Chapter 20

11.2K 365 1
                                    

AFTER ng kasal ni X ay alam ni AD na hindi magtatagal ang kuya Alex niya at babalik ito ng hacienda. Kaya naman inihanda na nito ang kanyang dadalhing mga gamit.

Habang pababa ng hagdan si AD ay dinig nito ang boses ng ina nila at mga kuya niya. "Hey! Anong drama ang mayron dito?" Dinig ni AD na tanong ng kuya Axel niya.

"Isa ka pang bata ka. Puro pambabae ang inaatupag mo." Anang mommy nila kay Axel.

"Saan ka punta, Princess at may dala kang maleta?" Tanong ni Axel kay AD ng makita siya nitong pababa ng hagdan.

Nakangiti namang lumapit sa kanila si AD. "Sasama ako kay kuya Alex sa hacienda." Anito.

"What? No-No-No, manggugulo ka lang dun bunso. Kaya hindi ka pweding sumama sa'kin." Agad na ani Alex sabay iling nito ng ulo.

Dahil sa ayaw isama ni Alex si AD ay agad itong umiyak. "I hate you kuya." Agad itong yumakap sa mommy nila. "Mom! I hate kuya." Dagdag pa nito.

"But umiiyak ang prinsesa ko?" Tanong ni Aljhon na kalalabas lang mula sa mini office nito.

"Dad ayaw akong isama ni kuya sa hacienda." Agad nitong sumbong sa ama. Iiling-iling nalang si Alex. At si Axel naman ay natawa na lang ito sa inasta ng kapatid nila. Kung hindi lang siguro mahal na mahal ni Alex itong bunso nilang kapatid ay baka naipasok na niya ito sa sako dahil sa kakulitan. Kahit na ilang beses pa niya itong pagalitan ay dadaanin lang siya nito sa iyak. Alam na alam nitong yun ang kahinaan niya, dahil pinakaayaw ni Alex ang babaing umiiyak sa harapan niya dahil pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya.

"Fine. Your coming with me." Biglang pagsuko nito, tumigil lang sa pag-iyak si AD.

"Talaga kuya?"

Agad naman itong umaliwalas ang mukha at sabay punas ng luha niya sa mukha. "Tst! silly brat." Ani Alex. Kaya agad na inutos ni Alex sa mga katiwala nilang dalhin nila sa kotse niya ang gamit ng kapatid.

"Thank you kuya. Hindi na kita hate, love na kita." iiling-iling na lang si Aljhon sabay tapik nito sa balikat ng anak niyang si Alex.

"Hey! Wala bang goodbye hug dyan? Ilang days mo rin kayang hindi ako makukulit bunso." Ang kunwaring hinampo ni Axel kay AD. Agad din namang yumakap si AD kay Axel. "Kuya?"

"Hmmmp?"

"I have something to tell you." Ani AD na someryoso ang mukha. "Ano yun?" Tanong naman ni Axel dito.

"Pinahulaan kita at magpakatino kana daw kuya kasi malapit ng dumating yung babaing hinihintay mo. Maghire ka daw ng secretary mo at doon mo siya makikita. Believe me kuya it's true kasi pinahulaan ko din si kuya Alex doon at nagkatotoo nga yung hula sa kanya about his lovelife. But for the second chance he will find his future girl and partner in life forever. And also mom, magkakababy pa daw si mommy." Saad nitong seryoso ang mukha lalo pa sa huling salitang binanggit niya. Ngunit sa kaloob-looban niya ay natatawa dahil sa naging reaksyon ng ama nila.

Naubo ng wala sa oras si Aljhon sa tinuran ni AD at maging si Weng ay biglang nagulat. Hindi pa naman siya minupose dahil regular parin ang monthly period niya. Pero malabo na siyang magkakaanak ayun narin sa OB niya.

"I'm serious guys, kaya excited na akong magkaroon ng baby sister." Dagdag pa nito. "Yahoo! kapag nangyari yun ay hindi na ako magiging baby sister." Saad nito sabay kampay ng kamay.

"Baby lakas ng trip mo." Naisatinig ng mommy ni AD sa kanya na bigla namang tumawa.

"Yeah! I'm just kidding about that Mom, syempre gusto ko ako lang ang baby girl niyo. But for both of you my handsome brothers that is true." Anitong nakayakap sa ina.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon