Chapter 35 - Home

158 1 0
                                    

Chapter 35

________________

Krystal's POV

"Anak!" sigaw sakin ni mama habang tumatakbo papunta sakin.

"Ma, kamusta naman kayo?"

"Ayan din ang tatanungin ko sayo, abay mabuti naman kami ng papa mo." sabi nya habang hawak-hawak nya ang aking pisngi.

"Nako bata ka, siguro kung hindi uuwi ate mo, hindi ka na bibisita dito ano?" pagsisita sakin ni papa.

"Haha pasensya po~" paglalambing ko sakanya.

"Hay kayong mag'ama talaga, hali na't pumasok na tayo."

"hmp! nagseselos ka lang eh." sabi ko sabay niyakap namin sya ni papa. Haha ang lambing namin eh noh?

Pumasok na din kami at eto ako, dahan dahang binuksan ung pinto ng kwarto ko.

*kreeeek* -pinto po eto.

ay ganun haha gano katagal siguro etong hindi pinasok haha

waaaaah ganun parin sya, walang pinagkaiba. Nakakaiyak naman haha naalala ko tuloy ung mga memories ko dito, I can tell na inaalagaan parin nila mama itong kwarto ko kasi ni isang alikabok wala haha

Inayos ko muna ang gamit ko bago ako lumabas. Pagbukas ko ng wardrobe ko, nandoon parin ung mga dati kong damit. Siguro ung iba kasya pa saakin haha.

Napatigil ako ng nakita ko ung highschool uniform ko... hindi ko namalayang nakangiti na pala ako haha yaaaah~ parang gusto ko syang suotin haha magkakasya pa kaya?

Bumaba na ako para kumain at lumabas lang ako saglit para mamasyal. Masyadong matagal na akong di nakapunta dito.

Dumiretsyo ako sa school ko at nakakatuwa naman nakilala parin ako ng mga old teachers ko. May nakita din akong old schoolmates at nakakatuwa namang isipin na ung mga couples na yun ay tumagal hanggang ngayon.

Kami din kaya? Tatagal ba ng ganun katagal?

Dumaan muna ako sa malapit na 7/11 bago pumunta sa playground kung saan kami unang nagkita... Ewan ko nga ba kung bakit ako bumili ng pagkain para sa dalawang tao eh haha.

Nung nakarating na ako sa playground, nagulat ako at ganun parin sya katulad ng dati, bagong pintura nga lang.

Umupo ako sa isang duyan, kung saan ako palaging umuupo at habang nililibot ng mga mata ko sa lugar ay lumalabas ang mga alalang mga pinaggagawa namin, sa mga pwestong kung saan kami naghabulan, kung saan kami unang nagkita ...

Sa lahat ng mga pinagpuntahan namin ay eto ang pinaka espesyal para sakin.

Ininom ko ung isa sa binili ko at pinikit ang aking mga mata. Ang tahimik, walang mga bata kasi pagabi narin.

Sa sobrang tahimik konti nalang marinig ko ang mga boses sa alala ko, ung ingay na binabalot sa lugar nato noon, ung mga tawanan at sigawan... *sigh*

"Krystal?"

Halos maibuga ko ung iniinom ko at muntikan narin akong malaglag sa duyan dahil sa gulat ko. Kala ko ako lang yung nandito eh. Pagbukas ko ng mata ko isang tao ang bumungad sakin...

asdfghjkalagak!!

"Ikaw!? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"tss ikaw nga dapat tanungin ko eh. Siguro sinusundan mo ako noh?"

"Hoy Mr Perez! For your information di kita sinundan eh ikaw nga dapat tanungin ko nyan. Sinusundan mo ba ako?" Ba't ba palagi nalang sya sumulsulpot pag nagmomoment ako hah? huwway!? At pati ba naman dito!?

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon