Chapter 7

12.1K 401 5
                                    

***The 18th Birthday***

ANG lahat ay nakahanda na sa 18th birthday ng nag-iisang anak na babae ni Aljhon Vergara. Ang lugar at venue ay preparado na, pinaghandaan talaga ito ng mag-asawang Vergara para sa bunso nilang anak. At ang mga bisitang kaanak at malalapit na kaibigan ng pamilya nila ay lahat naghihintay sa venue ng debut ni Aslea Dennisse.

Habang nakaharap sa malaking salamin si Aslea Dennisse ay bigla siyang napangiti. "Are you ready?" Tanong ng baklang nag-ayos sa kanya. She's wearing a open cross strap long gown na kulay white pink na napapalamutian ng maliliit na crystal. Nakatali ang mahaba niyang buhok at merong nakalagay na maliit na white diamond upang magmukha siyang princess. At nakasuot naman siya ng high satin heels sandals na kulay blue na mas lalong nagpatingkad ng kanyang ganda.

Nginitian muna niya ang baklang nag-ayus sa kanya bago nagsalita. "Yes! I'm ready." Sagot niya.

"Okay! Let's go." At inalalayan pa siya nitong makatayo maging sa paglalakad. "Papunta na kami dyan." Anang baklang organizer gamit ang nakakabit sa tainga niyang airpeace para magkarinigan silang mga organizers ng birthday party.

THE VENUE "ladys and gentlemen be ready the birthday girl is coming." Anunsyo ng imcee. "Sir ready na po kayo?" Anang isa sa mga organizer na lumapit kay Aljhon. Tumango lang ang ginoo bilang sagot. Kaya sinabi ng organizer na pumunta ang ginoo malapit sa bungad ng pinto, kung saan ang venue ng party upang hintayin ang pagpasok ng birthday celebrant. Agad namang tumalima ang ginoo.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagkawala ng ilaw sa buong venue ng party. Tanging spot light lang ang makikita mo sa bungad ng pinto kung saan ang birthday celebrant kasabay nito ang pumailanglang ang isang tugtugin, "SHE".

_She may be the face I can't forget
The trace of pleasure or regret
May be my treasure or the price I have to pay
She may be the song the summer sings
May be the chill the autumn brings
May be a hundred different things
Within the measure of a day

Nakangiting pinagmasdan ni Aljhon ang papalapit na anak. Agad nitong inabot ang kamay ng nag-iisa niyang prinsesa at hinalikan ito sa noo bago niya inabot dito  ang tangkay ng rose.

"Happy birthday my Princess." Ani Aljhon sa anak. "Thank you Dad and I love you." Anito sa ama.

"I love you too my Princess." At agad niya itong inakay sa gitna ng bulwagan.

_She may be the beauty or the beast
May be the famine or the feast
May turn each day into a heaven or a hell
She may be the mirror of my dreams
The smile reflected in a stream
She may not be what she may seem inside her shell

Habang naglalakad ang dalawa ay hindi maiwasan ni Weng ang hindi maluha. Parang kahapon lang at karga-karga pa nila ito ngunit sa bilis ng araw at panahon ay ito na dalagang dalaga na ang nag-iisa nilang anak na babae.

At habang pinagmamasdan ni Weng ang mag-ama niya ng may biglang yumakap sa kanya. "Ang ganda ni Princess, Mom." Ani Axel na nakayakap sa ina.

"She grown up, Mom." Aniya naman ni Alex na yumakap rin sa ina. "Tama kayo mga anak, pero habang buhay siyang mananatiling baby girl namin ng daddy niyo ." Anang ginang sabay yakap narin nito sa kambal.

-She who always seems so happy in a crowd
Whose eyes can be so private and so proud
No one's allowed to see them when they cry
She may be the love that cannot hope to last
May come to me from shadows of the past
But I'll remember till the day I die

Nang marating ng mag-ama ang gitna ng hall ay agad hinawakan ng ginoo ang isang kamay ng anak niya at ang isa ay sa baywang nito. Humawak naman ang isang kamay ni Aslea Dennisse sa balikat ng ama at dahan-dahan silang nagsayaw. Bilang magulang ay si Aljhon ang first dance ni Aslea Dennisse sa dance with 18th roses.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon