Chapter 15

12.1K 419 2
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Yugene. Maingat itong bumangon upang hindi magising ang natutulog na si AD. Agad itong naglakad-lakad sa paligid ng kubo hanggang sa masumpongan ng kanyang mata ang maliit na daan. Agad niya itong tinahak kung saan patungo. Napangiti ang binatang binalikan niya si AD ng makita niya ang daang nakita niya.

Ng marating ni Yugene ang kubo ay agad nitong nilapitan ang natutulog paring si AD. Nakangiti ito habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng babaeng mahal niya.

Naramdaman naman ni AD na meron nakamata sa kanya. Kaya dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata at doon ang nakangiting si Yugene ang agad niyang nakita. "Good Morning." Mahina nitong aniya sa binata sabay yakap dito.

"Morning too honey." Ani Yugene sabay halik nito sa ulo ng dalaga. "Masakit pa ba ang binti mo?" Tanong niya dito.

"Hindi na masyado." Tugon nito sa tanong ng binata.

"Mabuti naman kung ganon," anito. "Come on, bumangon ka na honey ng makauwi tayo. Baka mapapatay na ako ng mga kuya mo kung hindi pa tayo nakakabalik sa hacienda." Malumanay nitong ani kay AD.

"Paano tayo makakauwi. Nakita muna ba ang daan pabalik ng hacienda?" Tanong nito sabay tingala kay Yugene.

Nakangiti naman ang binata sabay kindat niya dito. "Wow! Galing naman ng honey ko," nakangiting ani AD. "At don't worry, dahil hindi ko sila hahayaang katayin ang pogi kong boyfriend." Dagdag pa nito. Napangiti naman ang binata sa tinuran ni AD. kaya agad niya itong kinabig at siniil ang mapupula nitong labi ng halik.

Mga ilang minuto rin na magkahinang ang kanilang mga labi. Kung hindi pa sila kapwa kinapos ng hangin ay walang gustong bumitaw sa kanila.

"I love you, honey." Ani Yugene sa punong tainga ng dalaga. "I love you too." Sabay haplos ni AD sa mukha ng binata.

Maingat na inalalayan ni Yugene si AD na bumangon mula sa pagkakahiga nito sa papag. "Yugene?" Tawag nito sa binata.

"Bakit honey?"

"Wag mong sabihing bubuhatin mo ulit ako?" Tanong nito sa binata.

"Oo bubuhatin kita. Hindi ko kayang pagmasdan ang mahal ko habang naglalakad na nahihirapan." Ani Yugene sabay yakap niya kay AD.

"Pero Yugene_

Hindi natapos ng sasabihin si AD ng bigla siyang siilin ng binata ng halik. "Walang pero-pero honey." Anito ng pakawalan niya ang labi ng dalaga.

"Fine! Sabi mo eh!" Pagsuko ni AD sa binata. Kaya ng buhatin siya ni Yugene ay ipiulupot naman niya ang dalawang kamay sa leeg ng binata. "Thank you." Anito sabay halik niya sa pisngi ni Yugene.

NANG marating nila Yugene at AD ang mansyon ng mga Samonte ay saka ito ibinaba ng binata mula sa likod niya.

Nakaalalay ang binata dito hanggang marating nila ang pinto. Pagbukas pa lang nila ng pinto ay bumungad na sa kanila ang lahat na halatang hinihintay ang pagdating ng ni AD.

Mabilis na sumalubong sa kanila ang limang lalaki na tila handang patayin ng buhay si Yugene. Kaya agad na pumagitna si AD sa mga ito.

"Hey! Stop it guys, magpapaliwanag kami." Ani AD sa mga kuya niya. Nginitian muna niya si Yugene bago sila lumapit sa mag-asawang Samonte. At ng makaupo ang mga ito ay agad nilang ipinaliwag sa mga ito kung ano ang nangyari.

"Ganito po kasi ang nangyari, habang naglalakad ako kahapon ay bigla akong hibabol ng dalawang aso. Tumakbo po ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nahulog ako sa may bangin." Paliwanag ni AD sa mga ito.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon