungkol sa crush ko.
My Future Husband
He's handsome. He's tall. He's innocent. He's all that I want.
He's brave. He's strong. He's mysterious. He's all that I wish.
He's imperfect. He's wild. He's daring. He's all that I need.
But I think I'm out of his league, or he is who's out of my league?
I wanna know him more.
I want him to know me.
He's a puzzle with a missing piece,
Chess with a missing king,
A game without rules,
And a rule with no point.He went to an adventure,
A dark escapade.
He injured a brother,
One that God made.
Yet he still holds my heart
Even under shade.Ewan ko lang ba, habang tumatagal lalo siyang nagiging misteryoso. At habang nagiging misteryoso siya, mas lalo akong nagiging interesadong makilala siya. Pero malay natin, baka kapag nakilala ko na siya, dun na ako makakarealize na hindi siya ang para sa'kin. Malay nga lang natin.
Maghapon akong nakatutok sa laptop, nag-iisip tungkol kay Dustin. Kinakabahan ako, baka nahuli siya ni Papa.
"Kamusta naman ang trabaho Hon?" rinig kong boses ni Mama. "Ayun Hom, may nagrambol na naman sa paborito kong kalye." rinig kong sagot ni Papa. "Hahaha, halos araw-araw nalang ay may nadadakip kang kriminal dun." sabi naman ni Mama. "Oo nga eh, kanina nga lang, may mga minor de edad na nagrambolan, hay mga bata talaga ngayon." sabi ni Papa.
Curiosity kills the cat nga diba? Kaya lumabas ako sa kwarto, nagmano kay Papa, at salamat naman at di niya yata ako napansin kanina. "Pa, narinig kong may rambolan kanina, sa anong dahilan?" tanong ko. "Drugs, anak, sabi ng mga tao, nagkagulo daw kung sino ang magdadala sa boss nila. Sino ang magiging runner in other words." sagot ni Papa. "Ah ganun?" sabi ko. "Bat napatanong ka? May alam ka ba?" tanong ni Papa. "Ha? Ano!? Walaaa. Nagtatanong lang, baka makatulong sa school, tungkol kasi sa mga community issues kasi ang assignment namin." lusot ko. "Tignan mo nga yung unica iha mo Mahal, napakasipag mag-aral, wala nga daw siyang crush eh." sabat ni Mama. "Aba'y mabuti. Lalong lalo na yung pagjojowa, yan ayaw na ayaw ko." sabi ni Papa. Nako ang strikto pala ni Papa, paano nalang kung magiging kami ni Dustin. "Nak, di ba nag-aaral ka pa? Balik ka muna sa itaas." sabi ni Mama. Sumunod naman ako at bumalik sa paglalaptop.
Gabi na, nang napag-isipan kong mag-aral. Haaay nakaka-antok na. Sarap ng matulog, pero parang tama yung sinabi ko kay mama kanina, may exam bukas. Pero di kaya, iiyak nalang ako pagkatapos ng exam, talaga kasing antok na antok na ako. Di ko na kayang ibuka ang mata ko...
"Dug!" narinig ko nalang ang napalakas na ingay na parang may nahulog na tao sa bubung. Binuksan ko ang ilaw at tsaka ang bintana. Tumingin sa may bubung, teka... Teka... Parang may tao. Oo nga, meron... Merong lalaki. Ang pogi pa. Pero anong ginagawa niya sa bubung namin? Ang pogi niya.
Pero magnanakaw yata.
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...