Chapter 1

31K 597 6
                                    

NAIINIS na umuwi si Aslea Dennisse sa bahay nila habang bumubulong-bulong itong pumasok sa loob ng mansyon nila. Ang ina niyang si Weng ang una niyang nabungaran ng marating niya ang malaking sala na nagbabasa ng magazine.

"Langya ang professor na yun, humanda siya. Dahil boatlagin ko talaga yun bukas. Ang arte, akala mo kung sinung makabigay ng assignment kailangan pa talagang e-research sa aklat samantalang madali lang sa internet. Tangna niya." Kausap nito ang sarili.

"Oh! Princess, bakit hindi maipinta yang mukha mo. What's wrong?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina.

"Eh! Kasi Mom, ang siraulo kung professor sa chemistry ay binigyan niya kami ng assignment. At kailangan namin e-research pero hindi sa internet kundi sa book." Ang nakasimangot niyang sumbong sa ina.

"Oh! Yun lang naman pala, di humiram ka lang ng book sa library." Anang ina nito.

"Mom, tinatamad ako pumunta sa library. Dahil nakakapagod umakyat sa 3rd Floor. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang doon ilagay ang library, siguro baliktad ang mga utak nila." Sagot nito sa ina sabay upo nito sa tabi ng ginang.

Nailing naman ang ina sa tinuran niya. "Don't say that baby, dahil pinagdaanan rin namin yan noon. At ang library na yun ang naging daan kung saan ang daddy mo ngayon. Dahil kung hindi sa mga librong nandoon ay baka walang natutunan ang mga studyante sa pag-aaral nila. Be patient sa pag-aaral." Anito kay Aslea Dennisse na biglang nangalumbaba.

"Whatever, Mom. Basta for me, mas mabilis magresearch sa internet." Giit nito. "Meron mga bagay na hindi mo matatagpuan o makikita sa internet. Kaya wag kang umasa na lang sa internet. Sometimes you need to used book for more knowledge." Giit rin ng kanyang ina na kinatulis ng nguso ni Aslea Dennisse.

"Fine. You win, Mom." Pagsuko niya sa ina.

Natawa naman sa kanya ang ina. "Ikaw talagang bata ka," iiling-iling na anang ginang. "Oh! Siya magpalit kana muna ng damit mo at ipapahanda ko ang miryenda mo. At sa library kana lang ng daddy mo maghanap ng libro para sa assignment mo, baka may aklat siyang naitago doon." Ang nakangiting ani Weng sa anak sabay tiklop niya ng hawak na magazine.

"Mom, mamaya muna lang po ipahanda ang miryenda. Dahil iidlip muna ako, I feel little bet tired today." Anito sa ina. "Okay! Sige baby." Agad naman siyang tumayo at umakyat patungo sa kanyang silid.

KINAGABIHAN ay pumasok si Aslea Dennisse sa mini library ng kanyang ama, ngunit nahalungkat na nito ang buong silid aklatan ng ama ay wala parin itong mahanap na aklat. At dahil sa inis niya ay bigla niyang tinabig ang isang aklat at dito nahulog ang isang larawan na nakaipit sa pikalumang aklat ng ama na naroon.

"What is this. AMBERS CLAN. What that mean?" Tanong nito habang tinitingnan niya ang picture na nalaglag mula sa libro.

At dahil walang makakasagot sa tanong niya ay agad niya itong kinuha at lumabas ng library. Pinuntahan niya ang kwarto ng mga magulang dahil alam niyang doon masasagot ang namumuong katanungan sa isip niya. Pagdating niya sa labas ng pinto ay bahagya siyang kumatok bago niya pinihit ang seradura papasok. Pagkabukas niya ng pinto ay agad niyang nakita ang amang nakasandal sa headbord ng kama habang nagbabasa ito ng libro.

"Hey, Dad. Can I come in?" Ang nakangiti nitong aniya sa ama.

"Yes. Princess, come here." Sagot ng ama bago niya itinabi ang binabasa. Mabilis namang pumasok sa loob si Aslea Dennisse at sumampa sa kama bago tumabi sa kanyang ama.

"May kailangan ba ang aking Prinsesa?" Tanong ng ginoo sa anak.

"Mm-mm. Dad, what is this?" Anito sabay pakita niya sa ama ang larawang nakita niya sa library. Maya't maya ay pumasok rin ang ina nitong kinatingin nila dito ng kanyang ama.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon