HANDA nang magpaalam si AD sa mugalang niyang susunod siya sa kuya Alex niya ng makatanggap siya ng tawag mula sa mga kaibigan niya. Agad naman niyang sinagot ang tawagan ng makitang si Kathryn ang tumatawag.
"Hey! Kath, napatawag ka?" Bungad niya agad dito. "Bruha, hindi ka pala pwede umalis bukas." Ani Kathryn sa kabilang linya na kinataas ng kilay ni AD.
"Huh! At bakit hindi ako pweding umalis?" Taka niya ditong tanong. "Eh! kasi po bukas na ang kasal nila kuya X at ate Jham. Remember the date." Agad nitong natampal ang noo. Bukas nga pala ang kasal nila X. Anak ito ng ninong Xander niya at ninang Kate niya.
Talaga nga namang hindi pinakawalan ni X si Jham, mahal talaga niya ito. At si Jham naman ay anak ng ninong JM niya at ninang MG niya. Sinong mag-aakala na ang ninong Xander at ninong JM niya ay halos magpatayan daw ang mga ito noong mga binata pa sila. Pero ng magka edad na sila ay naging matalik ng magkaibigan at magiging magkumpare pa ang dalawa.
"Hey! nandyan ka pa ba?" Untag ni Kathryn sa kanya sa kabilang linya.
"H-huh!"
"Tsk! Saan na naman umabot yang isip mo AD?" Pagmamalditang tanong ng kaibigan niya sa kanya.
"Naalala ko lang ang story ng magulang nila kuya X at ate Jham." Nangingiti nitong aniya sa kaibigan. Maging si Kathryn ay napangiti rin.
"Yeah! Narinig ko nga kay Daddy, pinakidnap pa nga daw ni tito JM si tita Kate noon. And that time, tita Kate was pregy with the triplets." Ani Kathryn.
"At sinong mag-aakala na magmamahalan ang mga anak nila. At magiging matalik na kaibigan ng mga magulang natin si ninong JM." Saad naman ni AD.
"Kaya nga e. Hays! Buti pa sila may mga pag-ibig na ako kaya kailan ko____ouch!" Ani Kathryn sa kabilang linya.
"Kath, are you okay?" Nag-aalala nitong tanong kay Kathryn. "Miss are you okay? I'm sorry hindi ko sinasadya, may hinahabol lang kasi ako." Dinig ni AD sa kabilang linya.
"H-huh?"
"Sabi ko okay ka lang ba?" Husky na tanong ng boses lalaki kay Kathryn. "A-ah! Oo, o-okay lang ako. Nagulat lang pero I'm fine." Ani Kathryn na hindi maipaliwanag ni AD kung bakit nabubulol ang kaibigan.
"Mabuti naman kung ganon, anyway I'm Brexx Almonte." Pakilala ng lalaki kay Kathryn. "Kathryn. Kathryn Castillo." Rinig naman niyang pakilala ni Kath sa kausap na lalaki.
"It's nice to meet you Kath. Sige, maiwan muna kita. Duty first." Anang lalaking nagngangalang Brexx.
"Gaga, nandito pa ako. Yuhoooo." Ani AD. "My God. Kaping mainit, honey na malagkit. Buti hindi ako gumagamit ng t-back gurl, kundi baka nalaglag na. Syeste, kung ganon ba naman kagwapo ang police na manghuhuli ng criminal ay maraming babae ang magpapahuli sa kanya." Ani Kathryn sa kabilang linya.
"Tsk! Baka dakilang playboy yun huh! Be careful kundi malalagot ka sa'min. And act like one, dahil lawyer ka pa naman." Banta ni AD dito.
"But, paano kung siya na si Mr Right ko?" Sagot naman nito. Napabuntong hininga naman si AD.
"Yeah! Malay mo siya na nga." Natatawang pagsang ayun na lang dito ni AD. "Oh! Siya, I need to hung up my phone. Don't forget, tomorrow is kuya X and ate Jham's wedding. We are one of the bridesmaids." Paalala ni Kathryn kay AD.
"Okay! Sure. Take care." Ani AD bago nito pinatay ang tawagan. Nakangiti nitong inilapag ang tawagan sa kanyang kama. Maya't maya ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan na huminto sa labas ng bahay nila. Kaya agad niya itong sinilip sa bintana ng kwarto niya. At doon tanaw niya ang kuya Alex niya ang dumating kaya dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid.
BINABASA MO ANG
IF I LET YOU GO(1)-(Completed)
General FictionPara sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero darating at darating ang pagkakataon na panghihinaan kana ng loob. Ngunit kahit pagud kana o para bang suko...