25 - Ang Pitong Krimen

2.8K 73 2
                                    

~ NICA ~

Nang dumating ang mga pulis, agad niyang tinakpan ang bibig ko at binuhat ako papunta sa second floor. Dinala niya ako sa isang secret room na nakatago pa ang pinto sa likod ng isang painting. Para talagang pelikula.

Inupo niya ako sa isang lumang silya at tinalian ang mga kamay ko. Gamit ang panyo niya, tinali niya ang bibig ko para di ko matawag ang atensyon ng mga pulis sa baba.

Oo takot ako, pero mas mabuti nang ako ang andito kaysa naman sa ibang tao.

Lumipas ang ilang minuto at tila naka-alis na ang mga pulis. Sa harap ko, napansin kong may pitong malalaking frame na nakasabit. Napansin kong may mga rosas na withered ito isa-isa. May red, orange, yellow, green, blue, indigo, at violet respectively.

"Oh, so nakita mo na pala ang collection ko." sabi niya. "Alam mo, mahal na mahal kita na kaya ko ibigay ang lahat kung ano ang meron ako. Kaso yung hampas lupa ang pinili mo! Wala kang utak Ayra!" sigaw niya. Oo wala na akong utak, pero at least may puso ako di tulad mo. "Kita mo yang pitong rosas na yan!? Yan sana ang ibibigay ko sa'yo noong araw na sinagot mo si Krimson. Alam mo, nasaktan ako ng sobra, pero wala eh, wala akong magagawa." dagdag niya. "Si Krimson, yung Kristang kaibigan mo, yung babaeng masaya, ang bahay mo, yung paki-alamerong pulis, yung paborito mong coffee shop, tsaka yung bestfriend mo. Lahat sila alam kong importante sa'yo o di kaya'y makaka trauma sa'yo. Lahat sila na damay sa kabobohan mo!" sigaw niya.

Tinanggal niya ang takip sa bibig ko. Agad ko naman siyang sinigawan, "Hoy Ivan! Ang babaw naman ng dahilan mo para gawin lahat ng yun. Wala ka bang konsensya? Isa kang pashnea! Hayop ka! Pinatay mo si Krimson dahil nagseselos ka. Di ba yun isang malaking dahilan kung bakit hindi ikaw yun pinili ko? Dahil alam ko na pag hindi ako nakatingin sa'yo, isa kang bastos na tao! Wala kang modo! Wala kang paki-alam sa ibang tao, selfish ka in short! Gusto mo lahat ng gusto mo mapasa'yo. Abusado ka! Si Krista, wala namang ginawa sa'yo, binaril mo, pinatay mo pa!" sigaw ko tas di ko na nabigil ang mga luha ko. "Yung babaeng nagseselebra yata ng anniversary nila na kompleto yung araw, sinira mo! Yung bahay namin at kapitbahay na wala namang ginawa sa'yo, dinisturbo mo! Yung pulis na ginawa lang naman ang trabaho niya, binaril mo! Yung coffee shop na nagbubusiness lang, sinira mo! At PATI YUNG BESTFRIEND KO, SINALI MO. HAYOP KA! Wala kang hiya!" sigaw ko.

Yung feeling na inis na inis ka kaya nagawa mo ang best speech of your life ever.

Yumuko si Ivan, at sa pagkakapansin ko umiyak. Nagexplain siya, "Yung gabing pinatay ko si Krimson, lasing ako non! Grabe kasi ang selos ko kaya nabulag ako at naging sakim. Pagkatapos non nakonsensya ako. Ilang araw rin akong nakatunganga at di kumain. I asked sorry from God. Sorry sa nagawa kong napakasama at sorry na di ko kayang isuko ang sarili ko. Months after, naka move on na sana ako, kaso one day noong naglalakad ako sa labas may biglang sumuntok sakin - nakilala ko siya bilang Dustin. At oo, si Dustin ang nanguna. Nananahimik na sana ako kaso nandisturbo siya. Sa lakas ng suntok niya, nawalan ako ng malay, buti na nga lang di niya ako tinuluyan."

Totoo ba tong mga sinasabi niya?

"Pero inisip ko nalang na gusto niya lang ipaghiganti ang kuya niya kaya di na ako nag-atubiling maghiganti. Noong birthday mo, gusto sana kitang makita, kaya naghanap ako ng paraan para makapasok sa party mo. Nagdala ako ng baril just in case may sumuntok na naman sakin. Bat ako pumunta sa birthday mo? Gusto kasi sana kitang makita kahit isang saglit lang pero napansin kong kaibigan mo pala si Dustin, kaya nagtago ako sa cr at naghanap ng paraan para makalabas. Di ko napansing nasundan niya pala ako kaya noong nakita ko siyang papalapit, pinaputok ko ang baril, kaso isang babaeng kakalabas lang sa kabilang cr ang nabaril ko. Sa takot na mahuli, tumalon ako sa labas ng building. Masakit nga sa paa eh kaso sinundan pa rin ako ni Dustin. Tinawagan ko naman ang mga kasama ko para humingi ng tulong. Naghabulan kami ni Dustin hanggang sa naka-abot kami sa isang dead-end, at dun tinakot ko siya at nagpakilala bilang isang Ivan na kontrabida." dagdag niya.

"Kinidnap ko si Dustin dahil alam kong di siya hihinto sa kaka-atake sakin hanggang di siya natuto ng leksyon kaya tinali ko siya. Di ko sinabi ang mga nangyari kay Yvonne para di siya masali sa gulo. Mahal ko ang kapatid ko, siya nalang ang natitira kong pamilya." sabi niya.

"Matagal ko na tong naframe." tukoy sa mga bulaklak. "Kaso isang araw nagising nalang akong sakim. Punong puno na ang utak ko sa mga problema kaya ayun ikaw ang napagdiskitahan ko, gusto kitang saktan ng di mo alam. Sa kakaisip ko ng plano, naisip ko ang mga kulay ng mga rosas. Pangngalan ng pinili mong lalaki ay galing sa shade ng pula; tas tsamba naman na orange yung suot ng nabaril ko. Kaya nasabi ko sa sarili ko na ang pitong rosas na sisimbolo sana sa pag-ibig ko sayo'y sisimbolo pala sa galit ko. Kaya ayun, sabi ko sa sarili ko, pagnakompleto ko ang pitong kulay ng pangyayari, titigil na ako."

"Hayop ka talaga... Inosente sila..." sabi ko.

"Isang araw, nakita ko kayo ni Nica sa coffee shop, timing naman na nakita ko yung taong umuntang sakin ng malaki na di man lang nagbayad. Kasama niya ang girlfriend niya, anniversary nila. Binilhan niya ito ng dilaw na bulaklak dahil paborito raw niya ito. Ewan ko ba, galit din ako sa kanya, kaya, sinaksak ko ang girlfriend niya. Sa pag-estimate ko, galos lang ang tama niya, di naman ako mamamatay tao talaga." sabi ni Ivan.

"Yung bahay namin?" tanong ko ng puno ng galit.

"Eh yung maganda mong bestfriend kasi, nag-tweet na nanunuod daw kayo ng Arrow. Alam kong green yun, kaya ayun pinaputukan ko yung bahay niyo. Pero sinigurado kong di ka tatamaan. Loves kaya kita." sabi niya.

"Demonyo ka Ivan! Demonyo!!!" sigaw ko.

"Nagtago ako pagkatapos para di mahuli, kaso may isang pulis na nakakita sakin kaya ayun, binaril ko, tsamba namang blue." sabi niya tas tumawa.

"Pero alam mo, mahirap yung indigo ha, buti nalang alam ko yung favorite coffee shop mo. Yung violet naman, sayang di ko pa nagagaw— teka!" sabi niya.

"Kaya pala naka violet si Nica! Nalaman niyo yung plano ko?" tanong niya.

"Di kami bobo katulad mo! Pakawalan mo na ako dito, tapos na yung misyon mong pambata." sigaw ko.

"Ayoko. Gusto ko na ang ginagawa ko. Sabi mo nga di ba, wala akong hiya, isa akong hayop, at isa ring demonyo. Eh papanindigan ko na." sabi niya.

Diyos ko, anong gagawin ko. Takot na takot na ako... Nica, nasan ka ba...?

"Alam mo, napag-isipan ko." sabi niya,

"There's still something after violet." tas ngumiti siya.

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon