Chapter 17

11.1K 396 1
                                    

ANG nararamdamang sakit ni AD ay hindi niya ito pinagtuonan ng pansin. Iniisip niyang baka dahil lang ito sa pagud na kailangan niyang ipahinga. Kaya lumipas ang araw-araw na parang walang nararamdamang kakaiba ang dalaga.

"Princess, bakit ang putla mo. At nangangayayat karin?" Puna ni Axel kay AD.

"Namumutla ba ako kuya? Baka dahil sa init, mainit kasi sa labas." Anito kay Axel. Nagkibit balikat naman ang binata sa tinuran ng kapatid niya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Muli ay tanong ni Axel na bumalik sa mga papers na nakalatag sa mesa niya.

"Napadaan lang ako kuya. I have a meeting with a client." Sagot nito sa kapatid na busy parin sa trabaho nito. "Ganun ba," si Axel na bahagya niyang sinipat ang kapatid. "Gumamit ka ng payong kung lalabas ka. Wag kang magpapainit ng hindi ka namumutla." Dagdag pa nito.

"Okay," sagot nito sabay tango. "Um! Sige, I have to go kuya. Hindi na kita aabalahin pa. I know your busy." Anito sabay lapit niya kay Axel at yumakap dito bago lumabas ng opisina nito. Ganun siya palagi dahil  nakaugalian na niyang nilalambing niya ang mga kuya niya.

NANG makaalis si AD sa opisina ni Axel ay agad itong pumunta sa restaurant kung saan niya ikakatagpo ang kameeting niya. At hindi naman siyang nahirapan hanapin ito dahil agad naman niya itong nakita.

Ng makaupo si AD ay muli na naman niyang naramdaman ang panghihina ng katawan niya at naninikip rin ang dibdib niya. Hindi naman niya ito ipinahalata sa kaharap ang nararamdaman. At para matapus agad ang meetin nila ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa sa kameeting niya. Agad siyang nakipag-usap dito tungkol sa meeting nila.

Matapus ng business meeting ni AD ay agad itong lumabas ng restaurant dahil gusto niyang makauwi agad para magpahinga. Ngunit pagtapak pa lang ng mga paa niya sa labas ng restaurant ay nagdilim na ang paningin niya. Hindi na nito maaninag ang dinadaanan niya. Hanggang sa mawalan na siya ng malay tao.

Bago pa man bumagsak sa lupa ang katawan ni AD ay may dalawang kamay na sumalo sa kanya. "Hey! AD, wake up. What happened to you?" Ani Frank sa dalaga na siyang nakasalo dito.

Dahil sa namumutla si AD at hindi siya sumasagot sa binata ay agad itong isinakay ni Frank sa kotse niya. Itinakbo niya ito sa malapit na pagamutan. Kaya halos liparin ni Frank ang daan makarating lang sa hospital.

Patakbong isinugud ni Frank si AD sa loob ng pagamutan ng makarating sila ng hospital. Agad naman itong inasikaso ng mga doctor na nandoon. Kaya matyagang naghintay si Frank sa labas ng ER kung saan nila ipinasok si AD.

Makalipas ang ilang minutong pghihintay ni Frank ay nakita niyang lumabas ang doctor na tumingin kay AD. Kaya agad niya itong sinalubong. "Doc kumusta po ang pasyente?" Tanong ni Frank sa doctor.

"Mabuti na ang kalagyan niya ngayon. At may itinurok kaming gamot sa kanya upang magfanction ng mabuti ang paghinga niya at ang heart beat niya." Saad ng doctor.

"Ano po ba ang sakit niya?" Nagtatakang tanong ng binata.

"Sasagutin kita hijo kung nagising na ang patient. Don't worry dahil maya maya lang ay magigising na siya. Kaya pwede muna siyang puntahan sa private room niya ngayon." Anang doctor bago nito iniwan si Frank.

Agad naman pinuntahan ni Frank ang room ni AD matapus itong ituro sa kanya ng nurse na pinagtanungan niya. Inabutan nitong inaayus ng isang nurse ang nakakabit na dextrose sa dalaga. Bahagya lang nginitian ng nurse si Frank bago ito lumabas.

Napasabunot naman ng sariling buhok si Frank habang pinagmamasdan niya si AD. Naagaw lang ang atensyon niya ng tumunog ang tawagan niya.

"Baby, hindi kita masusundo ngayon. Ipapasundo na lang kita dyan." Agad na Ani Frank sa kausap nito.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon