38 - Yvonne Kurishima

2.6K 69 2
                                    

"Hinding hindi mo mapipilit ang isang tao para ibigin ka,
At tangi mo lang magagawa ay tanggapin ito at maging masaya para sa kanya."
- Yvonne Kurishima

Tama na. It's over. Yan ang sinabi ko kay Kuya pagkatapos niyang barilin ang detective. Two lines lang ang sinabi ko, pero malalim ang meaning non na sa tingin ko'y naintindihan ni Kuya kaya sumuko siya sa pulis.

Tama na. He made too much mistakes already. He became a killer and a kidnapper just because of love. Ganoon ba dapat kapag may mahal kang tao? Dapat ba ibigay mo lahat? Sa tingin ko, hindi eh, dapat magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. Love yourself ika nga.

Pero sa tingin ko, sa dinami dami ng ginawa ni Kuya, he wasn't able to prove na mahal niya talaga si Ayra. Bakit? Hindi niya kasi tinanggap ang fact na ayaw na nito sa kanya. Pinilit kasi niya ang pusong ayaw sa kanya. Kung ayaw ng tao sa 'yo, wala na tayong maggagawa kung di ang mag move on.

It's over. Oras na para sumuko dahil kahit anong gagawin mo, makukulong ka pa rin. Checkmate. Game over. Mas mabuti pang tanggapin mo nalang ang katotohanan kaysa dagdagan pa ang iyong kasalanan. Mas madali kang mapapatawad ng tao pag sumuko ka at tanggapin ang pagkakamali.

"Kuya." tawag ko kay kuya noong sumuko siya sa pulis. "I'll be fine my dear sister." sagot niya na para bang masaya siya sa desisyon niya. I didn't bother reply. I couldn't think of anything else to say. Ewan ko ano ba dapat ang maramdaman ko: takot, kaba, lungkot o saya. Pero mas masaya ako dahil sumuko na siya at tinaggap ang pagkakamali.

Nilapitan ko ang detective na binaril ni kuya - naghihingalo pa ito. Tinignan ko siya at nakita kong ilang segundo nalang, mamamatay na siya.

"Ipaghiganti mo ang kuya mo." sabi niya sa'kin. "Kinulung nila ang Kuya mong walang ibang ginawa kung di ang magmahala ng isang tao." dagdag niya kahit nahihirapan na siyang magsalita. "Hindi. Sorry, hindi ako katulad niyo!" pasigaw kong sagot. "Oo Kuya ko siya, pero bilang isang kapatid na nagmamahal sa kanya, hindi ko itotolerate ang mga ginawa niya." dadag ko na hindi man lang namamalayan na umiiyak na pala ako. "Si Dustin, kriminal yun, patayin mo!" utos niya. "Kriminal man si Dustin, pero may mabuti siyang dahilan." sagot ko. "Mabuti? Eh papatayin niya sana yung kuya mo, mabuti pa ba yun?" tanong niya. "Ang sabihin mo, mahal mo si Dustin." dagdag niya. Tumahimik ako saglit, at siya naman, parang papunta na ron. "Maghiganti ka." sabi niya at tuluyan ng namatay.

Pagdating ng mga pulis, tumakas ako para hindi na makasagabal sa kanila. Hindi ako makakauwi sa bahay dahil alam kong madaming pulis ang mag-iimbestiga dun, kaya bumalik nalang ako sa hotel room at nagpalipas ng gabi.

Sa bed, nakapag-isip isip ako tungkol sa mga bagay-bagay. Na sana, hindi nalang naghiwalay sina Mommy at Daddy, sana one big happy family pa kami hanggang ngayon. Sana, hindi nalang pumanaw si Mommy para may mag guide sa'min ni Kuya habang lumalalaki para sana hindi naging kriminal si Kuya.

Nakatulog ako sa pagod at paggising ko, naisip kong ivideo call si Daddy through Skype. Halos isang taon na rin kasi kaming di nag-uusap.

Gamit gamit ang iPad na niregalo ni Kuya sa'kin noong grumaduate ako ng high school, tinawagan ko si Daddy.

Nagulat ako noong sumagot siya. Nakakita ako ng isang lalaking wala ng buhok, matanda na at parang may sakit.

Bigla nalang ako napaiyak nang nakilala ko siya - siya nga si Daddy.

Meron daw siyang colon cancer at sumailalim na sa iilang medical treatment. Panandalian ko lang siyang naka-usap dahil sabi ng isa niyang anak sa labas, kailangan pa daw itong pagpahinga. Pero bago siya nagpaalam, pina-alam ko muna yung nangyari kay Kuya. May karapatan din kasi siyang malaman ang pinaggagawa ng anak niya.


Kinahapunan binisita ko si Kuya sa kulungan. Noong una, ayaw niya sanang magpakita para daw di ako masaktang makita siyang ganoon, pero nagpumilit ako, kaya naman sa kabutihang palad ay nagpabisita siya.

Paglabas niya sa kulungan, agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Umiyak si Kuya at sinabing, "Bat mo pa ba ako pinuntahan dito?" tanong niya. "Kasi Kuya kita, at mahal kita." sagot ko.

Umupo kami at nagpatuloy sa pag-uusap."Kamusta ka na Kuya?" tanong ko. "Huwag kang mag-alala, I feel so much better dito sa kulungan kaysa malaya naman pero walang peace of mind." sagot niya. "So Kuya, paano na? Ipapakulong mo ba si Dustin dahil pinagbantaan niya ang buhay mo?" tanong ko. "Kuya, nagmamakaawa ako sa'yo, huwag naman sana, mabuting tao si Dustin. Maraming nagmamahal sa kanya." suggest ko. "Huwag kang mag-alala, hindi ko siya kakasuhan, kasalanan ko naman lahat ng yon eh. At oo, alam kong marami ang nagmamahal sa kanya... At isa kana ron." sagot ni Kuya. "Huh? Bat mo naman nasabi yan kuya?" tanong ko habang nagtataka kung bakit alam niya na may feelings ako kay Dustin. "You might not know this, pero sinusumbong ka ng mga Dodong kung tinutulungan mo si Dustin. Bilib naman kasi ako sa'yo. Kita ko noong pinakain mo siya, pinaupo at kinakausap. Proud akong magkaroon ng isang kapatid katulad mo na mabait." sabi niya. I was about to cry kaso nagpaalam siya't tumayo. "Kuya, may sasabihin pa ako sa'yo. Tungkol kay Daddy." sabi ko. "Ano? Anong nangyari sa hayop na yun?" tanong niya tas umupo ulit.

"May sakit siya." balita ko. Tumahimik si Kuya at yumuko. Naawa yata. Kaso, sabi niya, "Mabuti nga sa hayop na yun. Sige na Yvonne, umuwi ka na. Mag-aral kang mabuti at tsaka pala, maghire ka ng isang bagong Dodong para maging security mo. Isang taon kasing makukulong ang tatlo."

Hindi ako makapaniwala na ganun lang ang reaksyon ni Kuya, kaya dahil sa disappointment, umalis ako bigla habang umiiyak. Bumalik sa hotel at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

May bigla naman kumatok sa pinto. Pagbukas ko, si Dustin pala. "How did you know I'm here?" tanong ko. "Ako pa ba?" sagot niya. Niyakap niya ako bigla, ako naman, masaya at aminadong kinikilig. "What was that for?" tanong ko. "Salamat at di niyo ako ipapakulong." sagot niya with a big smile on his face. "Don't thank me, si Kuya ang nagdesisyon ng lahat." sabi ko. "Halika pasok." aya ko sa kanya para sa room kami mag-usap kaso tinanggihan niya. "Okay na ako dito sa pinto." sagot niya. "Nga pala Dustin, sorry sa mga ginawa ni Kuya Ivan ha... Sa pag..." sabi ko kasi pinutol niya ako. "Wala kang kasalanan sa mga nangyari Yvonne, sa katunayan nga ako pa dapat ang magpasalamat sa'yo sa mga tulong mo noon eh." sabi niya. Aweee ang bait niya talaga.

Parang na-iinlove na ako.

"Dustin, pwede ba humingi ng favor? Kung okay lang naman sa'yo" tanong ko. "Sige sure, anything. Para naman makabawi ako sa'yo." sagot niya.

"Pwede mo ba akong samahan bukas?" tanong ko.

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon