Chapter 18

11.1K 352 5
                                    

LUMIPAS ang mga araw at pilit umaaktong normal si AD. At palihim nitong iniinom ang mga gamot na kaylangan niyang imaintain araw-araw. Maingat siya sa bawat galaw niya kapag meon nakakakita sa kanya. At ang mga dapat niyang iwasan ay lagi nitong tinatandaan upang wag siyang magkamali.

Habang nakayuko si AD sa kanyang opisina ay hindi nito napansin ang nobyong si Yugene na pumasok. Napaangat lang ang mukha niya ng ilapag ng binata ng dahan-dahan ang dala nitong bulaklak sa ibabaw ng mesa niya.

"Honey, ikaw pala?" Nakangiti nitong saad sa binata sabay tayo nito at agad na yumakap kay Yugene.

"Masyado ka atang busy?" Ani Yugene sabay abot nito sa labi ni AD. "Um. Medyo, tinatapos ko kasi ang mga papers na kailangan kung permahan." Nakangiti nitong sagot.

"Okay! But now leave that first, dahil nagtake out ako ng food for us." Ani Yugene sabay akay nito kay AD sa mesang sinadyang ipalagay ng dalaga sa loob ng sa opisina niya.

Ng ilabas ni Yugene ang pagkaing dala niya ay nakahinga ng maluwag si AD. Lihim siyang napausal ng dasal bilang pasasalamat dahil ang pagkaing dala ni Yugene ay maari niyang kainin. Kaya agad niyang tinulungan sa paghahaing ng pagkain nila si Yugene. At masaya nila itong pinagsaluhan.

Matapus nilang kumain ay magkatabi silang nakaupo sa couch habang nakapulupot sa baywang ni AD ang isang kamay ni Yugene.

"Yugene." Tawag ni AD sa binata. Agad naman siya nitong tiningnan. "Ano yun honey?" Tanong ng binata sa kanya.

"Gusto ko sanang magpaalam sa'yo." Anitong seryoso ang mukha. "Why. Where are you going?" Taka namang tanong ni Yugene.

"Pupuntahan ko si kuya Alex sa hacienda. I really missed him." Ani AD. Ngunit ang totoo ay pupunta siya doon para makapag-isip ng mabuti kung ano ang gagawin niya sa kanyang sakit. At kung papaano niya ito ipapaliwanag sa kanilang lahat.

"I understand honey. But promised me, be careful. Ingatan mo ang sarili mo doon," ani Yugene sabay pinagdikit nito ang kanilang mga noo. "Ilang araw ka doon magstay. Mamimiss kasi kita?" Dagdag pa nito.

"Hindi naman ako magtatagal doon. Saglit lang ako at babalik din agad dito sa Manila. And I will miss you too." Ani AD sa nobyo.

At ng abutin ni Yugene ang pagitan ng kanilang mga labi ay agad naman itong tinugon ni AD. "I love you honey." Ani Yugene ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I love you too. Mahal na mahal kita." Nakangiti nitong tugon sa nobyo.

Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalong nahihirapan si AD sa sakit niya. Kaya lagi na itong nagsusuot ng bonnet sa ulo na ipinagtataka ng mga nakapaligid sa kanya. Ngunit ang dahilan niya ay trip lang niya itong isuot. Kaya hinahayaan naman nila siya.

At sa bawat pagdaan ng mga araw ay unti-unti na ring nalalagas ang buhok ni AD. Para hindi makita ng mga kaibigan niya at para hindi mahalata ng mga ito ang pagkalagas ng mahaba niyang buhok ay tinatakpan na lang niya ang ulo.

Pagkaalis ni Yugene sa opisina ni AD ay agad itong umuwi. At pagdating niya sa kanilang bahay ay agad niyang inimpake ang mga damit niyang kaylangan niya sa pagpunta ng hacienda nila.

KINABUKASAN ay maagang pumasok ng opisina si AD. At ng masiguro niyang tapus na niyang lahat  permahan ang mga papers na dapat niyang permahan ay tinawagan nito agad ang kanyang ina.

"Hello. Napatawag ka anak?" Anang ina nito sa kabilang linya.

"Mom. Can I invite you for lunch?" Anito sa kanyang ina. "Wow! Your inviting me baby for lunch?" Anang ina nito.

"Yes! Mom." Sagot nito agad sa kanyang ina. "Okay! Where we going to eat lunch, Princess?" Tanong ng kanyang ina na halatang nakangiti ito.

"I'll send you the address, Mom." Ani AD sa ina. "Okay! Baby." Tugon ng kanyang ina. Kaya agad na tinawag ni AD ang secretary nito. At hinabilinan niya kung ano ang dapat niyang gagawin bago siya umalis kanyang opisina.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon