KINABUKASAN ay maagang nagising si Yugene at halos magkasabay lang silang lumabas ng kwarto ni Alex. Napakamot ito ng batok dahil nakita siya ng kaibigan na kalalabas lang sa kwarto ni AD.
"Morning bro." Anito sa kaibigan.
"Morning too bro, tara sa baba ng makapagkape tayo." Aya ni Alex kay Yugene. "Okay! bro." Sabay hakbang nito ng mga paa. Nararamdaman ni Alex ang pagkailang ng kaibigan kaya bahagya niya itong tinapik sa balikat.
"It's okay na natutulog ka kasama ang kapatid ko bro, may tiwala naman ako sa'yo. At alam ko kung gaano mo siya kamahal. I know how you respect her. Kaya nagpapasalamat ako at ikaw ang minahal niya at nagmahal sa kanya. Pagpasensyahan mo na lang kung minsan napaka childish niya." Ani Alex sa kaibigan na seryoso ang mukha.
"Thanks bro, I love her no matter what she is. Hindi ko nga alam kung paano ko natagalan ang lahat makita ko lang siya at mayakap ay kuntento na ako bro." Ang natatawang saad nito na agad nahulaan ni Alex ang gusto nitong ipahiwatig.
"Sadyang ganun siguro bro, kung mahal talaga natin ang isang tao. Kahit imposeble ay nagagawa natin at magagawa." Saad ni Alex na natatawa rin habang pababa sila ng hagdan.
"Tito papa." Anang boses na nagpalingon sa dalawang binata na pababa ng hagdan.
"Hey! Buddy, come here." Ani Alex sabay salubong nito sa pamangkin na agad tumakbo patungo sa kanila. Agad naman itong binuhat ni Alex.
"Hey! little boy." Ani Yugene sabay gulo nito ng buhok ng anak ni Axel.
"Tito Daddy, big boy na po ako." Ang nabubulol nitong turan kay Yugene na kinangiti ng dalawa.
"Manang, pakidalhan po kami ng kape sa garden." Ani Alex sa kasambahay nilang nakasalubong nila. Agad silang nagtungo sa garden kung saan ang basketball court. Tuwing umaga ay doon sila naglalaro ni Axel kung gusto nilang magpainit ng katawan. Agad na ibinaba ni Alex ang anak ni Axel na agad tumakbo at kinuha nito ang bolang naroon.
"Ang aga mong mangapitbahay Belmonte." Anang bagong dating na si Austin.
Tinawanan naman ito ni Yugene. "Tito tito, laro tayo basketball." Anang pamangkin nila sabay abot nito ng bola. "Give me five first buddy." Ani Austin na sinunod naman ng bata.
"Daddy, laro kami." Sumbong ni AJ ng makita nito ang kanyang ama. Agad naman itong binuhat ni Axel ng tuloyan itong makalapit sa kanila. Kaya ang magkakaibigan ay nauwi sa paglalaro ng basketball. At paano nila pagpasahan ang bola ay ganun din nila kung pagpasahan si AJ para mashot nito ang bola.
Makalipas ang halos isang oras nilang paglalaro ng basketball ng tawagin sila ni Weng. "Oh! Tama na yang paglalaro niyo ng basketball." Awat ng ginang sa mga ito. Agad naman tumalima ang mga ito.
"Hala, maligo na muna kayo at ng makapag agahan na." Utos ni Weng sa mga ito ng makalapit sila sa ginang.
"Sa bahay na po ako maliligo tita, kunin ko lang po ang gamit ko sa taas." Ani Yugene. "Naku! Hijo, maligo kana sa taas, kunin mo ang damit mo sa kwarto ni AD. Ang mga damit mo noon sa hospital ay dinala ko dito sa bahay at pinalabhan ko sa kanila." Anang ginang. "At isa pa, may pinahanda ako para sa'yo." Dagdag pa nito. "Hala sige na umakyat na kayo sa taas ng makaligo kayo." Pagtataboy ni Weng sa mga ito.
"Eh! Ako tita?" Ang natatawang tanong ni Austin kay Weng. "Isa ka pang bata ka, nasa guest room ang mga damit mo. Hanapin muna lang doon." Anitong natatawa.
"Okay! po tita." Ani Austin sabay halik nito sa noo ng tita Weng niya na napailing naman. Agad na umakyat ang mga ito sa 2nd floor ng mansyon kung saan ang mga kwarto nila.
Agad na pumasok si Yugene sa kwarto ni AD. At ng makapasok siya sa loob ay nakita nitong tulog parin ang nobya. Kaya nagpasya itong maupo sa tabi ng natutulog na dalaga sabay haplos nito ng mukha ni AD. Naramdaman naman ng dalaga ang paghaplos ni Yugene sa kanya kaya dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
General FictionPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...