Chapter 27

12.9K 360 2
                                    

LUMIPAS ang mga araw at tuluyan narin gumaling si AD, pinahintulutan narin ito ng kanyang doctor na makauwi na. Hindi nga lang siya hinayaang magpapagud o magbubuhat ng mga bagay na may kabigatan.

Habang nakaupo si AD sa kanyang kama ay naalala niyang tawagan si Yugene. Dali-dali nitong kinuha ang tawagan, makailang ring din ang tawagan niya ng sagutin ito ni Yugene.

"Hello honey. I'm sorry I was in a bathroom, I'm taking shower." Agad nitong paliwanag sa nobya.

"It's okay honey, hindi ka pala pumasok sa work?" Maya ay tanong nito. "Nagleave muna ako honey para makapapahinga kahit papaano." Anitong nahihirapan magsinungaling sa nobya. Dahil ang totoo ay nanginginig ito sa lamig. Mula ng mailabas sa hospital si AD ay nagsimula naman siyang lagnatin. Dahil sa walang pahinga nito mula trabaho ay pupunta pa siya sa hospital at magdamag niyang binabantayan si AD.

"Okay! sige magpahinga kana muna. I love you honey." Ani AD.

"I love you, too, honey." Anito.

Matapus ang pag-uusap nila AD at Yugene ay dali-dali siyang nagbihis at agad na lumabas ng kwarto niya. Sakto namang pagbaba niya ay paalis na ang mga kuya niya papuntang opisina.

"Guys, pwede bang magpahatid?" Kagat labi nitong tanong sa mga kuya niya. "Saan Princess?" Tanong ni Axel sabay akbay niya kay AD at hinalikan sa ulo nito.

"Sa penthouse ni Yugene kuya, feeling ko kasi hindi maganda ang pakiramdam niya ng tawagan ko. Ayaw lang niyang sabihin." Anito kay Axel.

"Naku! Ang batang yun, sino ba naman ang hindi magkakasakit anak kung wala ng oras para magpahinga. Mabuti pa nga puntahan mo siya." Anang ina nilang si Weng. "Dalhan muna rin ng pagkain anak, initin muna lang doon. Ilalagay ko lang sa topware ang pagkain. May natira pa kasi sa mga pagkaing niluto ng ate Ellah mo at may soup din." Anang ginang.

"Tita, tulungan kuna po kayo." Ani Ellah. "Ako na lang sis dahil mukhang ayaw humiwalay niyang nakakandung sa'yo." Ani Jasmine na ang tinutukoy ay ang makulit nitong anak.

"Mukha nga sis." Ang napangiting turan ni Ellah.

Makalipas ang ilang minuto ay bitbit na ni Jasmine ang maliit na basket. Agad niya itong inabot kat Axel. "Honey, wag mong hayaang ang kapatid mo ang bumitbit dyan, kundi sa'kin ka malilintikan." Banta ni Jasmine kay Axel na napakamot ng ulo.

"Alex, sapakin mo yang kambal mo kung hindi niya ihahatid hanggang tapat ng mismong pinto ng penthouse ni Yugene si AD." Dagdag pa ni Jasmine.

"Naku! Sis, isa pa yan e. Kung hindi mo pipilitin bumangon e ayaw bumangon kung makapulupot sa baywang ko. Nakakahiya tuloy kina tita at tito dito na tinatanghali ng gising. Kita mo nasa opisina na si tito samantalang sila nandito pa." Ani Ellah na kinakamot ni Alex ng ulo. Napangiti naman ang ginang sa tinuran ng dalawang babae sa buhay ng mga kambal niya. Mukha ngang nakatagpo na ng mga ito ang magpapatino sa kanila.

Ika nga nila kung ano ang itinanim ay siya rin bunga. Hindi nga kataka-takang mga anak ng isang Ajhon Vergara ang mga ito.

Maging si AD ay napangiti sa tinuran ng ate Jasmine at ate Ellah niya. Agad na humalik ang dalawa niyang mga kapatid sa kanilang mga nobya bago sa kanilang ina. Si AD naman ay ang makulit niyang pamangkin ang pinugpog niya ng halik bago sila umalis.

Makalipas ang ilang minutong byahe nila ay agad nilang narating kung saan ang penthouse ni Yugene. Agad na binitbit ni Axel ang basket na may lamang pagkain para kay Yugene. "Bye kuya." Ani AD kay Alex.

"Don't do anything there, Princess." Paalala ng kapatid nito. "I will, kuya." Nakangiti nitong saad sa kapatid bago lumabas ng sasakyan. Agad naman silang pinagbuksan ng guard ng makilala nito ang dalaga.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon