NAGKASUNDO sina AD na magkakaibigang magkikita sila sa Ambers Resto Bar kaya maagang gumayak ang dalaga patungo doon. At pagdating ni AD sa Ambers Resto Bar ay agad niyang natanaw ang mga kaibigan niyang naroon na. Kaya napangiti siyang lumapit sa mga ito. Isinantabi muna niya ang nangyari sa pagitan nila ni Yugene at ayaw narin niya itong pag-usapan at ungkatin pa sa harap ng mga kaibigan niya.
"Hey! Guys." Nakangiti nitong bungad sa mga kaibigan. "Oh! Hello." Nakangiting anang mga ito sa kanya.
Agad nagpalinga-linga si AD na tila meron hinahanap. "Oh! Nasaan si Sheryn?" Tanong niya sa mga ito ng hindi makita ito. "On the way na daw siya." Sagot naman ni Kathryn.
"Mmm. Okay!"
"Hello! Everyone. I'm sorry, If I'm late. Traffic kasi." Nakangiting anang kararating lang na si Sheryn Lleu.
"Hey! Mabuti naman at nakarating ka gurl. Akala namin ay ipagpapalit muna kami sa kwek kwek." Si Cynth na agad lumapit dito para makipagbeso-beso.
"Abah! mangyayari ba namang ipagpapalit ko kayo sa kwek kwek. Eh! yung isa dito sinadya pa akong tawagan na all we know kuripot sa load, samantala ang yaman naman." At ang lahat ay nagtawanan. Dahil kilala na nila kung sino ang tinutukoy nito sa kanilang magkakaibigan.
"Subra naman kayo, kuripot na agad. Hindi ba pweding nagtitipid lang ng pera at electricity." Ang nakapuot na ani AD.
"Gurls, nagtitipid daw ng pera at electricity. Samantalang hindi niya pinaghihinayangan ang million niyang pambili lang ng mga new cars. At nagtitipid ba kamo ng electricity yung araw-araw nakababad sa harap ng laptop niya para lang mag-facebook." Si Samantha na habang nagsasalita ay may pakumpas-kumpas pa siya ng kamay. At muli naman ay nagtawanan silang magkakaibigan.
"Sige! Asarin niyo pa ako at ng hindi ko kayo isama sa trip to Bukidnon ko." Pananakot niya sa mga itong agad nagkatinginan.
"Whoaaa! Anong gagawin mo sa Bukidnon?" Ang tanong naman ni Kathryn na habang nagsasalita ay kinakagat nito ang kanyang kuku sa kamay.
"It's simple, di magbabakasyon dun, alangan namang mangangaso ako. I want to refresh my mind and relax for a weeks sa hacienda nila auntie Sam." Sagot nito kay Kathryn.
"Really. Di ba may water falls daw doon. And a lot of fresh fruits at lalo na ang pinya at saging?" Si Cynth na agad niyang pinag cross ang mga paa. At sa klase ng ngiti nito ay parang excited itong makarating dun. Samantala si Sheryn Lleu ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Oh! Hindi ka naman excited Cynth sa lagay na yan ano?" Nakangisi nitong aniya kay Cynth na agad sumimangot sa kanya. "By the way hindi lang ako ang pupunta doon. Dahil kasama ko sina kuya Alex at kuya Axel. And one of my handsome cousin, si Austin." Ang nangingiti nitong aniya na agad namang kilaglag ng balikat ni Cynth matapos marinig ang pangalan ni Austin.
"Sige, hindi nalang ako sasama kung kasama si Impakto." Ani Cynth na nakasimangot.
"Girls the more you hate, the more you love. Ika nga nila." Sabat ni Kathryn sa dalawa.
"Tama ka Kath." Ang pagsang ayon naman ni Sheryn Lleu kay Kathryn.
"Tsk! Over my dead sexy body. Si Austin? No way." Anitong halata ang hindi pagkagusto sa tinuran ng mga kaibigan niya.
"Tst! Wag kang magsalita ng patapos. Dahil baka kakainin mo ang lahat ng sinasabi mo. At kung mangyari yun lahat kami ang sasako sayo." Ani kathryn na pinandilatan nito si Cynth. At saktong pinag-uusapan nila si Austin ng dumating naman ang kapatid ni Austin na si Jeanne.
"Hey! Guys. Kumusta kayong lahat," anito sa kanila. "At mukhang pinag-uusapan niyo ang kapatid ko?" Dagdag pa bagong dating na si Jeanne.
"Hey! Gurl. Ito maganda parin kami." Si Samantha na agad yamakap dito.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
General FictionPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...