~ NICA ~
"Hoy kriminal! Huwag mong saktan si Dustin ko." sabi ko ng puno ng tapang at galit. At nahinto ang kriminal sa kanyang gagawin kay Dustin, binitawan ang kanyang baril at sumuko. Nilapitan ko si Dustin, pinakawalan sa tali at niyakap. "Salamat Nica, ang tapang mo para iligtas ako. Alam mo, napabilib mo ako." sabi niya. "Nako..." sabi ko at feel na feel kong pagblush ko. "May aaminin ako sayo. Noong una palang kitang nakita, alam ko na na ikaw ang mamahalin ko habang buhay." amin niya. At dahan dahan nagsilapitan ang aming mga labi... Eto na!!!
"Nicatrix!!!" rinig kong sigaw ni Ayra. "Hoy Nica! Gising na, andito si Tito Simon." dagdag niya. At dahan dahan nabuksan ko ang aking mga mata.
.
.
.
PANAGINIP LANG PALA YUN!? NOOOOOOOOO!!!"Huy, bat ganyan ang mukha mo, sira-sira?" tanong ni Ayra. "Wala, ewan ko sayo! Panira-moment." sagot ko. "Ako ba ang panira-moment?" rinig kong tanong ni Papa na nasa may pintuan ng kwarto naming tinulugan. "Ay! Pa! Andito ka pala." bati ko. "Kakamustahin ko lang sana kayong dalawa." sabi niya. "May balita na po ba kayo Tito sa nangyari kahapon?" tanong ni Ayra. "Pasensya ka na Ining, wala pa. Pero huwag kang mag-alala, agad-agad kung meron update, ibabalita ko sa'yo." sagot ni Papa. "Salamat po Tito. Alam mo po, kahit wala dito si Daddy, meron po akong guardian slash kaibigan slash daddy two dahil sayo. Salamat po ulit." sabi ni Ayra tas umiyak na naman siya. "Ining, wala kang kasalanan sa nangyari kahapon, tandaan mo yan. Walang may gusto sa nangyari kahapon, lalong lalo na't birthday party mo na sana masaya pero sa di inaasahang pagkakataon eh naging kabaliktaran ng inaasahan. Pero sige, hahayaan muna kitang umiyak. Minsan kasi sa buhay kailangan talagang umiyak." sabi ni Papa.
Ganun naman talaga tayong mga tao, nasasaktan. Nasasaktan tayo dahil may pakiramdam tayo. Minsan nga dahil sa sakit, naiiyak tayo. Pero ang sakit ang siyang patunay na tayo'y lumalaban sa pagsubok ng buhay.
"Pa, pwede niyo ba muna kaming iwan ni Ayra? May pag-uusapan lang sana kami." sabi ko kay Papa. "Ah sige, ano naman kaya pag-uusapan niyo na di ko pwedeng malaman?... Pero di bale aalis na ako, back to work. Dinaanan ko lang naman kayo." sabi ni Papa.
"Best, tahan ka na." sabi ko kay Ayra. "Wala na akong dahilan para mabuhay Best." sabi niya. Wow grabe siya. "Alam mo, sabi nila, the best way to move on is to not look back." sabi ko. "So ano ibig mong sabihin? Go on lang ako sa buhay at mag-iisip na parang wala lang nangyari!? Parang wala lang namatay!? Best naman eh." sabi ni Ayra at mas umiyak pa. "May ideya ako. Gagawa tayo ng something new. Yung para di mo na masyadong isipin yung nangyari." sabi ko. "Ano naman yan?" tanong niya. "Let's play hide and seek." sagot ko. "You're saying?" tanong niya. "We seek the lost." sabi ko. "Hahanapin natin si Dustin in other words."
"Sabi ko naman sa'yo diba -." react ni Ayra. Di ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi niya, taingang-kawali. Kumuka ako ng pad paper, ballpen, tsaka yung laptop ni Ayra.
"So, ganito yun Best..." paliwanag ko sa kanya habang dinodrawing yung crime scene kahapon, yung mapa sa labas ng PTY hotel. Minarkahan ko yung posisyon ni Dustin. "San kaya siya noon?" tanong ko. "Aha! Sabi niya mag-ccr daw siya." sagot ko sa sarili ko.
"Talaga bang seryoso ka sa paghahanap sa kanya?" tanong ni Ayra habang pinapahiran yung luha niya. "Naman, kaso lang mahihirapan tayo... Kasi a man like him is hard to find!" sagot ko. Ngumiti siya. Ewan ko ba kung sa tuwa o dahil sa inis. "Aanhin mo naman yung laptop?" tanong ni Best. "Ahhh ehhh ewan. Kinuha ko lang para mukha tayong real na real." sagot ko. "Huwag mong sabihing isesearch mo diyan ang 'Where is Dustin Rodriguez?' hoy di yan masasagot ni Google." sabi niya.
Napa-isip tuloy ako... "Try kaya natin?" aya ko. "Ewan ko sayo." sagot ni Ayra. Tintry ko naman. Nothing's wrong in trying.
Chrome... Where... is... Dustin... Rodriguez... Search...
Nagulat ako sa nakita ko kaya agad kong ibinalita kay Ayra,
"Best, tignan mo, may YouTube channel siya."

BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...