Chapter 24

11.5K 344 2
                                    

At ang lahat ay naghihintay sa sasabihin ng doctor kung ano ang nangyari kay AD. "Doc, kumusta ang anak ko?" Tanong ni Aljhon sa doctor na puno ng pag-aalala para sa anak.

Bahagyang huminga ng malalim ang doctor bago niya sinagot ang mga katanungan nila. "Sa ngayon po ay stable na ang lagay ng anak niyo Sir. Pero hindi ko po alam kung kailan siya magigising. Ang dapat niyo pong gawin ay maghanap ng heart donnor para sa heart transplant sa kanya." Deritsang anang doctor dahil sa pag-aakalang alam ng mga ito ang sakit ni AD.

"A-anong pinagsasabi mo doc?" Naguguluhang tanong ni Weng. Nagpalipat-lipat naman ang doctor sa mga ito ng tingin at ang lahat ay nagtataka at nagtatanong ang mga mata.

"I'm sorry, akala ko alam niyo ang kalagayan ng patient." Hinging paumanhin ng doctor. "But, like what I said. Kailangan niyong maghanap ng heart donnor na magmamatch sa kanya. Mayron pong matinding karamdaman sa puso ang anak niyo Sir." Saad ng doctor.

"H-hi-hindi totoo yan Doc. Baka nagkakamali ka lang." Ani Weng na humagulgul na nang iyak.

"Mom. His not lying. Nagsasabi po siya ng totoo." Ani Axel. Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang ina sa narinig. "Hindi. Hindi ang anak ko. Wala siyang malalang sakit. Not your sister Axel. Not her." Ani Weng na umiyak na sa bisig ni Axel. Maging si Aljhon ay hindi nakaimik. Nabigla ang ginoo sa narinig niya.

"Bakit hindi niya sinabi sa'tin, sana naagapan agad." Anang ina nila Axel na umiiyak parin. "Mom. Maybe, natatakot lang siya kaya hindi niya sinabi sa'tin. Pero, nyayon ay kailangan niya tayo, that's why we need to be strong." Ani Axel sa kanyang ina.

"Doc, maari na po ba namin siyang makita ngayon?" Tanong ni Frank sa doctor.

"Bukas niyo pa siya maaring puntahan. Dahil sa ngayon ay mananatili muna siya sa ICU para bantayan ang status ng patient." Paliwanag ng doctor. Halos lahat silang nandoon ay nashock sa narinig. Hindi sila makapaniwalang may sakit palang nililihim sa kanila si AD.

"Mom, umuwi na po muna kayo ni Dad. Kami na po ang bahala dito." Ani Axel sa ina. "Dad, Princess will be fine. Matapang siya at malakas I know hindi siya susuko." Anito sa ama ng balingan niya ito.

"Okay son, babalik na lang kami bukas. Tawagan muna rin ang kapatid mo ng makauwi siya." Utos ni Aljhon kay Axel. "Yes! Dad." Pagtalima nito. Kailangan nga niyang tawagan ang kapatid. Dahil pinapakita niya sa ama't ins na malakas siya pero ang totoo gusto na niyang bumigay.

"Bro, umuwi kana muna ng makapagbihis ka." Utos naman ni Frank kay Yugene na nakaupo habang sapo nito ang ulo. "Come on bro, get up. Magiging maayos din si bunso." Ani Blake kay Yugene sabay tapik niya dito sa balikat.

At dahil mukhang wala itong planong  makinig ay agad nila itong inalalayan makatayo. Mukhang wala rin ito sa sarili habang nakaupo. Kaya naman sinamahan na ito ni Blake at Mark.

"Kayo mga bro, umuwi narin muna kayo." Ani Axel sa mga ito. Kaya naman umuwi na muna ang iba, nagpaiwan naman si Austin, Elijah, Rain at Flake. "Bro, ihatid mo muna si Jasmine. Kami na muna ang bahala dito, I know babalik din agad sina Yugene dito." Ani Elijah sa kanya.

"Sige na bro, kami na muna ang bahala dito." Si Rain na nakapamulsa ang dalawang kamay. "Sige mga bro, thanks." Kaya agad niyang inalalayan si Jasmine.

At gaya ng inaasahan nila ay hindi nga nagtagal ay muling bumalik sa hospital sina Blake at Mark kasama si Yugene.

"Magiging okay din siya, bro." Ani Rain sabay tapik niya ng balikat ni Yugene. Maging siya ay nasasaktan din sa kalagayan ni AD. Dahil lihim niya itong gusto ngunit alam naman niyang hanggang kapatid lang ang kaya ni AD ibigay sa kanya. Kaya hindi na niya ipinagpilitan ang sarili dito at isa pa ay ayaw niyang makatalo ang kaibigan niya.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon