MATAPUS makumpirma ng mga doktor na maaring isalin ang puso ng natagpoan nilang heart donnor kay AD ay agad nilang hinanda ang mga kagamitan sa gagawin nilang opirasyon.
Mabilis nilang dinala sa operating room si AD at ang magiging heart donnor niya. Ang magiging heart donnor ni AD ay nakiusap itong wag na ipaalam sa iba kung ano man ang tunay niyang pagkatao.
Agad nilang ikinabit kay AD ang anesthesia mask habang nakahiga ito sa operating table. Nakakabit rin sa braso niya ang blood pressure cuff at sa kanyang hintuturo ay nakakabit naman ang pulse exemeter. At sa bandang dibdib naman niya ay nakakabit ang electrode na sumusuporta sa paghinga ng pasyente gamit ang electricity. Nakahanada rin ang monitor para sa personal na pagmonitor sa galaw ng puso ng pasyente at iba pang kagamitan.
"Ang anak ko, ano bang kailangan nila at kailangan nilang kidnapin ang walang malay tao Aljhon." Iyak na sambit ni Weng sa asawa habang naghihintay sila sa labas ng operating room kung saan isasagawa ang opirasyon para kay AD.
"Mom, pinaghahanap na ng mga police ang utak sa pagkidnap kay Princess." Ani Axel sa ina. "Ang kapatid niyo Axel, hindi ko kakayaning may isa sa inyong mawawala. Hindi ko kaya, mas gustuhin kung ako na lang ang mauna wag lang isa sa inyo." Hagulgul ng ginang na agad niyakap ni Aljhon.
Nahihirapan din na tanggapin ng ginoo ang nangyayari. Ang nag-iisa nilang prinsesa ay nakikipagbuno kay kamatayan. Ang sakit bilang magulang na nakikita mo ang anak mong nahihirapan. Mas nanaisin mo pang ikaw ang aako sa dinadala niyang sakit wag lang siyang mahirapan.
Sa loob ng operating room ay nakahanda na ang mga doctor at nurse upang umpisahan ang opirasyon kay AD. At sa paglipat ng bagong puso para sa kanya.
"Kaya natin ito." Anang doctor na magsasagawa ng opirasyon. Tumango naman ang mga kasama niya biglang pagsang ayon sa kanya.
Agad nilang inumpisan ang opirasyon, bawat patak ng minuto ay ayaw nilang masayang upang maisalba ang buhay ng pasyente.
"Nasaan ako?" Sabay linga niya sa paligid, ngunit wala siyang makita. "Y-yugene, nasaan ka?" Tawag niya sa binata. Ngunit walang sumasagot sa kanya.
"D-dad, Mo-mom." Tawag niya sa magulang, nagsisimula narin mangantog ang tuhod niya. "Kuya Axel." Tawag niya kay Axel na namamasa na ang kanyang mga mata tanda ng nagbabadyang luha sa ano mang oras ay aalpas.
"Doc.......
Tawag ng nurse na nakamonitor kay AD. Agad namang nagkatinginan ang mga ito. "Call Dr. Dela Cruz." Anang doctor na nagsasagawa ng opirasyon kay AD.
"Calling Dr. Dela Cruz, please procced to the operating room immediately. Caling Dr. Dela Cruz, please procced to the operating room immediately."
"Anong nangyayari?" Ani Weng maging mga naroon ay nagtataka kung bakit kinaylangan tumawag ng doctor patungo sa loob ng operating room.
Agad na pumunta ng operating room ang tinawagang doctor. "Doc, what is going on?" Ani Vincent sa doctor ng makita nila ito. "Ipapaliwanag po namin mamaya Sir, sa ngayon ay kailangan kung pumasok sa loob." Anang doctor.
"Dios ko, ang anak ko." Iyak ni Weng. "Weng, kailangan mong magpakatatag. Halika at magdasal tayo sa kapelya." Ani Cathlyn na agad inakay si Weng.
"Saan na ba ako?" Ani AD na hindi alam ang gagawin. Hanggang sa matanaw niya ang isang bata. Agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo ng makita niya itong tuwang-tuwang naglalaro sa gilid ng sapa.
"Bata, anong ginagawa mo dyan? Umalis ka dyan baka mahulog ka." Ani AD ngunit parang hindi siya narinig nito kaya agad niyang nilapitan ngunit mabilis naman itong tumakbo. "Bata sabi ng wag kang maglaro dyan, wag kang tumakbo. Mahulog ka dyan sa batuhan." Pasigaw nitong turan ngunit hindi siya pinapakinggan ng bata. Patuloy lang ito sa pagtakbo habang nakangiti. Patuloy naman sa pagsunod si AD sa bata sa takot niyang mahulog ito.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
General FictionPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...