~ NICA ~
"Siya yung rumisponde sa barilan na nangyari kina Ayra." rinig kong sabi ni Papa noong nakarating sa bahay. Nasa likuran lang pala namin siya papunta rito, di lang namin napansin. "Nag-imbestiga siya sa loob pero walang nakitang kahinahinala kaya lumabas at doon sa paligid chineck kong nandun pa ang suspek. At sa kasamaang palad, nandun pa nga. Binaril niya si officer Ramon kaya ngayon nasa ICU." dagdag ni Papa.
"Nako kawawa naman yung ugok." react ko. "Anong ibig mong sabihin Nicatrix?" tanong ni Mama. "Ah wala Ma, sabi ko kawawa naman yung superhero. Isasave sana niya yung mundo kaso lang tanga siya kaya nabaril." paliwanag ko. "Huwag niyo na pong pansinin si Nica, Tita." sabi ni Ayra. "Nga pala, okay lang ba kayong dalawa?" tanong ni Papa. "Sa kabutihang palad, maganda pa rin po kami." pabiro kong sagot. "Sige ho, pupunta muna kami si kwarto ni Nica. May pag-uusapan lang." excuse ni Ayra. "Sige, tatawagin ko kayo mamaya. Sabay tayong kakain." sabi ni Mama.
Pagpasok namin sa kwarto, agad ni lock ni Ayra yung pinto at binuksan yung laptop. "Best, sa tingin mo, bat niya kaya binaril si officer Ramon? Mas nakokonsensya ako na para bang kasalanan ko lahat ng toh." sabi ni Ayra. "OA mo Best, wala nga akong paki-alam sa manyak na yun. Pero sa tingin ko, binaril siya dahil... Oo nga noh, bat kaya?" sabi ko.
"Best change topic muna ako." sabi ko. "Namimiss mo ba si Krimson?" tanong ko. "Ano bang klaseng tanong yan? Syempre, minahal ko kaya siya." sagot ni Ayra. "Kahit sa konting pagkakataon, napakita niya sa'king mahalaga ako sa kanya at sana naman ako din sa kanya." dagdag niya. "Ako kaya Best, paano ko kaya mapapakita kay Dustin na mahal ko siya?" tanong ko. "Ayan ka na naman sa pagka overly-attached mo sa kanya." sagot ni Ayra. "Pero Best, napansin ko lang, ang ganda ng pangalan ng kuya ni babe noh, Krimson. Ano ba ibig sabihin nun?" tanong ko.
"Krimson, galing sa English word na Crimson, o ibig sabihin may pagkakulay ng pula. Parang deep red ba kung baga." sagot niya. "Ahh ganun ba, so kung nabigyan ng pagkakataon red yung magiging motif ng kasal niyo? Ayeee." asar ko. "Aaa ewan, baka orange? O di kaya yellow?" sagot ni Ayra. "Hahaha anong kasal yun? Rainbow motif?" tanong ko. "Bakit, bawal? Ganda kaya nun tignan kaso lang..." sabi ni Ayra. "Kaso ano?" tanong ko.
"Kaso kapag nakakita ako ng bahaghari, si Ivan naalala ko." sagot ni Ayra.
"Favorite scenery kasi niya yan eh. Noong nag-confess siya sa kin, naalala ko pa may bahaghari non. Tas yung unang date namin, nagkabahaghari din. Ewan ko kung coincidence ba o sadyang tinatsamba niya." dagdag niya.
"So yung pag-ibig niya sa'yo yung tipong di niya ibibigay ang mga bituin kundi hahabulin niya yung bahaghari para mapasaya ka lang." sabi ko. "Lalim nun ha. Ano ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Di ba most boys will catch the stars pero siya, he'll chase rainbows just to make you happy." sabi ko.
"Baka nga?" sabi ni Ayra. "Paano kaya niya ibibigay yung rainbow? Hahaha." biro ni Ayra.
Paano kaya? Baka seryoso tong si Ivan kaya — ! Teka, lumabas ang pinakamalaking at pinakamasilaw na lightbulb sa ulo ko.
"Best... Parang gets ko na yung nangyayari." sabi ko ng kalma.
"Di ba yung pangalan ni Krimson galing sa kulay na red?" tanong ko. "O tapos?" tanong ni Ayra. "Tas yung suot ni Krista sa party mo orange?" dagdag ko. "Then?" tanong niya. "Tas, ewan. Anong sunod na krimen ba nangyari sa'yo?" tanong ko. "Aha! Alam ko na. Yung babaeng nasaksak sa labas ng mall, may bitbit siya na Dandelion flowers, kulay yellow yun." sabi niya. "Ehh asan yung green? Maybe this makes no sense. Para coincidence lang." dagdag niya. "Yung green ba ka mo? Eh yung sinira yung bahay mo ano ba pinanonood natin?" tanong ko. "Arrow." sagot niya. "Tas ano ang kulay ni Arrow?" tanong ko. "Uh oh. Green nga." sagot niya. "And lastly, ano ang suot ni officer Ramon noong binaril siya?" tanong ko. "Di ba't blue?" sabi ko para makita yung punto.
"Wow. Ang lalim ng misteryo na toh. So what's next?" sabi ni Ayra. "Indigo di ba?" sabi ko. "Indigo? Eh san naman tayo makakakita ng Indi—... Sa Indigo Coffee Shop!" sabi niya.
"Tara puntahan natin!" aya ni Ayra. "Huwag delikado! At kahit na ireport natin toh sa pulis, di nila paniniwalaan tong suspetsya natin. Para kasi tayong batang naglalaro lang." sabi ko. "So ano gagawin natin?" tanong ko. Sagot niya naman,
"May plano ako para sa huling dalawang krimen na gagawin niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/58788760-288-k861812.jpg)
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...