Chapter 30

27.3K 601 33
                                    

HABANG nakaupo si AD sa kanyang opisina ay mataman nitong tinititigan ang kanyang kamay kung saan suot nito ang engagement ring na bigay ni Yugene sa kanya ng magpropose ito ng kasal.

"Birthday ko na bukas pero wala siya." Anito sabay hinga ng malalim. "Puro, trabaho na lang siya. Nakakatampo na." Dagdag pa nitong naiiyak na. Wala kasi ang nobyo nito, nagpaalam ito sa kanyang mawawala ng tatlong araw dahil nagkaroon siya ng emergecy meeting sa states at nagkataon namang sa mismong birthday pa niya.

Kaya hindi nito maitatangging may hinampo siya sa nobyo. Dahil sa unang pagkakataon na magcecelebrate siya ng birthday bilang engaged, ngunit wala si Yugene.

At dahil sa malalim na pag-iisip nito ay hindi niya namalayan ang pagpasok ni Frank sa kanyang opisina. Dahil sa wala itong imik kahit na nasa loob na ng opisina niya ang binata ay bigla itong pinitik ni Frank ang ilong niya.

Agad naman ito nabalik mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman niya ang pagpitik ni Frank sa ilong niya.

"Naman big brother oh!" Nakasimangot nitong turan sa binata na kinakunot ng noo ni Frank. "Big brother?" Naguguluhan nitong tanong.

Agad naman itong pinaikutan ng dalaga ng mata. "Tsk! Para kitang big brother, that's why I want to called you big brother." Ani AD. Ngunit ang totoo ay inaasar lang niya si Frank.

"Bad idea, ang pangit pakinggan." Anito. Si AD naman ay nagpipigil lang na wag matawa. "At bakit mo naman nasabi na pangit pakinggan, beside of that your my cousin's soon to be husband?" Magkasalubong ang kilay nitong turan.

"Nhaaaaa! Parang nakalimutan mo. Your past suitors ay magiging big brother. Ayaw ko nga maging little sister ang gaya mong pasaway." Ani Frank na seryoso ang mukha.

"Ah! Ganun, e di lumabas ka ng opisina ko at wag kana magpapakita sa'kin." Anitong nakataas ang isang kilay.

"Ito naman, hindi na mabiro. Of course i'll be your big brother anytime you want." Biglang anito. Lihim namang natatawa si AD. Dahil ang totoo ay sinusubukan lang niya ito. "Are you sure?" Paniniguro nito.

"Gago ako pero hindi sinungaling." Sa halip ay sagot nito kay AD. "Sabi mo e." Ani AD na biglang natawa.

Dahil alam ni Frank na pinagtrip tripan naman siya ng dalaga ay bigla nitong piningot ang ilong ni AD. "Kahit kailan ay pasaway ka talaga." Ani Frank na naiiling.

After all, ay narealized ni Frank na hindi lang bilang kaibigan niya si AD kundi bilang nakakabata niya rin palang kapatid. Ang pagtingin pala niya dito noon ay hindi pagmamahal bilang katugon ng kanyang puso o kabiyak nito. Kundi bilang kapatid, siguro dahil sa wala itong kapatid kaya ganun ang turing at tingin niya kay AD.

"But ka nga pala pumunta dito, wala ka bang trabaho?" Maya ay tanong ng dalaga kay Frank. "Nope, napadaan lang ako dito. Susunduin ko si Erica sa bahay nila tito Oliver." Sagot nito sa tanong ni AD.

"Ah! Okay, malaki na ang tiyan ng  pinsan ko. Ang bilis mo kasi para kang ipo-ipo, wala man lang slowly moves." Ang natatawa nitong saad kay Frank.

"Mabuti nang mabilis ng hindi maunahan ng iba. Abah! mahirap ang maraming kakumpentinsya ano. Sa gandang lahi niyo ba naman kasi. Kaya mabuti nang masipag mag-araro sa araw at gabi." Ani Frank na walang kakurap-kurap.

"My God, ewan ko sa'yo." Naisatinig na lang ng dalaga sa tinuran ni Frank. Napangiti naman ang binata sa kanya. "Soon, magpupuyat rin si Belmonte mag-araro. Makikita mo brat." Ani Frank sabay tayo nitong natatawa.

"Ewan ko sa'yo, ang manyak niyo mag-isip." Nakanguso nitong aniya. "Hindi kami manyak, sadyang pinanganak lang kaming mga gwapong pilyo." Anito sabay kindat. "Oo, na kaya sige layas na." Pagtataboy ni AD dito.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon