____________
CHAPTER 3
___________Krystal's POV
Halos tatlong oras siguro ang nakalipas at natapos na din ung photoshoot ko with Lance Perez.
*Sigh*"Aaaaaahhh!!!" Sigaw ko ng mahina habang ginugulo ang aking mga buhok.
Napapikit nalang ako nang may naramdaman akong luha na bumababa sa mga mata ko...
Hala... nababaliw na ba ako?
Pinunasan ko ang aking mga luha.
"tss moved on ka na diba!? Bakit ka umiiyak!?" Inis ko wika sa sarili habang mahina ko binabatukan ung ulo ko.
Nako po mukang nababaliw na nga ako.
Walang mangyayari kung andito lang ako sa kwarto ko. Kailangan kong libangin ang sarili ko...
Tama!
Pinunasan ko muna ung luha ko bago tumayo ako sa kama at nag-ayus nang sarili, lalabas muna ako, di pwedeng magmukmok nalang ako dito magisa.Ewan ko lang kung saan ako pupunta, basta kahit saan nalang ako mapadpad.
______________________
*Flashback*
"L-Lance?"... Hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko. Parang nanginginig ang mga paa ko at naka titig kay...
Lance?
Nagmamalik mata lang siguro ako? Ano naman ang gagawin nya dito? Kinusot ko ung mata ko at lumapit ng konti para makita ko sya ng maayos.
Napabuntong hininga ako sa at napaupo ako sa sahig.
Nagkamali pala ako. hindi pala sya yun, magkahawig lang pagmalayi.Pero bakit hindi ko alam kung marerelief ako o masasaktan na hindi nga sya yun?
"Miss Ferrer?!... Miss Ferrer are you alright?" Tanong sakin ng isang staff dito habang inaalog nya ako dahil sa napatulala ako.
"ahh, opo hehe parang nadulas ata ako ha-ha! Pasensya na sa pagalala." Naglabas ako ng pilit na tawa habang hawak-hawak ung batok ng ulo ko.
"O-okay.. Make sure to be more careful next time."
"Opo!" Nag-salute ako sakanya habang nakabungisngis.
"Una na po ako sa dressing room." Pagpaalam ko.
Naglakad ako patungo ng dressing room, pagpasok ko, walang sali-salitang binigyan nila ako ng Black straight skirt, white shirt na may grey sleeves with blue-print writings. Ang sapatos ko ay isang red high-cut converse. Mabilis-bilisan ko ito sinuot dahil hindi pwedeng mabagal baka mapagalitan ako. Bago pa ako makalabas, inayusan muna nila ako.
"You may go out now" Sabi sakin ng hairdresser pagkatapos nyang ayusin ung buhok ko. It's a messy wave hairstyle.
"Thank you" Pagpasalamat ko sakanya bago tumayo sa kinauupuan ko.
Lumabas na din ako ng dressing room at nakita ko na din ung magiging kapartner ko, nakikipagusap sa photographer.
Teka lang... parang pamilyar ung mukha nya... hmmm isip.isip.isip...
"ahh Miss Ferrer, is everything al-"
"ALAM KO NA!" Sigaw ko at mukhang kinagulat ng isang staff na lumapit saakin.
"Ayy sorry! hahaha hindi ko po sinasadyang magulat ka." Pagpatawad ko sakanya. Umalis na din sya habang tumatawa. Ang weird ko daw kase.
Anyway... SYA YUN! SYA TALAGA YUN!
BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...