Chapter 23

11.5K 372 2
                                    

MATAPUS magbreakfast nila Yugene at AD ay agad silang gumayak. Dahil may sariling closet si AD sa penthouse ni Yugene ay may pang palit damit agad siya. Hindi kasi niya nadala ang maleta niyang dinala niya sa hacienda nila ng bumalik siya ng Manila.

"Saan ba tayo pupunta?" Pangungulit nito sa nobyo habang nasa daan sila. Nginitian lang siya ni Yugene. Hanggang sa ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang simbahan. "Honey?" Puno ng katanungan ang mga mata ni AD.

Agad na bumaba ng sasakyan si Yugene at pinagbuksan niya ang dalaga na agad naman bumaba ng sasakyan. Inakay ito ni Yugene at magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng simbahan. Naguguluhan man ang dalaga ay nagpatianod na lang siya sa binata.

Agad na pumwesto sila sa upoan hindi matao at doon naupo. "Honey, lagi ako dito nagpupunta para magpasalamat sa lahat ng blessing na natatanggap ko. Pero ngayon ay nandito ako para humingi ng tulong sa Kanya upang gumaling ka, na ipapaubaya ka muna niya sa'kin. Dahil gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda ko." Ani Yugene habang hawak niya ang dalawang kamay ni AD na siyang kinaiyak nito.

Agad na tinuyo ni Yugene ang luha sa mga mata ni AD at kapwa sila nagdasal. Ika nga nila kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay mo ay wag na wag mong kaliligtaan ang Nasa Itaas dahil siya ang tanging nakakaalam kung ano ang nakalaan sa'tin para bukas.

Matapus nilang magsimba ay maingat na inakay ni Yugene si AD pabalik sa sasakyan nila. "Uuwi na ba tayo?" Ang nakangiting tanong ni AD sa nobyo.

"Hindi honey, may pupuntahan ulit tayo." Sagot naman ni Yugene.

Agad na binaybay ni Yugene ang daan hanggang sa huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang restaurant. Agad na bumaba si Yugene at pinagbuksan niya si AD. "May kukunin lang tayong take out na food sa loob." Saad nito sa nobya. Agad nga silang pumasok sa loob na magkahawak kamay, hinanap agad ni Yugene ang casier kung saan ibinigay niya ang bayad sa pinareserve niyang take out food. Nang makabayad siya at ibinigay sa kanila ang take out food ay muli silang bumalik sa sasakyan nilang dala. Inilagay ni Yugene sa passenger seat ang dalang pagkain, bago niya pinagbuksan ng pinto si AD. Agad naman pumasok sa loob ng sasakyan ang dalaga. Nang makaupo sa driver seat ang binata ay nginitian muna niya si AD bago niya binuhay ang sasakyan at pinatakbo.

Tahimik sila habang nasa daan, pasimpleng nginingitian ni Yugene si AD sabay halik nito ng kamay ng dalaga na hawak-hawak niya. Nang ihinto ni Yugene ang sasakyan ay napangiti si AD. Dahil dinala ulit siya ng binata sa park na pinuntahan na nila minsan noon ni Yugene. Kaya sa tuwa ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Yugene dahil agad siyang lumabas ng sasakyan.

Kinuha naman ni Yugene ang dalang pagkain at ang basket na inilagay niya sa backseat ng sasakyan. Nagpresenta ang dalaga na tulungan siyang magdala ng mga dala nila ngunit tinanggihan niya ito. Alam ni AD na hindi siya mananalo sa nobyo kaya hinayaan na lang niya ito.

Nang marating nila ang lugar kung saan dating dinala ni Yugene si AD ay agad niyang inilatag doon ang dalang blanket. Matapus ay agad niyang inayang maupo doon si AD.

"Yugene, I miss this place." Ang natutuwang saad ni AD na agad kinintalan ng binata ng halik.

"Kaya nga dinala kita dito. Dahil alam kung magugustuhan mo." Ani Yugene na nakangiti. Agad naman ipinulupot ni AD ang dalawang kamay sa leeg ng binata. "That's why I love you. Dahil halos lahat ay alam mo para sa'kin. Thank you Yugene." Ani AD sa nobyo na nakangiti. Agad naman itong kinabig ni Yugene at siniil niya ng halik.

Makalipas ang ilang oras nilang pananatili sa park ay saka ito inaya ng binata para umuwi. Dahil pupunta pa sila sa gaganaping party sa tahanan ng mga Monte Silva.

"Honey, be ready to night." Ani Yugene kay AD ng marating nila ang penthouse ng binata. "Bakit, saan na naman tayo pupunta?" Nagtataka nitong tanong kay Yugene.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon