~ NICA ~
Chineck ko ulit yung video channel niya at pinanuod yung ibang videos. This time, seryoso ko na itong ginawa. Yung video niya tukol sa wildlife conservation muna yung pinanuod ko. May clips na nagpapakita sa mga hayop kasama ang kanilang mga anak, parenting the animal way in other words.
Isa pa niyang video ay itong anti-malnutrition campaign. Sabi sa video, isa daw si Dustin sa mga volunteers na nagpakain sa mga malnurished na bata sa kanilang barangay. Wow, ang bait ha.
Yung tatlong song covers niya naman, di pala para sa mga babae, kung di mga edited-lyrics songs na para sa anti-malnutrition campaign. Hmmm, bat kaya ganito yung mga videos ni Dustin? I was expecting na tungkol sa mga patayan o kahit man lang gaming videos, pero di ah, parang pinapakita dito na mabait siya.
Chineck ko yung descriptions ng video niya, at instead na makita ko ay "like, share and subscribe for more", ang nakita ko ay isang link para sa isang blog... Blog niya kaya toh? Kaya, clinick ko.
"You're DUST IN Time For Change" title ng blog niya. Anong change kaya tinutukoy niya? Katulad ba ng change na gustong gawin ni P Duterte?
Binasa ko ang mga blog post niya at di ko akalaing tungkol ito sa mga isyu ng lipunan — drugs, smoking, traffic, corruption, poverty, at siyempre krimen. Bakit ganito yung mga blog post niya? Ironic sa sinasabi ni Ayra na para bang kriminal si Dustin. Ibig bang sabihin nito mabait siyang tao?
Kung ganun bat namin siya nakitang may kasuntukan sa Quota St.? Bat kung makakilos siya para nga siyang sanay sa pakikipag-away? Bat malaki ang hinala ni detective Edward sa kanya na para bang lagi nalang siyang nakakulong?
Akala ko tapos na yung mystery solving, hindi pa pala.
Kung tanungin ko kaya siya?
Sige na nga, kakapalan ko na yung mukha ko, pupuntahan ko na siya.
Makalipas ang ilang oras, nakarating ako uli sa ospital. Kumatok ako sa kwarto niya at pinagbuksan ako ng Mama niya. "Maganda hapon po, Tita." bati ko. "Magandang hapon naman sa'yo magandang binibini. Si Dustin ba hinahanap mo?" tanong niya. "Ah... Oo, kakamustahin ko lang sana." sagot ko. "Teka lang, ikaw ba yung girlfriend niya?" tanong ni Tita.
...
...
...
Oo?
Sana?Sa tanong ni Tita, feel ko nagblush ako pero dapat seryoso ako today. "Ah hindi po. Kaibigan lang." sagot ko. Kainis. Feel ko tuloy frinend-zone ko yung sarili ko, hays. "Sige pasok ka iha." sabi niya, at sumunod naman ako. "Dustin, nandito kaibigan mo si... Sino ka nga ba Ining?" tanong ni Tita. "Si Nicatrix." sagot ni Dustin. "Nicatrix, si Mama nga pala." sabi niya. At lumipaaaaaaad na ako sa kilig. Grabe yung charm niya nung pinakilala niya ako sa Mama niya. Natulala ako saglit. "Ma, Si Nicatrix." sabi ni Dustin, and I snapped out of it. Nagmano ako as a sign of respect.
Respect never gets out of style.
"Sige, iwan ko muna kayong dalawa." paalam ng Mama niya. "Sige ho." sabi ko.
Kami nalang dalawa... YES!
"Kamusta ka na?" tanong ko. "Ah, eto maayos ayos na, dahil sa'yo." sagot niya. Ano raw!? Grabe siya ha kinikilig ako. "Ah ang ibig kong sabihin, salamat sa'yo at niligtas mo ko. Ang laki ng utang ko tuloy sa'yo." paliwanag niya. AY. "Ahhh ehhh wala yun, sus, that's what friends are for." sabi ko. At sa pangalawang pagkakataon frinend-zone ko yung sarili ko. "Nga pala, nabalitaan ko yung nangyari kay Ayra, sorry ha." sabi niya. "Naku huwag kang mag-alala, napakahaba ng kuwento. Magpahinga ka muna." sabi ko. "Nga pala Dustin, nalaman ko yung tungkol sa kuya mo..." dagdag ko. "Ah yun..." pause niya saglit. "Okay lang, masakit pero dapat kong tanggapin." sabi niya. "Sure ka bang natanggap mo na?" tanong ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "Ah wala, nga pala, nabasa ko yung—" sabi ko kaso naputol nang napansin kong may pumasok... Nurse pala. Kailangan lang daw niyang painumin ng gamot si Dustin at palitan yung dextrose. Kaya nagpaalam akong lumabas pero sabi ko naman babalik ako pag may time.
Welll, I have all the time for him, kaso, di ko pwedeng pabayaan si Ayra. Kailangan ko manghingi ng tulong... Kaso... Kanino?
"So ,pagkatapos ng lahat, eto ka nagpapatulong sa'kin?" sabi ng manyak. "Officer Ramon sige na please, kalimutan mo na yung nangyari, tulungan mo ako sa paghahanap kay Ayra." paki-usap ko. "Ano naman makukuha ko diyan?" tanong niya. At binatukan ko siya. "Ugok! Di ba nga pulis ka at trabaho mo yun! Pero sige... Pagnahap natin siya, bigyan kita ng isang kiss." sabi ko. "Wow ha, aanhin ko naman yung halik mo? Pero sige, tama ka, pulis nga pala ako." sabi niya. Hay salamat naman. "Pero ano gusto mo gawin ko?" tanong niya. "Hanapin mo yung kapatid ni Ivan... Si Yvonne Kurishima. Dalhin mo siya sa harap ko ng buhay." utos ko. "Wow ha ginawa mo pa akong mamamatay tao. At... Teka... Bat ko susundin yung utos mo eh sibilyan ka lang?" tanong niya. Ughh kainis, nakakapikon siya. Tinignan ko nalang yung mata niya at... "Oo sige na nga, gagawin ko na ma'am." sabi niya. "Good." sagot ko tas ngumiti.
Pagka-alis ni Ramon ay tumunog ang cellphone ko. "UNKNOWN NUMBER CALLING" Sino kaya toh? Baka si Ayra toh kaya sinagot ko. "Nicatrix." bati ng caller. "Uh hello? Sino toh?" tanong ko. "Si Dustin toh, pwede ba tayong magkita sa Dende's Foodhaus?" tanong ng caller. OMG SI DUSTIN FINALLY TUMAWAG. Dapat ba akong pumayag? ... Tinatanong pa ba yan. "Sure." sagot ko.
At sa ika-lima kong lakad sa araw na toh ay nakarating nga ako sa lugar na sinasabi ni Dustin. Teka... Bat ganun? Nakalabas na ba siya ng ospital?
"Ah oo, pinuwersa ko si Mama na payagan akong lumabas, ayoko kasi dun." sagot niya. Naka-upo na kami at naka-order na rin. Hay second date feels. "Gusto ko sanang tumulong sa paghahanap kay Ayra." sabi niya. "Naku salamat, pero kailangan mo pang magpahinga eh." sabi ko ng may pag-alala. Wow wife feels. "Naku sus, huwag mo na akong alalahanin. Okay na ako." sabi niya. Pwede bang sabihing araw-gabi ko siyang inaalala? :D
"May paraan ako kung pano siya mahahanap." sabi ni Dustin. "Sige nga..." sabi ko. "Sabihin na nating na ang kaharap mo'y isang Computer Master." sabi niya. "Hacker?" tanong ko. "Sabihin na nating... Oo." sagot niya. "At... Paano naman natin siya mahahanap kung ganun?" tanong ko. "May cellphone ba siyang dala?" tanong niya. "Dala niya yata yung iPhone niya." sagot ko. Ngumiti siya at sinabing,
"Good."
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...