~ IVAN ~
Si Ayra. Kilala pala ng bubwit na ito ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng handa ko isuko ang lahat para lang makuha ko siya. Siya yung tipong kaya akong mapasaya kahit anong problema. Kaso... Kaso lang, sa dami dami na ng naibigay ko at ginawa ko, hindi pa rin ako ang pinili niya. Yung hampas lupang si Krimson pa rin. Ano ba meron sa kanya at mas pinili niya yung taong yun kesa sa kin?
Naalala ko yung araw na ipinanganak si Yvonne. Sabi ni Daddy sa kin, mahalin ko raw ang kapatid ko dahil dadating ang araw na kaming dalawa nalang ang magtutulungan sa buhay. I kept my promise naman. Hanggang ngayon, pinapa-aral ko pa rin sa college si Yvonne. Alam kong takang taka na siya sa nangyayari sa kin, pero dahil mahal ko siya, mas mabuti ng di niya malaman ang dahilan ko at baka magaya pa niya ako.
Fifteen years old ako noong naghiwalay si Daddy at Mommy, si Yvonne naman, 11. Nahirapan kaming mag-adjust noon. Sumama kami kay Mommy, at si Daddy naman nagpunta ng Canada para dun na manirahan. Wala na akong balita kay Daddy dahil mula noon, ayaw ko na siyang makita o maka-usap man lang. Tanging si Yvonne lang ang nakiki-Skype sa kanya.
After 4 years namatay si Mommy dahil sa sakit sa puso at nagkaroon din ng psychological disorder. I blame Daddy for this. Kaya ayaw na ayaw ko siya.
After a year, graduating na ako sa college taking BS Criminology sa Student's University. Nakapag-aral kami through scholarship. At dito, may nakilala akong babaeng nagkapagbighani sa puso ko.
Yung tipong first time mo palang siyang nakita pero nahulog agad ang puso mo.
Love at first sight kung tawagin.
Nakipagkilala ako sa kanya at naging mabuting magkaibigan naman kami. Hanggang sa isang araw, di ko na kayang itago sa kanya ang feelings ko kaya ayun, nag confess ako.
Kapag nagconfess ka pala sa crush mo, parang manhid ang buong katawan mo. Di mo alam anong sasabihin at ang dami mong mararamdaman. Kaba. Takot. Saya. Pero ang pinakamasarap - kilig.
Noong una, ayaw niyang maniwala. Di daw kasi niya iniexpect na may gwapo at matalinong tao ang ma-iinlove sa katulad niya. Bat niya sinabing matalino? Eh isa kasi nasa Dean's List kasi ako palagi. Pero tama pala sila,
Sa pag-ibig, walang matalino dahil minsan kasi hindi tugma yung gusto ng puso mo, sa naiisip ng utak mo.
Pero di ako sumuko kay Ayra, niligawan ko panga siya ng halos isang taon. Nawala ang pait at lungkot sa buhay ko nang makilala ko siya. Halos kompleto ang araw ko kung makikita ko lang siya. Ayaw niya kasing magpahatid sa kanila at inulit-ulit niya akong sinabihan na "tama na." Hindi ako nasaktan sa sinabi niya dahil alam kong isang araw ay magiging akin din siya.
Isang araw, nagplano ako sorpresahin siya. Naghanda ako ng chocolates, teddy bear, roses na iba-ibang kulay, ROYGBIV, galing pa sa malayong lugar tsaka letter para itodo na ang panliligaw. Dala-dala ko na lahat; plano ko kasi sa labas ng school gawin kaya hinintay ko siya ng maigi.
Pero nagunaw ang mundo ko noong nakita ko siyang lumabas ng campus at may ka holding hands na lalaki – si Krimson.
Nalaman ko nalang na boyfriend na niya ito. Kaya pala pinatitigil niya ako sa panliligaw sa kanya dahil may mahal siyang iba.
Saklap.
Sa sobrang selos at galit ko, nauwi ang lahat ng sorpresa ko sa basurahan, maliban lang sa pitong rosas. Dinala ko ito, kahit sa bar.
Uminom ako ng uminom hanggang sa nawala na ako sa sarili at bigla kong naisipan maghiganti... Sa pamamagitan ng pagpatay.
Nalaman ko sa Facebook ni Krimson kung saan siya nakatira kaya agad ko siya inabangan. Dala dala ko ang pistol ni Daddy na may silencer.
Pagkakita ko kay Dustin, agad akong nagtago. Kitang kita ko sa mukha ng mokong ang saya.
Ang saya na dapit sa'kin napunta.
With no second thoughts, binaril ko siya at agad tumakbo palayo.
Ilang araw din akong nalungkot sa nangyari - hindi kay Krimson, kun'di sa nangyari sa'min ni Ayra. Triny ko siyang icomfort noong pumunta ako sa bahay nila, kaso di ako pinapasok ng sinasabing bestfriend niya. Wala silang hiya.
Kaya nag give time and distance ako sa kanya para makapag move-on
Give acceleration nga, sabi ng mga nerds.
Kaya eto ako ngayon, makalipas ang ilang buwan ay bumalik para kay Ayra, pero wala pa rin, sa tingin ko di pa siya nakakamove on. Kitang kita ko kasi sa mukha niya.
Kani-kanina lang ay nakita ko siya ulit, at sa tingin ko'y nakita niya rin ako. Kahit gusto ko, hindi ko na siya nilapitan pa. Hindi ako handang humarap sa kanya.
Gusto ko kasi maghiganti sa mga nagawa niyang sakit at hirap sa'kin. Kaya heto ako ngayon, nagpapahirap sa buhay niya. Pinatrautrauma siya at pina-iiyak sa paraang di niya alam na ako ang gumagawa.
Sa kwarto ko, nandito ang pitong rosas na ibibigay ko sana sa kanya. Patay na lahat ng rosas na ito pero friname ko. Bakit? Gusto ko pa rin kasing ibigay sa kanya.
Katulad ng mga rosas na ito, unti-unti ko siyang papatayin na hindi man lang niya napapansin.
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...