Chapter 16

11.4K 390 2
                                    

NANG makabalik sina Aslea Dennisse sa Maynila ay balik trabaho muli silang magkakaibigan. Maging ang kuya Alex niya ay bumalik ulit ito sa hacienda nila matapos ang ginanap na racing competition ng mga members ng clan nila. At gaya ng mga naunang racing competition ay panalo ulit ang clan nila.

Habang abala si AD sa mga papers na nakatambak sa ibabaw ng mesa niya ay biglang kumatok ang secretary niya. "Ma'am, flower po para sa'inyo." Nakangiti nitong inabot ang isang bugkos ng bulaklak sa kanya.

"Thank you. Sino ang nagpadala?" Tanong niya dito ng maabot niya ang bulaklak. Magkibit balikat naman ito bilang sagot. At ng bumalik sa mesa niya ang secretary niya ay agad niyang binuksan ang nakaipit na note sa bulaklak.

Good Morning,

I miss you honey. See you later, susunduin kita dyan before lunch. I love you.

Yugene

Napangiti naman si AD matapus niya basahin ang note sabay amoy nito sa bulaklak na pinadala ni Yugene. Maya't-maya lang ay biglang tumunog ang tawagan niya. Kaya dali-dali niya itong sinagot.

"Hello."

"Good Morning honey, natanggap mo ba ang flower na pinadala ko?" Masiglang tanong tanong ni Yugene kay AD. "Yes honey, thank you." Anito sa binata.

"I miss you honey, see you later okay." Anang binata.

"Sir, kayo na lang po ang hinihintay sa comference room." Anang boses babae na rinig ni AD.

"Honey, are you busy?" Tanong nito sa binata. "Not really honey, meron lang ako meeting today." Nakangiting ani Yugene.

"Nagsimula kana bang magtrabaho sa company ninyo?" Tanong niya dito. "Yes honey, tinanggap kuna ang pagiging Prisedent sa kumpanya." Sagot nito sa dalaga.

"Okay! Sige bye na, pumunta kana sa meeting mo. Hindi magandang late ang boss." Pilyang ani AD. "Yes ma'am," ani Yugene. "I love you honey."

"I love you too."

Naiiling na napapangiti si AD habang nakaupo sa kanyang opisina. Kung hindi pa nito pinatay ang tawagan ay malamang maiinip sa paghihintay ang mga kameeting ni Yugene. Dahil malabo nitong papatayin ang tawagan hanggat kausap siya nito.

SAMANTALA habang nasa conference room si Yugene ay parang lumulutang sa hangin ang utak nito. Kaya ng mapansin ng kanyang ama ito ay agad siya nitong binulungan.

"Son, be a professional. Your in front of them, kung gusto mong respituhin ka nila at tingalain bilang magaling na business man ay magfuccos ka muna sa trabaho mo bago ang personal mong buhay." Anang ama nito kay Yugen.

"I'm sorry Dad." Hinging paumanhin niya sa ama. Bahagya lang siyang tinapik ng ama sa balikat bago ito upo ng tuwid.

Dahil sa sinabi ng ama ni Yugene ay inifuccos ng binata muna ang isip nito sa trabaho. Hanggang sumapit ang tanghali ay nagmadali siyang lumabas ng opisina niya.

"Angyari doon?" Tanong ng secretary niyang nadaan niya. "Iba talaga kapag in love ang isang tao." Napailing pa nitong aniya ng pumasok sa loob ng elevator si Yugene.


DAHIL sa tambak na trabaho ay hindi napansin ni AD na tanghali na pala. Naagaw lang ang atensyon niya ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng opisina niya "Come in, the door is open." Anitong muling ipinagpatuloy ang binabasa niyang mga papers sa ibabaw ng mesa niya.

"Ehmmm!"

Tikim ng pumasok na nagpaangat ng ulo ni AD. "Honey." Nakangiti nitong aniya ng makita ang binata sa harapan ng mesa niya.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon