Chapter 14

11.1K 412 1
                                    

PALABAS si Yugene sa mansyon ng lolo niya ng matanaw niya ang isang babae na tumatakbo. Hinahabol ito ng dalawang aso. Agad naman niya itong sinalubong upang tulungan, ngunit ng makalapit ang babae sa kanya ay mabilis siya nitong hinila. At dahil nakahawak ang babae sa kamay niya ay napatakbo rin siya kasama nito. Sa kanilang pagtakbo ay hindi nila napansin na patungo na pala sila sa isang bangin.

Dahil hindi sila tinantanan sa paghabol ng aso ay bigla silang nahulog sa bangin. Sa takot naman ni AD ay bigla siyang napatili. Nang marinig ni Yugene ang boses ng kasama ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.

Panay ang tili ni AD dahil sa takot hanggang makarating sila sa baba ng bangin. Nang maramdaman ng dalagang tumigil siya sa pagdausdos ay bigla niyang pinakiramdaman ang paligid. Bigla itong nagtaka ng maramdamang meron nakayakap sa kanya.

"Are you okay? Meron ba masakit sayo?" Bigla itong napabalikwas ng mapagsino ang nagsalita. Napangiwi naman siya ng makaramdam siya ng kirot mula sa kanyang binti.

"Y-yugene, b-bakit ka nandito?"

Napakamot naman ng ulo ang binata. "Bakit ako nandito?" Tanong nito sabay turo sa sarili. Tumango naman si AD. "Um. Kung ikaw kaya ang hilain ng babaeng galit sayo at isama sa pagtalon sa bangin. Sa tingin mo sasabit lang ako dyan sa kakahoyan o magpapatangay narin dito para samahan siya dito." Pilosopo nitong sagot sa dalaga.

Bigla namang nagkulay kamatis ang mukha ni AD dahil sa hiya. Kaya agad itong nagtangkang tumayo. Ngunit bigla rin itong napaupo dahil sa sumigid na naman ang kirot sa binti niya. Nag-alala naman ang binata dito kaya agad niyang hinawakan ang binti ni AD.

Nagtaka naman ang dalaga ng makita nitong sinira ni Yugene ang suot na damit. Agad na tinapalan ng binata ang binti ni AD ng makapa nito ang malapot na bagay. Alam ng binata na nasugatan ang binti ni AD. Kaya agad siyang kumuha ng maliit na kapiraso sa damit niya at ginawang pantapal sa sugat nito.

"You can't walk, may sugat ang binti mo kaya magstay kana lang muna dito. At maghahanap ako ng madadaanan natin pabalik ng hacienda." Ani Yugene sabay tayo nito.

"Y-yugene, ayaw kung maiwan mag-isa dito. Please I'm coming with you." Nakaramdam ng takot si AD ng sabihin ng binata na aalis ito upang maghanap ng daan palabas ng gubat kung saan sila.

Napailing naman ang binata. "Okay!" Sabay hinga nito ng malalim. "Come on, ride on my back." Utos nito sa dalaga. "Maglalakad na lang ako." Mabilis na ani AD sabay tayo niya.

"I told you. You can't walk. Gusto mo bang lumala ang sugat sa binti mo?" May kataasang boses na ani Yugene.  Kaya kagat labi namang yumuko ang dalaga dahil sa tinuran ng binata.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang magtaas ng boses sayo." Ani Yugene sabay angat niya sa mukha ni AD. Tumango naman ito. At ng bahagyang yumuko si Yugene sa harapan niya ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likod nito.

Habang naghahanap sila ng daan ay ibat-ibat huni naman ng ibong ang naririnig ni AD sa paligid. Kaya dahil sa takot ng dalaga ay napahigpit ang kapit nito sa binata na kinangiti ng isa.

"Y-yugen."

"Hmmp?"

"Anong huni yang naririnig ko? Malaking ibon ba o ano?" Tanong nito sa binata. Nakaisip naman ng kalukohan si Yugene sa tanong ng dalaga.

"I think it's not a bird. Maybe----

Sinadyang ibitin ng binata ang sinasabi nito. Napahigpit naman ang kapit ni AD sa binata. "Yugene! Maybe what?"  Takot nitong pagtatanong.

"B-baka ano. You know Wak-wak?" Sagot ni Yugene dito. Sa takot ni AD ay idiniin na niya ang mukha sa batok ng binata. Pangiti-ngiti naman si Yugene habang naglalakad.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon