NANG umalis si Aslea Dennisse sa mall ay nakangiti itong binabaybay ang daan patungo sa penthouse ni Yugene. At ng marating niya ang lugar kung saan ang penthouse ng binata ay nakangiti siyang pinapasok ng security guard ng mamukhaan siya nito.
Isang tahimik na kwarto ang bumungad kay AD ng marating niya ang mismong penthouse ni Yugene. Kaya mas pinili nitong pumasok na lang sa kwarto ng binata. Agad niyang naipikit ang mga mata ng manuot sa ilong niya ang pabango ni Yugene.
"Sana nasa malapit ka lang." Naisatinig nito. Ngunit alam niyang malabo yun dahil nasa malayo ang binata. Sa halip na malungkot siya ay agad niyang inalis ang suot niyang sandal bago sumampa sa kama ng binata. Agad siyang nahiga dito sabay yakap niya sa unan ni Yugene. Ilang oras din siyang nanatili doon bago siya nagpasyang umuwi.
LUMIPAS ang araw, buwan at taon ay hindi parin nakabalik ng Pilipinas si Yugene. Dahil naging kumplikado umano ang lagay ng ina nito. Tanging tawagan lang daan ng kanilang kumunikasyon sa isat isa. At ang madalas nilang pag-uusap katagalan ay naging madalang na lang ito. Hanggang magtapus ng college si AD ay wala paring Yugene na nagpapakita sa kanya.
"May pahintay-hintay ka pang nalalaman, yun pala ay hindi mo rin mapapangatawanan. I hate you," himutok ni Aslea Dennisse habang iniikot-ikot niya ang ballpen sa ibabaw ng mesa niya. Mula ng magtapus siya ng college ay siya na ang namahala sa isa sa branch ng hotel ng pamilya nila.
"Hays! Makapunta na nga lang sa mall." Anito sabay dampot niya ang bag at lumabas ng opisina niya.
Habang binabaybay niya ang daan papuntang mall ay napansin niya agad ang black Toyota Corola na nakasunod sa kanya.
"Ano bang problema ng sasakyan na 'to na laging nakabuntot sa'kin?" Ang nagtatakang tanong nito sa sarili. Kaya agad niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse upang makarating agad sa malapit na mall. Ng marating niya ang mall ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang bulto ng isang tao kaya bumangga siya dito.
"Ouch!"
"Miss are you okay?" Tanong nito kay AD na may pag-aalala kaya agad napadilat si AD. "Huh! F-frank." Gulat ang bumalantay sa mukha ng dalaga.
"Hey! Ikaw pala. Okay ka lang ba?" Tanong nito sabay inalalayan siyang makatayo.
"Huh! Ah! Yeah! I'm fine. Thanks." Anito sabay tayo niya ng tuwid. "Thanks. Pasensya kana kasi nagmamadali ako kaya hindi kita nakita." Anito kay Frank.
Ngumiti naman bahagya si Frank dito. "It's okay." Anito.
At habang kaharap ni AD si Frank ay may biglang nahagip ang mata niya sa di kalayuan. Kitang-kita nito kung gaano kasaya ang taong hinihintay niya ang pagbabalik. Kaya agad umakyat ang dugo niya sa ulo.
"Napakasinungaling mo, gago ka," nagngingit-ngit nitong aniya. "Eh! Di wow! Magsama kayo." Himutok nito sarili.
"What's wrong? My problema ba?" Nagtataka namang tanong ni Frank sa kanya. "Ah! Wala may naalala lang ako. Teka! Ano nga palang ginagawa mo dito?" Pag-iiba niya ng usapan nila.
"Wala. Namamasyal lang mag-isa," pabirong sagot ni Frank sa tanong nito. "Hindi biro lang, nakipagkita ako kay ninong sa loob." Anitong nakangiti.
"Mm-hmm. So, palabas kana?" Tanong niya kay Frank. "Um. Yes."
"Okay."
"Pero, pwede naman kitang samahan sa loob kung gusto mo." Anitong kinaangat ng mukha ni AD. "Talaga?" Paniniguro nito.
"Oo. Let's go?" Nakangiti nitong aya sa dalaga. "Yeah! Sure. Thanks." Nakangiti nitong aniya.
Agad nga silang naglakad papasok sa loob ng V-Mall. "Mm-hmm. Saan ang una nating pupuntahan?" Maya ay tanong ng binata sa kanya. "I don't know?" Sagot nitong nagkibit balikat.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
General FictionPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...