23 - RS Goals

2.6K 72 1
                                    

~ NICA ~

"Siya ba hinahanap mo?" tanong ni Ivan sa'kin at tinulak ako palapit kay... Si Dustin! "Dustin?" sabi ko sa taong kaharap ko na kawawa ang itsura, madumi at parang walang malay na nakatali ang dalawang braso sa magkabilang poste. "Hoy Hapon! Anong ginawa mo kay Dustin, bat di siya gumagalaw?" pasigaw kong tanong kay Ivan. "Bat nga ba di siya gumagalaw? Hmm baka patay na." sarkastikong sagot ni Ivan. Binuhusan niya ng some kind of liquid si Dustin para gumising. "Hoy! Bat mo siya binuhusan ng asido?" tanong ko. "Anong asidong pinagsasabi mo? Hoy ka rin, hindi ako ganun ka brutal." sagot ni Ivan. "Eh ano yun, bat mabango?" tanong ko. "Yun yung tubig na pinaglabhan ni Dodong kanina, may sabon kaya mabango." sagot niya.

At yun nga, paglipas ng ilang segundo ay ginalaw ni Dustin ang mukha niya, at di nagtagal ay nabuka yung mata niya. Kitang kita ko ang natuyong dugo sa mukha niya. Kawawa si babe.

Tatanungin ko sana kung okay lang siya, kaso obvious naman na hindi, kaya, huwag nalang.

"Huwag kang mag-alala Bab— Dustin, ililigtas kita." sabi ko sa kanya. "Anong ligtas ligtas ang pinagsasabi mo? Isama kaya kita diyan sa tali." react ni Ivan. Teka! Together kaming itatali!? Wow RS goals. "Sige." sabi ko. "Ay hindi! Hindi! Ibig kong sabihin huwag!" dagdag ko. Naku, Nica! Nadulas ka tuloy! "Sorry, I'm going to accept your first answer, kaya, Dodong!" tawag niya sa naglalaba. "Itali mo siya dito, idikit mo sila." utos niya. YES! Este Nooooo!

At yun nga, harass si Dodong three, di man lang gentleman. Ang harsh niya sa'kin noong tinali niya ako. Araaaaaay, ang sarap makatabi yung crush mooooo. AY ESTE! Ang sakit nong pagkatali ha.

At yun nga, side by side na kami. Yung kanan niyang braso nakatali sa poste sa kanan, yun kaliwa ko namang braso, sa kaliwang poste naman nakatali. At yun dalawa pa naming kamay? AY SUUUS holding hands na tinali sa gitna. RS GOALS NA ITUUUUUUU.

Masaya na sana ako kaso dumating ang bruha niyang kapatid. "Oh, Nica! Di ka man lang nagsabing pupunta ka... At nakijoin ka pa sa babe ko." bati ni Yvonne. "How dare you! Anong babe!? Nagseselos ka lang at kami ang magkasama dito. Ang bango pa naman ni Dustin bleeeeh." sabi ko, at totoo medyo bumango siya dahil sa binuhos na tubig-nilabhan. "Yvonne, bantayan mo muna sila. May kukunin lang ako sa itaas." sabi ni Ivan. "Sige kuya, will do." sagot ni Yvonne. "Ano, wala ka bang ibang masusuot kundi yang catsuit at heels pa rin? In fairness, di bagay sa'yo ang all black." sabi ko. "I'll stop wearing black when I find a color darker than it." excuse niya. "Hmp, parehas lang pala kayo ng kuya mo, ang hilig sa colors. Pero kidding aside, bagay sa'yo yung itim, kasing kulay ng puso mo, bagay sa mga kontra bida!" sabi ko pang-inis.

"Alam mo anytime pwede kitang sampalin." sabi niya. "Edi gawin mo!" utos ko, with pride. "Hindi na, may mas masakit ako gagawin sa'yo." sabi niya. "Ha? Ano kaya yun? Sasaksakin mo ako?" tanong ko. "Hindi naman yun ganun ka sakit eh. Physically ang easy mo lang saktan." sabi niya. "Pero dito, habang buhay sasakit ang puso mo." sabi niya nang lumapit siya sa pisngi ni Dustin at... At... HINALIKAN NIYA ITO!!! NOOOOOOOO SIYA YUNG FIRST KISS NIYA NOOOOOOO.

At tuluyan nang naggunaw ang buong mundo ko.

"Hoy! Yvonne, pakawalan mo ang Bestie ko!" pautos na sabi ng isang babaeng nasa harap namin. SI AYRA <3 Grabe si Papa, nauna pa si Ayra dito, ganito ba talaga tong mga pulis!? "Bestie!!!" sigaw ko with excitement. "Aybinabawi ko na! Huwag mo na siyang pakawalan, parang nag-eenjoy siya sa nangyayari sa kanya." bawing sabi ni Ayra nang nakita niya magkatabi ang kamay namin ni Dustin.

"Asan yung kuya mo?" tanong ni Ayra. "Andito ako... Mahal ko." rinig kong sagot ni Ivan habang bumababa sa hangdan. In fairness, ew pakinggan noong Mahal ha, di sila bagay. Hapon tsaka isang medyo malaking mata. Oo, medyo malaki mata ni Ayra HAHAHAHA. O malaki talaga? HAHAHAHA.

"Pakawalan mo sina Nica at Dustin, wala silang kinalaman dito, ako naman kailangan mo di ba? Eto na ako. Buong buong. Sa'yong sa'yo na." sabi ni Ayra. Tumawa si Ivan at naglakad lakad sa harap niya. "Si Nica, oo, wala siyang kinalaman dito, pero sadyang paki-alamera siya kaya nandyan. Si Dustin, di pwede, malaki atraso niya sa kin." sabi ni Ivan. "Hoy Hapon! Ikaw kaya pumatay sa kuya niya!" defend ko kay Dustin. "Huwag ka ngang maki-alam pandak!" sabi niya. WHAAAT TINAWAG NIYA AKONG PANDAK!? Nakaabot kaya ako ng 5 feet.
"How dare you?" sabi ko. "Yvonne." tawag ni Ivan sa kapatid niya. "Sure kuya, my honor." sagot ni Yvonne. Huh? Wala namang sinabi yung kuy— ARAY! "Hoy bat mo ako sinampal." sabi ko. Bastos toh, ningitian lang ako.

"Huwag mong sampalin Bestie ko! Ako lang may karapatan gumawa niyan sa kanya." sabi ni Ayra. "Okay fine." sabi ni Yvonne at... At... HINALIKAN NIYA ULIT SI DUSTIN UGHHHH. "Teka, teka, teka, sige, sampalin mo nalang siya!" sabi ni Ayra. ARAY! Sinampal na naman ako ng Yvonne na ito. "Inutusan ako ng Bestie mo." sabi niya tas nangasar. KAASAR NGAAA UGHH.

"Wang wang wang wang wang." rinig naming siren... Ng pulis! YEY ANDITO NA SILA.

Dala dala si Ayra, agad na tumakbo si Ivan. Lumabas ng bahay at parang tumakas.

"Pulis toh!" rinig kong sigaw...

Ni Papa <3

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon