ANG lahat ng clan nila Yugene ay nagkita-kita ang mga ito sa tambayan ng grupo. Dahil sa kaarawan ng isa sa member ng clan. Kaya naman pinasara nila ang Ambers Resto Bar in one night. Ang ibang clan ay dala ng mga ito ng kanilang mga girlfriend. Gaya ni Axel na kasama nito si Jasmine. Si Frank ay kasama rin nito ang girlfriend na si Erica, for the first time ay pinakilala niya ito sa clan.
"Happy birthday TJ." Bati ng mga kaibigan ni Terrence Jules sa kanya. "Thanks mga bro" Nakangiti nitong ganti sa mga kaibigan.
"Happy birthday bro." Bati ni Yugene kay TJ.
"Thanks bro." Pasalamat ng isa sa kanya. Ang lahat ay nagsasaya, maliban kay Yugene na naiisip si AD. Miss na talaga niya nobya kahit parang kahapon lang ito ng magpaalam sa kanyang pupunta sa hacienda nila.
Nang maghahating gabi na ay nagpasyang magpaalam si Yugene sa mga ito. Hinayaan lang nila ito dahil ramdam nila ang pangungulila nito kay AD. Ng marating ni Yugene ang penthouse niya ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Agad itong nagtungo sa banyo at naligo. Hindi naman nagtagal ng matapus siyang maligo. Agad siyang nagsuot ng boxer short na pinarisan niya ng kulay gray na sando.
Agad siyang sumampa kama at dinampot niya ang picture frame na nasa ibabaw ng side table ng kama niya. Pinakatitigan niya ito na ani moy minimemoryado ang bawat anggulo ng larawan. Makalipas ang ilang minutong tinititigan niya ang larawan ni AD ay saka siya nagpasyang matulog.
GAYA ng sabi ni AD kay Yugene ay agad itong bumalik ng Manila mula sa hacienda nila. Nakisakay ito sa isa sa mga namamahala sa hacienda nila. At pagdating niya ng Maynila ay hindi na ito nagpahatid sa kanilang mansyon, bagkos ay nagtaxi na lang siya. Dahil ang una niyang tinungo ay ang penthouse ni Yugene.
Alam niyang tulog na si Yugene ng marating niya ang bahay ng nobyo. Dahil maghahating gabi na ng dumating sila ng Maynila ni Mang Ando.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at ng mabuksan niya ito ay maingat rin niya itong isinara. Dahil sa pagud siya sa byahe ay agad siyang nagtungo sa kwarto ni Yugene. Pagkapasok niya sa kwarto ng binata ay agad niya itong nakitang natutulog na. Napangiti naman si AD ng makita niya ang picture frame na nakalagay sa side table ng kwarto ni Yugene. Dahil ang isa ay larawan nila ng nobyo at ang isa ay solo lang siya.
Maingat siyang lumapit sa kama ng nobyo, bahagya niyang tinitigan ang payapang natutulog na si Yugene. Marahan nitong hinaplos ang mukha ng binata, nakaramdam naman itong may kasama siya sa kanyang silid kaya dali-dali itong nagising.
Pagdilat ni Yugene ng mga mata ay bumungad sa kanya ang mukha ng nobya. "Honey." Tawag nito sa kanya.
Bahagya lang itong ngumiti sabay haplos niya sa mukha ni Yugene gamit ang isa nitong kamay. Ng maramdaman naman ng binata ang init ng kamay ng nobya ay agad niya itong kinabig at niyakap. "Honey, I miss you so much. Why are you here?" Anang binata kay AD.
"I miss you too, that's why I'm here." Saad nito sa binata. Kaya agad na siniil ni Yugene ang labi ni AD na agad tinugon ng dalaga.
"Kumain kana ba? Ipaghahanda kita." Saad nito sa nobya habang hawak nito ang mukha ni AD. "Kumain na ako bago bumalik ng Manila. Pero gusto kung matulog na katabi ka." Wika nito kay Yugene.
Agad na nahiga si AD sa kama ng binata na agad din tinabihan nito. Magkaharap silang nakahiga. At habang tinitigan ni AD ang mukha ni Yugene ay bigla na lang siyang naluha ng hindi niya namamalayan.
"Honey, what's wrong?" May pag-aalalang tanong nito kay AD na bahagya lang umiling.
"Wala, namiss lang kita ng subra." Kaila nito sa binata. Ngunit ang totoo ay nasasaktan siya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang dinadalang karamdaman.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
قصص عامةPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...