~ NICA ~
Heto kami ni Ayra, maagang maagang gising — papuntang school. Kinakabahan kami kung ano na mangyayari sa mga grades namin. "Baka pagtawanan tayo ng mga blockmates natin Best kasi magiging janitor tayo o di kaya drug pusher nalang." alala ni Ayra. "Grabe ka, baka pagchichismisan lang tayo tapos yun lang." sabi ko. "Pagchichismisan tas ibabalita sa ibang section tas malalaman ng buong campus tas malalaman ng buong Pilipinas. Nako sirang sira na ang pangngalan natin Best." sabi naman ni Ayra. "Alam mo Best, namiss ko rin yung pagiging ganyan mo." sabi ko.
Nakarating na kami sa gate ng campus, papasok, may bigla akong naalala. "Best nakalimutan ko dalhin yung ID ko." sabi ko kay Ayra. "Nako naman, for the record di ko na mabilang pang-ilang limot mo na yan ha." sabi niya. "Baka bukas makalimutan mo na ako." dagdag niya. "Kasalanan ko ba na hindi tayo nakapasok ng dalawang linggo? Hindi naman tayo nagdala ng ID sa crime scenes eh." excuse ko. "Nako, paano na yan, babalik ka sa bahay niyo?" tanong niya. "Hindi na, ako nalang bahala." sabi ko.
Pagpasok, hinarangan nga ako ng guard sabay tanong kung asan daw yung ID ko. Excuse ko naman, nako Kuya, di mo ba nabalitaan yung mga kidnappan at barilan na nangyari dito sa syudad? Isa po ako sa mga biktima. Alam niyo po, ilang beses na akong nakakita ng balang lumabas sa baril; ilang beses na rin po akong nakakita ng patay na katawan; tsaka namatayan po ako ng kaibigan kuya. Kaya sa tingin niyo, maaalala ko pang magdala ng ID?" "Ah ganun ba, ikaw pala yan Nicatrix tsaka Ayra, nako kawawa naman kayo, sige pasok na, baka malate pa kayo." sabi ng guard.
"Wow in fairness Bestie tumpak yung drama mo. Pero maliban kay Detective Edward na hindi mo kaibigan, sino bang tinutukoy mong namatay?" tanong ni Ayra. "Nako, gawa gawa ko lang yun." sabi ko. "Pero Best, parang tama yung iniisip mo, kilala ako ng guard, tas yung mga tao nagtitinginan sa'tin." dagdag ko. "Ibig sabihin... KILALA TAYO NG BUONG CAMPUS!?" sabi naman ni Ayra. "Parang ganun na yata. Nakooo instant fame YES! Sikat na ako! Marami ng hahabul sa'kin para magpapicture. Nako, nako, Bestie, maganda ba ako?" react ko. At binatukan niya ako, "Ugok! Pero tama ka, sure akong nasa balita tayo lagi kaya alam nila kung sino tayo. Sa dami dami pa namang krimen nasalihan natin." sabi ni Ayra.
Papunta sa room, may isang lalaki kaming nakasalubong. Medyo nerdy siya at mas bata sa'min. Naka eyeglasses tsaka braces. "Ate, kayo po ba yung tinutukoy nilang Ayra and Nica?" tanong niya. "Uhm... Oo?" sagot ni Ayra. "Pero correction, Nica and Ayra, mas una yung pangngalan ko." sabi ko. "Pwede po bang pa picture? Ipangthethesis ko po." tanong ng bata. "Teka, ang bata bata mo pa para magthesis ah." sabi ko. "Ah hindi po, graduating na po ako." sagot niya. "Huh, pero bat mo kami tinawag na ate?" tanong ni Ayra. "Mukha po kasi kayong mas matanda sa'kin, kaya ayun." sagot niya. Sarap batukan ng batang toh, baby faced pa kaya ako. "Sige na Best, payag na tayo, sus picture lang naman eh." sabi ko. Tas ayun nga, nagpalitrato siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, at tama nga, andaming nagpalitrato. Instant fame. Pero nakakainis ah, it took us 15 minutes para lang makapunta sa room dahil sa dami ng nagpapalitrato. Ginawa na yata kaming isa sa mga Filipino heroes. Pati nga sa mismong classroom namin pinagkaguluhan kami. Nagkamustahan at nagkaasaran. Namiss ko rin toh in fairness.
"Oy Harry! Anong ganap dito sa school?" tanong ko sa seatmate ko. "Ayun, galit pa rin si Prof dahil sa pagkahack ng system pero na recover naman yung data, wala dawng nawala." balita ni Harry. "Ah okay, mabuti naman pala, e ngayon, anong ganap sa subject na ito?" tanong ko. "Kung ako sa inyo, di na ako pumasok today. Schedule kasi ngayon para sa isang long test." sagot ni Harry. DIYOS KO PO. SABI NA NGA BA BAD DAY.
Pumasok si Prof at hinanda ang test papers na naglalaman ng mga questions na wala talaga akong alam. "Ms. Dimanakawan and Ms. Villion, you are excused for the test. See me later para maka catch up kayo sa mga lessons. Excused kasi kayo for the last two weeks." balita ni Prof. Di ko napigilan ang sarili at tumalon ako't sumigaw "YES!"
At dahil excused kami sa test today, minabutan na naming lumabas sa klase. "Best, sana hindi nalang tayo lumabas, pagkakaguluhan lang kasi tayo dito." sabi ni Ayra. "Ano ka ba, that's the point. The more tayo lumabas, the more tayong sisikat." correction ko sa kanya. "Pero asan na yung mga magpapapicture?" tanong ko nang napansin kong wala ng lumalapit. "Tignan mo sa canteen oh, madaming tao. Parang may pinagkakaguluhan." sabi ni Ayra sabay turo sa canteen. "Tara puntahan natin." aya ko.
Sa canteen, dahil ako na ang campus queen, inexcuse ko lahat ng mga taong nagkikigulo at pinuntahan ang pinagkakaguluhan.
"Dustin!" sigaw ni Ayra sa tonong gulat na gulat. What!? Bat nandito siya? Okay lang kaya siya? Wala kayang masakit sa kanya? Ah di bali na... ... ... patalon akong pumunta sa kanya para yakapin siya. "Dustin!!! Magaling ka na pala!" sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya. "Hoy! Bat mo niyayakap ang Dustin namin?" sabi ng isang babae sa gilid ko na itsurang malandi. "Oo nga, wala kang karapatan!" sabi naman ng isang babaeng mas malandi pa ang itsura kaysa sa na una. Ano daw!? Bat nila ako inaaway? At... At bat nila inaangkin ang Dustin ko? "Dustin oh, inaaway nila ako." pabebe kong sabi. At binatukan ako sa likod. "Aray!" sabi ko. "Bestie, kumawala ka nga diyan, laswa mo tignan." sabi ni Ayra na siya palang bumatok sa'kin.
"Magaling ka na pala Dustin?" tanong ni Ayra. "Medyo. Kailangan ko kasing bumalik sa school asap eh, ang daming kong na miss." sagot ni Dustin. "Isa na ba ako dun sa mga na miss mo Dustin?" tanong ng isa pang babaeng malandi-looking. Nakakainis sila!!! Ugh!!! "Sige mauna na ako sa inyo, parang late na kasi ako sa class ko. See you around guys!" paalam niya.
"Bestie, take your crush as an example. Tignan mo siya oh, kahit binaril na inisip pa rin ang pag-aaral." sabi ni Ayra. "Sige na nga, mag-aaral na akong mabuti." sagot ko.
Aawayin ko pa sana yung mga malalanding babae dito kaso may nagtext.
"Dustin <3: Nga pala Nica, nakalimutan kong itanong sa'yo kanina kasi nagmamadali ako. Pwede ka bang ma-invite for lunch mamaya?"
OHHHH MYYYY GOOOOOOOSH
Talon talon ako sa tuwa at binalita ko kay Ayra na di naman naniwala. Kaya pinakita ko sa kanya ang text at dun feel ko naging masaya siya para sa'kin.
Di ako pakapaghintay for lunch time woooooooooo!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/58788760-288-k861812.jpg)
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...