15 - Kwento Ni Ms. Pessimistic

3.2K 99 2
                                    

~ NICA ~

"Pa, may babae pong sinaksak dito sa labas ng Halaka Mall, sa tapat ng Lavender Coffee Shop." report ko kay Papa. "Sige anak, irereport ko, baka may naka ronda diyan na pulis. Sa ngayon, tawagin niyo muna yung security." sabi ni Papa. "Sige po, bye." sabi ko.

"Ayra, huy, bat ka naka tunganga diyan? Tara na." tawag ko kay Best. "Huy, Best." tawag ko ulit hanggang sa napansin niya ako. Nabigla ako nang niyakap niya ako at para bang takot na takot. "Best... anong nangyari sa 'yo?" alala ko. "Wala, kailangan ko lang ng yakap. Para kasing may nakita akong nightmare." sagot niya. "Nightmare? Sa umaga? Ano...? Di kita gets." sabi ko. Binitawan niya yung yakap at nagsabing, "Wala yun. Wag mo ng isipin. Tara balik na tayo sa bahay. Parang mas safe dun." sagot niya.

At yun nga, papauwi na sana kami ng nakita naming patakbo yung ugok na police officer. "Officer Ramon!" tawag ko. "Uy! Trix, Ayra. Kamusta?" tanong niya. "Anong kamusta? Kita mo nga di ba may nasaksak, eh alangan namang masaya kami, siyempre takot." sagot ko. "Okay lang kami Officer, salamat sa pag-aalala pero mas mabuti ng mamaya na tayo magkamustahan at unahin mo yung krimen kasi baka massacre na yung nangyari dun at di magtatagal bababa na ang populasyon ng Pilipinas." sagot naman ni Best. "Sige, sige, sa susunod nalang. Bye guys!" paalam niya.

Anong 'bye guys'? FC lang? Eh once pa lang namin siya nakita 'guys' na agad yung tawag? Para siyang ewan. Ewan ko din sa sarili ko bakit ganun pagtrato ko kay officer hehehehe nakaka-inis lang kasi yung pagsnob niya sa'kin the other day.

Sa pag-uwi namin ni Ayra sa kanila, kinulit at kinulit ko siya kung bakit bigla niya akong niyakap kanina pero di niya talaga ako sinasagot ng maayos.

"Ano ka ba, wala nga. Nga pala, may nakita kang kakaiba sa YouTube channel ni Dustin?" tanong niya. "Eto na, ioopen ko na, timing naman bumalik na yung internet sa inyo." sagot ko.

Hmm... Let me see... 7 videos uploaded:

May video ng wildlife conservation na parang project niya yata sa school...
Isang video ng anti-malnutrition campaign na parang sinalihan niya yata noong Nutrition month...
May tatlong song covers na nakaka-in love...
May video ng isang balita tungkol sa pagkamatay ng isang lalaki...

"Teka best, tungkol san ba yung balita? Iplay mo nga." sabi ni Ayra.

"Teka lang po mga kaibigan, may breaking news tayo," sabi ng news anchor. "Isang lalaki ang sinasabing binaril ng isang di pa nakikilalang suspek. Ayon sa pulisya, pag-ibig daw ang sanhi kung bakit nangyari ang krimen. Nakatutuk si Kiko Debilensia." dagdag ng news anchor.

"Teka?" taka ni Ayra.

"Isang lalaking binaril dahil sa pag-ibig, 'yan ang krimen na bumabalot sa buong Quota Street. Ang biktima ay nakilala sa pangngalang Krimson Rodriguez, isang estudyante ng nursing sa Students' University na binaril gamit ang calibre 45 mga kani-kanina lang..." sabi ng reporter.

"Best..." sabi ko kay Ayra noong napansin kong pamilyar yung balita. "Bat... Bat may kopya o... Bat inupload na yan...?" laking gulat ni Ayra.

Sa di maintindihan na pangyayari, para bang ilang minuto kaming nakatunganga at tahimik sa pagkarinig ulit ng balita. Oo 'ulit'. Ang balita kasing ito ay napanuod namin ilang buwan ng nakakaraan — ang balita tungkol sa pagkamatay ni Krimson Rodriguez.

Sino nga ba si Krimson Rodriguez sa buhay namin? Well, sa kin, he's just an acquaintance na kung pelikula ang buhay ko, cameo lang yung role niya. Pero sa buhay ni Ayra? Siya ang prinsipe na namatay sa pakikipaglaban; isang hayop na namatay dahil sa paghahanap ng tubig; o di kaya'y multo na di nabibigyan ng kapayapaan. In short, malaki ang papel ni Krimson sa buhay ng bestfriend ko. Siya kasi yung boyfriend ni Ayra na sa kasamaang palad ay nabalitaan nalang niyang pinatay.

Martes yun ng gabi, mga alas 8, na hinatid ni Krimson si Ayra sa kanila. Pag-uwi na pag-uwi ni Ayra ay agad siyang tumawag sakin. Kinuwento niya ang nangyaring napakaganda — after a year of courting, sinagot na niya si Krimson. Kilig na kilig kaming nakipagtelebabad sa telepono hanggang sa sabay naming napanoud sa TV ang nangyari - pinatay si Krimson.

Kahit hindi pa umabot ng isang buong araw ang relationship nila, sure akong mahal na mahal ni Ayra sa Krimson. Isang taon silang nagligawan at nagmahalan; di biro ang sinapit ng bestfriend ko kaya ilang araw na walang tigil siyang umiyak, akala na nga namin ma-oospital dahil ayaw niya kumain, pero mabuti naman makalipas ang isang buwan ay medyo nakalimutan na niya ang nangyari. Ni hindi nga kami pumunta sa burol dahil ayaw ni Ayra. Di namin nakita ang patay na katawan ni Krimson, at di rin nakapagpakiramay sa pamilya nito.

At yun, pagkatapos ng nangyari, naging pessimistic na si Bestie sa mga bagay-bagay

"Best..." tawag ni Ayra. "Ano nga apilyedo ni Dustin?" tanong niya na para bang may puntong nakukuha. "Rodriguez." sagot ko. "Teka, hindi kaya kapatid niya yung!!! Yung!!! Yung si Krimson!?" sabi ko nong nagets ko yung na-isip niya.

Tumahimik siya, nag-isip, at nagtanong:

"Hindi kaya, kuya ng crush mo yung ex ko?"

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon