~ NICA ~
"Kung kuya ni Dustin si Krimson... Ibig sabihin non?" tanong kay Ayra. "Ewan. Wala akong maisip." sagot niya. "Oh di kaya, ibig sabihin non, tama yung kanta... It's small world after all." sabi ko. Poker face naman si Bestie sa corny kong joke.
"Wala na ba siyang ibang video diyan?" tanong niya. "Meron, etong walang title." sabi ko. "Play mo nga." utos ni Ayra. "Sige." sabi ko.
Teka!? "Best, tignan mo, inupload niya ito sa oras pagkatapos ng barilan sa party mo." sabi ko. "Ano!?" react niya.
Pinlay na namin yung video. First few seconds maitim lang ang nakita namin... O teka... Puro itim lang lahat eh. "Ano yun?" komento ko. "Baka may sinasabi siya sa video." sabi ni Ayra. "Eh wala naman tayong narinig eh, check ko descriptions." sabi ko. Pagcheck ko sa descriptions ng video, blank lang eto.
Napa-isip ako ng malalim hanggang sa... "Aray!" sabi ko noong binatukan ako ni Ayra. "Ugok ka talaga Best! Pano tayo makakarinig eh mute ang laptop!" sabi niya. AHHHHH OHHH OO NGA PALA HEHEHEHE. Kaya ayun nilagyan ko na ng sounds at may narinig kaming nag-uusap... Si Dustin na klarong klaro ang boses at may kausap siyang medyo mahina yung pagkarecord... Nasa malayo yata.
"Sino ka ba!?" pasigaw na tanong ni Dustin.
"Di na yun importante sayo!" sagot naman ng kausap niya.
"Bakit mo pinatay ang inosente kong kuya!?" tanong ni Dustin.
"Kuya... Ah si Krimson. So, ikaw pala yan Dustin. Nice to meet you." sabi ng kausap niya.
"Hoy! Bat mo ako kilala?" tanong ni Dustin.
Sagot naman ng kausap niya, "Kilala kita Dustin Rodriguez, pati na ang pamilya mo. Hahaha. Sige para patas sa 'yo, magpapakilala nalang ako dahil hindi ka naman magtatagal. Ako si Ivan Kurashima isang mapagmahal na tao na di man lang binigyan ng importansya ng iba. O ano? Masaya ka na? Di bale, kung ako sayo, matatakot na ako sapagkat huling araw ko na itong mabuhay."At dun, naputol ang video. Tinignan ko si Ayra, at sa mukha niya, nakita kong tumulo ang mga luha at sinabing, "Pinaghihiganti ni Dustin ang pagkamatay ng kuya niya... Pagkamatay ni Krimson. Mabait na tao pala yung crush mo. At yung kausap niya parang si..."
"Sabi ko naman sa'yo di ba? Pero Best..." alala ko. "Ano?" tanong niya. "Rinig kong papatayin niya si Dustin." sagot ko. "Hindi yun mangyayari Best, tara, hanapin natin si Dustin." sabi niya habang pinapahiran ang luha't ngumiti.
"Tara!?" aya ko kay Best. "Anong tara? Eh di nga natin alam kung asan siya." sagot naman ni Ayra. "Teka lang pala, gutom na ako." sabi ko. "Kumain muna tayo bago icontinue ang imbestigasyon. Magluluto muna ako ng gulay." sabi ni Ayra. "Alam mo namang ayaw ko sa gulay, para kasi akong kambing na kumakain ng damo niyan eh." sabi ko. "Ewan ko sayo, oh eto nalang itlog, iscrascrabble ko." sabi niya. "Fine." sagot ko.
"Best, io-on ko yung TV ha." sabi ko. At pumayag naman siya, timing naman Arrow marathon ang susunod. Habang nagluluto si Ayra at habang naghihintay magsimula ang marathon, nagTwitter muna ako.
"Eto na, luto na. Sa sala nalang tayo kumain, at lakasan mo yung volume ng TV." utos ni Ayra. Kami lang naman kasi dalawa ang andito sa bahay niya.
It's just an ordinary day. Hanggang sa may narinig kaming naka motor na mabilis na dumaan sa bahay at...
Basag dito basag doon, binaril ng naka motor ang glass windows ng bahay nila. Napasigaw kami, ang mga kapitbahay, nagsilabasan. "Tulooooong!" sigaw ko pero tinakpan ni Ayra ang bunganga ko. "Huwag kang maingay, kunin mo yung laptop, tara lalabas tayo." utos niya.
Kaya ayun, dumaan kami sa backdoor nila at nakalabas ng maayos. "Tetext ko si Papa." sabi ko. "Huwag na, malalaman naman din nila ang nangyari. Chill ka lang. May plano ako." sabi ni Ayra. "Tara, sa bahay niyo!" aya niya.
Pagdating namin sa bahay, walang tao. Namalengke yata si Mama at nasa trabaho naman si Papa kaya dumeretso na kami sa kwarto ko. "Buksan mo yung laptop, check mo ulit yung video." utos ni Ayra at nagsalita ulit,
"May ipagtatapat ako sa'yo."
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...