10 - Imbestigasyon

5.2K 106 4
                                    

~ NICA ~

Sa labas ng PTY Hotel kasama ang napakaraming bisita, guests at staff ng hotel ay nando'n kami ni Ayra sa isang banda. Napaka-ingay ng paligid: mga taong nagpapanic, siren ng pulis at si Ayra na umiiyak. "Best! Kinakabahan ako. May nabaril kaya?" sabi niya habang tumutulo ang luha. "Good vibes lang Best, positive thoughts, baka toy gun lang yung narinig natin." sabi ko. "Anong toy gun? Baka may napatay na dun, oh di kaya na massacre, baka may nagpakamatay o di kaya may sasabog pa na bomba kasunod." sabi niya. Hay nako, grabe talaga si miss pessimistic. Wala akong magawa. Kahit anong comfort ko kay Ayra ay may negative answer pa rin talaga siya kaya niyakap ko nalang.

"Kuyaaaa, may balita na po ba sa nangyari sa loob?" tanong ko sa isang mamang pulis na dumaan pero tinignan niya lang ako at di pinansin. "Best, tignan mo nga si mamang pulis, di ako pinansin." sabi ko kay Ayra. Habang umiiyak siya, sumagot parin, "hoy ugok! Paano ka niya sasagutin at bakit ka niya sasagutin eh tignan mo nga yang suot mo! Hubarin mo kasi yang Tiki mask para kang baliw." Tama nga naman si Bestie kaya niyakap ko siya at sinabing, "salamat naman bumalik na si Ayra."

Lumapit sa amin ang snobber'ng pulis, "Ining, ano bang nangyari sa loob? May kutob ba kayo kung sino ang gumawa ng krimen?" tanong niya... Kay Ayra -_-. "Ah eh, Manong pulis, pasensya ka na wala talaga akong clue." sagot ni Ayra. Napansin ko na may papalapit pang isang pulis — si Papa. Niyakap niya ako at kinamusta, "anak, okay lang ba kayo?" "Anak!? Chief, anak niyo po tong isang toh?" tanong ni snobber. "Unica ija ko siya Ramon." sagot ni Papa. Napatingin si mamang snobber sa'kin at para bang pinipinta ng mukha niyang wag sabihin sa papa ko'ng di niya ako pinansin. Tumayo ako at sinabing, "Okay lang ako Pa, at... Ramon."

"Sige na, sa pulisya nalang tayo mag usap para sa imbestigasyon na ito." sabi ni Papa at tumungo sa kanyang sasakyan, at agad namang sumunod si Ayra. At ako? Well, sinadya ko talaga magpaiwan... May gagawin pa kasi ako. "Mr. Ramon." tawag ko sa kanya. "Yes... Ma'am?" sabi niya. "Salamat nga pala, alam mo, saludo ako sa inyong mga pulis." sabi ko. "Ahh, ehh wala yun, traba-." sabi niya kaso pinutol ko. "Oh eto, bigay ko sa'yo, huwag ka na magpasalamat. Magagamit mo yan sa mga masquerade balls." At alam niyo na kung ano yung binigay ko... Yung Tiki mask.

Sa police station, as expected, tinanong nga kami ng tinanong, pero wala kaming ideya kung sino ang gumawa ng nangyaring krimen. Kaya pinauwi nalang kami ng mga pulis. Si Ayra naman, ibinalita na sa kanyang mga magulang ang nangyari.

Kaya hinatid ako ni Papa sa bahay, at pagkatapos ng chikahan at moment namin ni Mama (oo, as expected, sinabi niya na ako yung buhay niya, ano naramdaman niya noong ipinanganak ako at blah blah blah) ay pumunta na ako sa kwarto at nagnilaynilay.

Sa pag-iisip ko, may naaalala tuloy ako. Kaya, agad kong tinext si Ayra, "Best, ASAAAAAN SI DUSTIN!!?????" Agad naman siyang nagreply, "E ewan, bakit, ako ba yung may crush sa kanya?" At sinagot ko naman ng "Hindi pero... Naku, di ko na siya naisip." "Baka nabaril? Joke! Ano ka ba, ikaw yung date niya. Responsibilidad mo siya." sabi ng text. "Naku best ano ba gagawin ko?" reply ko. Aba ewan ko kay Dustin, itetext ko na nga lang.

Naputol yung textan namin nang parang may bisita kaya chineck ko agad at yun nga, dumating si Papa sa bahay kasama ang isang lalaki. "Siya si Detective Edward, siya ang naka-assign sa imbestigasyon ukol sa krimen kanina." Pakilala ni Papa sa isang pogi at hot na pulis. "Ahhh hi, I'm Nicatrix, Nica for short." sabay baba agad ng hagdan at inabut yung kamay ko for a handshake. OMG ang lamig ng kamay niya. "Ah Nica, ikaw ba yung nandun kanina sa krimen?" tanong niya. "I do." sagot ko. Binatukan ako ni Mama, "huy, sumagot ka ng maayos, seryoso toh." sabi niya. "Pasensya ka na Nica, di ko kasi pwedeng ipabukas ang imbestigasyon, baka may ibang mabiktima ang kriminal." sabi ni Detective. "Nako, okay lang, I can spend the whole night with you." sabi ko, at ayun binatukan ulit ako. "May napansin ka ba sa mga guests?" tanong ni Detective. Sasagot na sana ako kaso pinutul ni Mama, "Bakit hindi yung nagbirthday yung tinatanong mo Detective?" "Baka po kasi nasa trauma pa yung birthday girl." sagot ni Detective. "So, ibig sabihin, hindi natrauma yung anak ko!? Anong tingin niyo kay Nica!?" react ni Mama. "Actually, may napansin ako..." sabi ko.

Umupo kami at pinagpatuluy ko yung kuwento, "May kasama po kasi ako sa party (patay di ko pwedeng sabihin kina Papa na may date ako kanina) lalaki siya, si Dustin Rodriguez. Parang wala siya sa sarili niya kanina tas ayun nga nagpaalam siyang mag CR. Di ko siya nakitang lumabas ng building, kakatext ko lang sa kanya, pero hindi nagreply." sabi ko.

"Sige, salamat, kami na bahala sa paghahanap sa kanya. Tutuloy na ako, maraming salamat sa inyo, good night." paalam ni Detective Edward. Nakoooo ang sweet ng good night, kulang nalang sweet dreams hehehehehehe.

Lumabas siya ng bahay at may binulong siya sa sarili niya na sa pagkakadinig ko,

"Ikaw na naman, Dustin."

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon