9 - Ang Boses Ni Kuya

4.9K 111 2
                                    

~ DUSTIN ~

"Nga pala, excuse me, mag-ccr lang ako." dahilan ko kina Nica at Ayra nang may napansin akong kahinahinalang tao sa party. Agad ko siyang sinundan sa CR pero parang huli na ang lahat... Huli na ang lahat dahil may narinig kaming putok ng baril — galing yata sa CR. Nagkagulo na ang mga tao pero ako, porsigidong puntahang ang pinanggalingan ng putok. Tinakbo ko agad at nagulantang ako sa nakita ko:

Isang dalagang duguan. Nilabas ko yung baril ko para icheck kung nasa loob pa ng CR ang kriminal, pero wala na. Kaya naman nilapitan ko ang biktima - nabaril siya sa tiyan at parang humihinga pa yata, tutulungan ko sana kaso...

Kaso may narinig ako sa labas, sa may bintana kaya agad ko itong sinundan at yun nga, nakita kong mala ninjang tumalon ang kriminal. Sinundan ko, kahit mahirap ginawa ko. Pero imbes na tumalon, dumaan ako sa hagdan, mahirap na kung masugatan pa yung paa ko.

Sure ako na ang lalaking ito ang sinuntok ko kaninang umaga pero di ko tinuluyan... Bakit? Honestly, di ako 100% sure na siya ang bumaril sa kuya ko.

Pagkarating ko sa baba, nakita ko pa kung saan siya dumaan, kaya sinundan ko. Madilim nga lang kaya di ko maaninag yung mukha niya pero sigurado akong siya ang nakita ko noon.

Kahit hingal na hingal na ako ay mabilis ko pa rin siyang hinabol at yun na nga, napagod rin siya at tsempo namang nasa dead end kami ng iskinita.

"Sino ka ba!?" pasigaw kong tanong sa kanya habang nakatutuk ang baril ko "Di na yun importante sayo!" sagot ng kanyang malalim na boses. "Bakit mo pinatay ang inosente kong kuya!?" tanong ko. "Kuya?" taka niya. "Si Krimson?" "Oo, pinatay mo siya ng walang kalaban laban." sagot ko. "Ahh, ikaw pala yan Dustin. Nice to meet you." bati niya sa'kin

Huh? Pano niya ako nakilala?

"Hoy! Bakit mo ako kilala?" tanong ko. "Kilala kita Dustin Rodriguez, at ang buong pamilya mo." sagot niya tas tumawa, yung tawang evil laugh. "Sige, para fair sa 'yo, magpapakilala nalang ako dahil hindi ka naman magtatagal. Ako si Ivan Kurashima isang mapagmahal na tao na di man lang binigyan ng importansya ng iba." dagdag niya. "O ano? Masaya ka na?" tanong niya. "Di bale, kung ako sayo, matatakot na ako sapagkat huling araw ko na itong mabuhay." sabi niya sabay tutuk ng kanyang baril sa harap ko.

"Huwag na huwag kang magkakamaling barilin ako." sabi ko habang nanginginig na nagtututok ng baril ko sa kanya. "Sige, patayin mo ako, tignan natin ko kaya mong maging isang kriminal tulad ko. Sige na, baril na." aya niya.

Bakit parang di ko kaya? Di ko kayang ipaghiganti si kuya... Di ko kayang pumatay ng tao... Di ko kaya maging isang kriminal.

Bigla ko nalang narinig ang tinig ni kuya sa isip ko na nagsasabing "huwag."

Kaya naman, agad akong tumalikod at tumakbo palayo. Sinubukan niya akong barilin pero naka ilag ako. Sinundan niya ako pabalik kaso di niya na ako nakita nang nagtago ako sa ilalim ng isang trak.

Madumi at maalikabok ang ilalim ng trak at biglang gulat ko nang napansin kong nasa paligid lang pala siya. "Dustin! Bumalik ka!!!" rinig kong sigaw niya. Grabe ang alikabok nauubo ako.

At di ko na nga napigilan, naubo ako.

Kaso di niya napansin dahil sa ingay ng wangwang ng pulis. At dahil din sa tunog ay tumakbo na siya patakas.

Agad ako lumabas sa pinagtataguan ko at nagpunta sa isang internet café.

Pagkapasok ko, nakahinga na ako ng maluwag pero pansin kong nagtitinginan yung mga tao sa'kin na para ba akong kriminal.

Ahh yun pala, dahil naka suit and tie ako hehehe.

"Kuya, open hour." sabi ko sa bantay ng internet café at binigyan niya ako ng number. Noong pa on palang ang computer, tinanong ko yung bantay, "kuya, may card reader po ba kayo? Pwede pahiram? Please, importante lang." At mabuti naman at meron.

Pagkatapos ng ilang minutong pagcocomputer, napansin kong may pumasok sa internet café.

"Kuya, tignan mo nga yung lalaki oh, parehas ng suot ng isang mamà, mga baliw yata sila." rinig kong sabi ng isang bata sa kanyang kuya. "Parehas kami ng suot? Asan siya? Ituro niyo sa'kin!" rinig kong utos ng isang lalaki malalim ang boses— teka! Si Ivan!

Agad akong tumayo at tumakbo palabas at yun nga tinuro ng mga bata. Nagtakbuhan ulit kami, kaso narinig ko nalang na sabi niyang, "siya yon! Hulihin niyo na!" at yun nga, pinaligiran ako ng tatlong tao. Isang babaeng sexy at dalawang lalaking may malalaking katawan. "Liligpitan po ba namin siya boss?" rinig kong tanong ng isang lalaki. "Huwag, may plano pa ako sa kanya." utos naman ni Ivan.

"Teka! Anong gagawin niyo sa'kin?" tanong ko. At bigla nalang akong sinuntuk ng isang tauhan ni Ivan at ginapos. Duguan ako, at ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Pinasok nila ako sa isang sasakyan. Parang di ko na kaya, mamamatay na yata ako.

"Balik tayo sa headquarters!" utos ni Ivan.

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon