Chapter 8

11.9K 421 3
                                    

HABANG binabaybay ng sasakyan ang daan ay hindi maiwasang mag-isip ni Aslea Dennisse kung saan nga ba siya dadalhin ng sundo niya. "Mm-hmm. Kuya saan po ba ang pupuntahan natin?" Tanong niya dito. "Ah! Ma'am pasensya na po at hindi ko rin alam dahil napag-utusan lang akong sunduin kayo. Wag po kayong mag-alala dahil malapit na po tayo." Anang driver na nakangiti sa dalaga. Kaya pinili nalang nitong manahimik na lang.

Ilang minuto lang ang naging byahe nila ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang building. Kaya napakunot ang noo ng dalaga. Agad naman siyang pinagbuksan ng tagamaniho ng sasakyan. Kaya maingat naman siyang bumaba. Ng makita sila ng security guard ay nakangiti itong lumapit sa kanila.

"Dito po tayo, Ma'am." Anang guard sa kanya, sumunod naman siya dito. Sa lift siya dinala ng guard at agad niya itong pinindot para bumukas at ng makapasok ang dalaga ay agad namang pinindot ng guard ang number ng 28th floor. At bago magsara ang pinto ng lift ay nakangiti pa siyang binati ng guard. "Happy birthday, Ma'am. Enjoy the night." Anito sa kanya. At hindi na niya ito nasagot dahil tuluyang nagsara ang pinto ng lift, kaya nagkibit balikat na lang siya.

Kagat-kagat ni Aslea Dennisse ang kanyang kuku habang hinihintay niyang magbukas ang pinto ng elevator. '24-25-26-27-28' "Ting". Tunog ng elevator.

Ng bumukas ang elevator ay agad lumabas ng elevator si AD sabay nagpalinga-linga sa paligid. Ngunit wala siyang makita maliban na lang sa isang nakabukas na pinto.

At dahil wala naman siyang makitang ibang nakabukas na pinto maliban sa isa ay naisip niyang pumasok na lang doon. Sinara muna niya ang pinto ng makapasok siya sa loob. Alam niyang may kaya sa buhay ang nagmamay ari ng penthouse kung nasaan siya ngayon.

"Hello! Anybody is here?" Anitong nagbabakasakaling may tao roon, ngunit walang sumagot sa dalaga. Kaya naisip niyang lumabas na lang. Ihahakbang na sana ni AD ang mga paa palabas ng makita niya ang isang pintong nakabukas, nacurious naman siya dito. Kaya sa halip na lumabas siya ay agad siyang naglakad patungo sa nakabukas na pinto. At nakita niyang palabas ang naturang pinto kung saan.

Agad niyang natutup ang big ng makita niya ang nakahandang mesa with candle lights. Lalapit na sana siya sa mesa ng may magsalita sa kanyang likod.

"Hi."

Agad tumibok ng mabilis ang puso niya dahil kahit nakatalikod siya sa nagsalita ay kilala niya kung sino ito. Ngunit pinilit parin niya ang sariling kalmahin at dahan-dahan siyang humarap dito.

"H-hi! Akala ko ba lumipad na kayo papuntang ibang bansa?" kalmado nitong tanong sa binata.

"Um. I can't leave without seeing you in your birthday." Anitong nakatingin sa mata ni AD. Agad niyang inabutang ng boquet of flower ang dalaga sabay bati niya dito. "Happy birthday." At bigla siyang dinampian ng binata ng halik sa labi. Dahil sa ginawa ng binata ay bahagyang nawala ang hwesyo ang dalaga.

"Hey! Honey, are you okay?" May pag-aalalang tanong ng binata sa kanya ng mapansin siya nitong nawalan ng imik.

"Huh?"

"Okay ka lang ba?" Muling anang binata sabay dinikit nito ang noo sa noo ni AD. "Yeah! I'm okay, Yugene." Sagot nito sa tanong ng binata. Habang magkadikit ang mga noo nila ay nakatingin sa mga mata ni AD ang binata kaya hindi maiwasan ng dalaga na hindi pamulhan ng mukha.

"Mas lalo kang gumaganda kapag nagbla-blush ka." Ani Yugene. Kaya ibinaba na lang ni AD ang tingin dahil hindi niya matagalan ang klase ng tingin ni Yugene sa kanya. Kaya napangiti ng lihim ang binata.

"Hindi ka lang pala maganda, cute pa." Dagdag pa ng binata na nakangiti. "Halika." At inalalayan ni Yugene maglakad si AD patungo sa nakahandang mesa hanggang sa makaupo ito. Agad itong inabutang ng binata ng baso na nasasalinan ng inumin.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon